CHAPTER ELEVEN

167 13 0
                                    

       May dalawang Buwan na ang tiyan ni Charlotte... Medyo nakakalakad na siya pero dahan dahan pa din Lage ko siyang sinasama kahit saan. Sa photo shoot ko o sa recordings. Ganun ang naging routine namin araw araw.

      Ngayong araw may Mall tour uli kami at isasama ko uli si Charlotte. Inihanda ko na ang.mga kelangan niya. Nauna ko nang inilagay sa kotse ang mga gamit niya. Nag-usap na uli sila ni Madame. Kaya masnagiging masaya na siya kesa ng mga nakaraang araw.

     Nauna na sina Peter at Zach kasama ng ibang Staff. Hapon na ang totoo talagang kasama sa Plano ko ang late kami Kasi si Charlotte pinapagalitan ako. Wag ko daw pag antayin ang mga Audience.

PAGDATING NAMIN sa venue may mga tao na...nakaupo na sila. Mukhang umaayon ang lahat sa Plano ko. Itinulak ng Isang Staff ang wheeled chair ni Charlotte at pinuwesto siya sa harapan bandang gitna. Habang ako nagbihis ako ng Tuxedong dala ko. Itinago ko talaga iyon.

      Lumabas sina Peter at Zach mula sa pinagtataguan nilang lungga. Nakasuot din sila ng Tuxedong Kulay itim.

     "Ready ka na ba pare?". tanong ni Zach.

     Tumango ako medyo ninenerbyos ako.

     Tinapik ako ni Peter.  "Kaya mo yan. Kami ng bahalang kumanta tapos Ikaw magcocentrate ka sa page-emote mo mamaya." Natawa ako.

     Pumuwesto na ako. Habang ang dalawa lumabas na naghiyawan na ang mga tao. Nag umpisa na silang kumanta.

      Si Zack ang intro.

When your legs don't work like they used to before...
And I can't sweep you off of your feet...
Will your mouth still remember the taste of my lips...
Will your eyes still smile from your cheeks...

      Nagulat si Charlotte ng lumabas ako na nakasuot ng puting tuxedo at may hawak na isang bouquet of Red roses... Marahan akong naglakad papunta sa kanya at huminto sa kanyang harapan. Natilian Ang mga tao.

And darling I will be loving you til we're 70
And baby my heart could still fall as hard at 23....
And I'm thingking bout loud how people fall in love in mysterious ways...
Maybe just the touch of a hand...
Oh me I fall in love with you every single day...
And I just wanna tell you I am...

     Nakita kong nagpahid ng luha si Charlotte... sina Peter at Zach ang kumanta pero hininaan lang nila para maririnig ng mga tao ang kung anong sasabihin ko.

     Yumuko ako at ibinigay ang hawak kong bulaklak kay Charlotte. Kinuha naman Niya iyon. Nabigla siya at napatili Ang mga viewers ng iniluhod ko ang Isang tuhod ko.

     "Charlotte."   tumulo agad ang mga luha niya.  "Alam ko naging masama ako sayo... Sorry hindi ko sinasadya... Gusto kong malaman mo na ang saya saya ko sa tuwing gigising ako na nasa tabi kita... Ikaw Ang kumompleto ng Buhay ko... Hindi ko alam na ang babaeng nakatakda kong makasama habang buhay ay nasa harap ko lang pala... Sorry kung binalewala kita..."

      May kinuha ako sa bulsa ng coat ko. Saka iyon binuksan para itanong sa kanya ang isang katanungan.

     "Charlotte Mendoza... Will you Marry me and be the Mother of my Children?"  naiiyak na din ako Hindi ko maiwasan... ang saya ko kasi.

      Matagal akong tinitigan ni Charlotte. Saka siya marahang tumango.

      "Yes."  Umingay ang crowd. Isinuot ko sa daliri niya ang Diamond ring na talagang pinag ipunan ko ng husto. Hinagkan ko siya sa labi. Saka ako nagtatatalon sa tuwa!

     Bumaba sina Zach at Peter sa stage para batiin ako. Sa tuwa ko nayakap ko silang dalawa nagtawanan ang mga tao.

      Lumuhod uli ako sa harapan ni Charlotte. Saka siya niyakap. "Salamat. Ma."

Kabado ako. Eto na yung inaantay ko. Hindi ko na pinatagal pa...sa loob ng dalawang linggong paghahanda eto na kami ni Charlotte...

     "Ui!"   tapik sakin ni Peter.  "Wow! Biruin mo yon ikaw ang unang matatali sa ating tatlo."  saka ito nakakalokong tumawa.

      "Oo nga naman Arth. Ang daya mo ha. Inunahan mo kami. Dapat sabay sabay tayo eh."   si Zach habang inaayos pa nito kunwari ang Tuxedo ko.

       May hawak silang tig-iisang mic. Sila Kasi ang kakanta ng Wedding songs namin. Nagbibiruan kami kasama ni Diemoon na ngayon ay Kumpare na namin. Isa siya sa mga Ninong ng Baby namin ni Charlotte. Habang si Luna naman ang Bridesmaid. Wala Kasi si Odessa kaya si Luna lang. At Wala din namang Girlfriend pa si Zach.

      Ang lakas tumawa ni Diemoon kaya pinapagalitan siya ni Luna at kontodo ang tawa naming tatlo. Nakakatakot din palang magalit si Luna. Natigilan kami ng bumukas na ang pinto. Agad na pumuwesto ang dalawa sa gilid para kantahin ang Thinking out loud ni Ed Sheeran.

       Napahakbang ako ng makita kong hindi nakaupo sa wheeled chair si Charlotte. Sinimulan na ng dalawa ang pagkanta habang dahan dahang naglalakad ng mag-isa si Charlotte nakangiti pa din siya kaso alam kong nahihirapan pa siya sa paglalakad. Panaka-nakang napapahinto ito.

     Hindi ko na kinaya kaya mula sa pwesto ko ay naglakad ako papunta kay Charlotte saka ko siya binuhat hanggang makarating sa harap ng Altar. Dahan dahan ko siyang nilapag.

      "Salamat. Arthur."  hinagkan ko siya sa noo.

      "Oi. Arth wala pang kiss the bride."  kantiyaw ni Peter. Tumawa na naman si Diemoon kaya nagtawanan na din lahat.

       Nagsermon na ang pare. Mahaba. Hanggang sa matapos.

      "Magpalitan kayo ng sing sing bilang tanda ng inyong pagmamahalan."  Sambit ng Pari.

      "Charlotte...thank you for giving me a chance to prove my love to you...I Promise to make you happy...I'll be the most loving husband to you and a good father to our children...please take this ring as symbol of my undying love to you... I promised to love and cherish you as long as I live."  saka ko marahang isinuot sa palasing-singan ni Charlotte ang sing sing na tanda ng pagmamahalan namin.

      Kinuha ni Charlotte ang sing sing. Tumingala siya sa akin.  "Ummm Arthur... Take this ring as a sign of my love to you... I love you ever since I saw you and thank you for loving me back. I promise to be the best wife you could wish for and a loving mother to our children. I promise to love and cherish you forever...."

      Tumulo ang luha ko ng isuot na ni Charlotte sa akin ang sing sing.

      "You may now kiss the bride."

      Ito na ang inaantay ko kanina pa. Lumapit ako kay Charlotte saka ko siya bahagyang kinabig palapit sa akin. Saka ko siya hinagkan.

      Nagpalakpakan ang mga bisita.

      Humiwalay sa labi ko si Charlotte. Binuhat ko siya palabas ng Simbahan. Ito na ang pinakamasayang sandali ng Buhay ko sa wakas pagmamay-ari ko na ang babaeng minsan kong pinangarap.

THE END

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon