CHAPTER NINE

168 12 0
                                    

        Nagpark ako malapit lang sa entrance ng Ospital. Hindi na kayang gumalaw ni Charlotte kaya binuhat ko siya. Nakita naman kami ng mga staff ng Ospital dali dali silang lumapit at inihiga ito sa stretchers. Dineretso nila si Charlotte sa E.R

      "Sir. Hanggang dito na lang po kayo.". pigil sa akin ng isang lalaking Nurse bago ito pumasok sa loob ng E.R.

      Kasunod ko naman ang dalawa.

      "Pare. Si Madame hinimatay itinakbo din sa Ospital pero hindi dito."  pagbibigay alam ni Zach.

      Umupo si Peter sa mahabang upuan na nasa labas lang ng E.R.  "Libre namang umupo mga pare. Hindi ba kayo napapagod? Nakakapagod kayang akyatin yung pagkataas taas na gate nang A--Ale ah! Basta yun na yon."

      "Allessio."  pagtatama ko kay Peter.

      He chuckled. "As if I care."

      Pareho kaming umupo ni Zach pero ang layo namin kasi humiga si Peter sa mahabang upuan. Uunat lang daw siya.

      Sumandal ako sa pader. Lahat na at nang Santong kilala ko ay natawag ko na. Nag-e-emote ako ng makarinig ako ang hilik.  Nagkatinginan kami ni Zach. Aba't sarap tulog ni Peter! Natawa kami pareho ni Zach.

       Nahinto ang tawa namin ng bumukas ang pinto ng E.R.  "Kayo po ba ang miyembro ng pamilya ng pasyente?"

      Sabay kaming tumango ni Zach kahit Hindi totoo.

      "Ligtas na po ang pasyente pati ang bata yun nga lang medyo mahina ang kapit nito. Saka ilang linggong bedrest kasi medyo nadislocate ang binti niya. Nahulog ho ba siya sa hagdan o kaya ay nasipa ng malakas?"

       "Dok. Kita nyo naman hong bugbog sarado siya at namamaga pa ang mukha niya. Kaya ano bang klaseng tanong yan?!"  medyo napataas ang boses ko.

      "Pare. Kalma."  awat ni Zach.  "Dok. Anong oras po siya ililipat sa Private room?"

     "Maya maya kinukuha pa namin ang vitals ng pasyente. Sige."  pumasok na uli ito sa E.R.

     Nag-aantay kami ni Zach at ni Peter kahit tulog na tulog ito.

     Bumukas uli ang pinto ng E.R. nilabas na nila si Charlotte may mga nakatusok sa kamay niya. Tulog na tulog si Charlotte. Sinundan ko kung saan na daldalhin ang mag-ina ko. Ikinuha ko sila ng Private room para pwede akong mamalagi kahit magdamag.

     Ginising ni Zach si Peter na agad naman tumayo at sumunod. Nakatingin sa amin halos lahat ng madadaanan namin. Nga pala nakalimutan ko na 3rips nga pala kami nilingon ko ang dalawa si Zach sige tango sa mga tao habang si Peter kontodo hikab. Kahit kailan itong dalawang to walang pinagbago pero yon ang nagustuhan ko sa kanilang dalawa kaya nagtagal kami bilang magkakaibigan. Dahil maaasahan Sila sa  oras ng pangangailangan.

MALAMBOT ANG KAMA ni Charlotte. Nagpaalam muna ang dalawa na bibili ng makakain sa canteen saka prutas para paggising ni Charlotte makakakain siya.

     Hinawakan ko ang kamay nito medyo nangingitim yon. Ang H*yop na yon walang patawad kinuha niya sa akin si Charlotte pero ano ito ang ginawa niya. Dalawang linggong nagtiis si Charlotte kahit hindi na niya kaya tiniis niya. Hinaplos ko din ang Baby bump nito.

     "Anak. Andito na si Papa. Kasama ko na uli kayo hindi ko na kayo ibabalik sa kanila. Kahit pa magtrabaho si Papa ng doble matustusan lang kayo ni Mama gagawin ko at hinding hindi ko na kayo pahahawakan sa kanila. Pangako ko yan. Kapit ka lang ha... para hindi malulungkot si Mama."

     May nag-offer sa akin na maging Model ng product nila. Tingin ko dapat tanggapin ko yon. Para dagdag ipon din. Ang kikitain ko dun para yun sa mag-ina ko. Mamaya pag balik ng dalawa kakausapin ko sila tungkol dito.

"WALANG PROBLEMA DUN PARE. Basta ba kikita ka nang maayos bakit hindi. Saka isa pa wala naman nakalagay sa kontrata natin na bawal tayong tumaggap ng ibang offer. Saka wala silang magagawa Lalo na si Madame. Diba siya ang dahilan kaya nagkaganito si Charlotte saka ayaw din niyang tulungan ka sa gastusin diba. Don't worry Arth. Akong bahala kapag dinaan ka ni Madame sa legality baka nakalimutan mo na atang Abogado ako."

     Tumingin ako kay Peter. "Oo nga Abogado ka nga Pala. Teka bakit ayaw mong gamitin yang pinag aralan mo. Sigurado akong yayaman ka kaagad."

     "Saka na lang pare. Hindi ko gustong yumaman galing na ako dun pare ayokong kinokontrol nila ako pati buhay ko. Habang sila may kani-kaniya ng pamilya na. Kapag kinailangan ko na saka ko gagamitin pinag aralan ko. Sa ngayon masaya ako kasama nyo at si Dessa— kung babalikan pa niya ako dito."

     "Babalik din yon pare."

     "Sana nga Zach."

     Narinig namin ang mahinang ungol ni Charlotte. Dali dali akong lumapit sa kanya.

     Hinawakan ko ang kamay nito saka iyon bahagyang pinisil para maramdaman niyang may kasama siya. Lumabas si Peter para tumawag ng Doktor.

       Umungol uli si Charlotte saka siya nag-iiiyak hanggang sa nagmulat na ito ng mga mata. Medyo nagulat pa siya ng makita kaming dalawa ni Zach. Bahagya itong natigilan tinitigan niya akong mabuti bakas pa rin sa mukha niya ang takot.

      "A-Arthur....". nanginginig ang boses nito kasabay ng katawan niya.  Dahan dahan siya lumapit sa akin saka ito yumakap.

      "Wag mo na a-akong ibalik k-kay Mommy p-please... hindi a-ako kakain ng madami para hindi domoble ang g-gastos mo. Arthur sinasaktang ako ni Allessio wag mo n-na akong ibalik sa kanya pleaseeeee..."

      Niyakap ko si Charlotte namiss ko siya. Dalawang linggo din yon.  "Ssshhhh ano bang mga sinasabi mong hindi ka kakain hindi ako si Allessio okay. Hanggat kaya ko ibibigay ko sayo at sa anak natin. Wag kang mag-alala hinding hindi na kita ibibigay pa sa kanila saka may tatanggapin akong sideline malaki din ang kikitain ko dun para yon sa inyo ni Baby... Kakayanin kong buhayin kayo. Okay kaya wag ka nang mag-isip pa ng kung anu ano. Baka mapano ka pati si Baby."

      Tumango lang siya at umiyak. Ang higpit ng yakap niya sa akin.  "Baby andito na si Papa mo. Thank you binalikan mo kami."

      Tumalikod si Zach. Saka humakbang palabas ng pinto. Dumating si Peter kasama ng Doktor kaso pinigil sila ni Zach dahil nagmomoment kaming dalawa ni Charlotte.

      Hinayaan ko lang siyang ilabas lahat ng hinanakit niya. Salamat lord at ligtas ang mag-ina ko. Kapag pwede na iuuwe ko na sila.

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon