EPILOGUE

265 16 3
                                    

       Makalipas ang ilang buwan nagsilang si Charlotte ng isang malusog na batang lalake...

      "Kamukha mo siya Arth!". tuwang tuwa si Peter.

      "Loko ka talaga syempre si Arth ang Ama alangan naman na maging kamukha natin Yan!" Biro ni Zach nagtawanan kami.

      Agad akong pumasok sa kuwarto ni Charlotte nang mailipat na siya sa private room. Tulog si Charlotte. Napagod ata sa pag ere. Dinala ng Nurse ang Baby namin. Kinalong ko ito at kinantahan kaso umiyak siya ng matindi.

      "Naku baka nagugutom na yan Arth!". natatawa na naman si Peter.   "Padedehin mo na Arth!"

       Nahampas tuloy siya ni Arth ng sumbrero. Tumawa lang ito. Hindi ko talaga siya mapatahan. Baka nga gutom.

       Abala kami sa pagpapatahan sa Baby ko ng magsalita si Charlotte.

      "Anong ginagawa nyo sa Baby natin?"  mahinang sita niya.

      Nakangiti akong bumaling sa maganda kong Asawa. "Pinapatahan namin kaso sige iyak baka nagugutom ata."

      "Akin na si Andro."  ibinigay ko kay Charlotte si Baby.

       "Andro?"  Tumango siya.  "Wow Ikaw pala si Andro. Ganda ng name."

       Lumabas muna sina Peter at Zach para mapadede ni Charlotte si Baby.

       "Pwede pagkatapos ni Baby...ako Naman?". Natawa si Charlotte saka umiling.

       Niyakap ko siya saka hinagkan sa noo. "Thank you for making me the happiest man in the world... and thank you for giving me Andro. Kayo ni Baby ang Buhay ko.

      Ang sarap sa pakiramdam. Pareho ko Silang yakap... ang Asawa at Anak ko.

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon