CHAPTER EIGHT

144 12 0
                                    

      Wala si Arthur paggising ko gaya ng sinabi ni Mommy iniwan na ako ni Arthur. Hindi na ako kumibo baka may rason kung bakit niya ginawa yon. Napatingin ako sa tiyan ko. Nagugutom na ako. Napansin ko ang isang plastic bag. Kinuha ko iyon. Wow may siopao at ilan sa mga paborito kong kainin. Lalo lang akong naiiyak.

     Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Mommy at si Allessio. Pareho silang nakangiti. Pinagmasdan ko lamang silang dalawa.

     "Charlotte. Dapat matuwa ka dahil payag pa din si Allessio na ituloy ang kasal kapag nakapanganak ka na. Diba magandang balita yon."  hindi ako sumagot. Kinuha ko ang siopao saka ko iyon inumpisahang kainin.

     "Mamaya pwede ka ng umuwe. At sa Bahay ka na ni Allessio titira para mabantayan ka niya."

     "Ayoko po Mommy!"

     "Charlotte. Hindi ka na babalikan pa ni Arthur. Ngayon kung mapilit ka sige ididisband ko ang 3rips."  natigilan ako sa sinabing iyon ni Mommy.

      "Alam mo dapat gamitin mo din ang utak mo gaya ng ginawa ni Arthur. So mamili ka si Allessio o ididisband ko Sila."

     "Mommy naman anak po ni Arthur ang ipinagbubuntis ko tapos ganyan po kayo sa kanya. You're being unfair."   mangiyak ngiyak kong katwiran.

      "I will be the Father of that bastard. Understand. You will never going to tell that piece of sh*t about that guy. Okay!"  yun lang at sabay silang lumabas ni Mommy.

      Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Siguro naman magbabago din ang sitwasyon. Masyadong matagal ang nine months kaya tiyak akong makahanap ako ng dahilan para makaalis sa poder ni Allessio at Mommy. Masgugustuhin ko pang maghirap kesa mapangasawa si Allessio.

KANINA PA AKO ANDITO SA labas ng Ospital. Nagtanong ako  kung nadischarge na si Charlotte Mendoza at ngayong gabi nga daw ito lalabas. Nakatago ako sa gilid ng poste baka makita ako ni Madame. Napansin ko ang pamilyar na kotse Porsche 918 Spyder. Sigurado ako na sakay nun si Charlotte. Sinundan ko ang kotseng yon. Sa isang Exclusive Village ito pumasok. Hindi na ako nakasunod dahil hinarang na ako ng Guard. Tinanaw ko na lamang ang papalayong kotse ni Allessio.
Naiiyak ako sa panggigigil. Bakit ba napakaimportante ng Pera at Family background parang hindi ko kayang tanggapin na magkaka-isip ang anak ko sa poder ng ibang Lalake at hindi ako ang kikilalanin niyang Ama.

      Inistart ko ang Motor ko saka ko ito pinaandar palayo sa Lugar. Para na akong mababaliw. Parang ayoko nang tumuloy sa Dynamic Rythm naisip kong mag-abroad na lamang kaso may kontrata akong pinirmahan. Kelangang makaisip ako ng paraan kung paano ko mababawi ang mag-ina ko.

NASA BAHAY NA AKO tahimik kong pinagmamasdan ang mga picture ni Charlotte. Karamihan sa mga kuha ko ay puro stolen shot ano na kayang ginagawa Ngayon ni Charlotte? Sana hindi siya nasasaktan ni Allessio. Mapapatay ko siya kapag nagkapasa uli si Charlotte! Hindi ako mapakali. Dumeretso ako sa kuwarto ko saka ko binuksan ang Cabinet at kumuha ng isa sa mga damit ni Charlotte pinili ko yung bistidang suot niya nung una ko siyang inuwe dito sa Bahay ko. Niyakap ko iyon ng mahigpit saka ako tahimik na umiyak... ayokong makita ako nila Peter at Zach sa ganitong sitwasyon. Humagulhol ako nang iyak... "Babawiin kita Charlotte."

"THIS WILL BE YOUR ROOM. Don't worry cause I won't touch you not until that st*pid b*st*rd was gone."  ngumisi ito sa akin saka ako iniwan.

      Hinawakan ko agad ang doorknob pero lock na ito mula sa labas. Kinuha ko ang cellphone na binigay ni Allessio. Dalawang number lang ang naandun Numero ni Allessio at ni Mommy. Dinayal ko ang numero ni Mommy.   "Mommy ayoko dito gusto kong bumalik kay Arthur."

      "Shut up. Gamitin mong utak mo!". sigaw ni Mommy sa kabilang linya.

      "Kinulong po niya ako sa kuwarto ko." sumbong ko pero parang balewala lang ito kay Mommy.

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon