CHAPTER THREE

176 14 2
                                    

      "May problema ka ba Arth?"  tanong sa akin ni Zach.

      Hindi ako kumibo.

      "Alam mo ilang araw ka na naming napapansin simula ng magcelebrate tayo ng 2nd monsary nyo ni Luna naging ganyang ka na. May problema ba kayong dalawa?"

       "Wala."

       "Ang tahimik mo kasi. Magdadalawang linggo ka ng ganyan. Baka kung ano na yan pare pwede mo kaming kausapin ni Peter. Lam mo yon pagtulungan natin kung anuman yan."

        "Talaga? Maiintindihan nyo ako?"

        Tumayo si Zach mula sa pagkakaupo sa sahig katatapos lang kasi naming magpractice ng sayaw.   "Oo naman. Ano ba yun pare?"

        "Pano kung sabihin ko sayong ginalaw ko sa Charlotte. Anong magiging reaksyon mo?"  Hindi ako tumingin kay Zach... nanatili akong nakatanaw sa malayo.

       Tumawa siya.  "Nagpapatawa ka ba Arth? Pano mong nagalaw si Charlotte e diba ayaw mo sa kanya----"

        "Sapilitan pare..."  putol ko sa kanya.

        Napahawak sa balikat ko si Zach.  "Pare wag mong sabihing ni-rape mo si Charlotte."

         Napabuntong hininga lang ako.

         "G*go ka ba Arth!"  sabi na nga ba yan ang magiging reaksyon niya.  "Kilala mo ba kung sinong tinalo mo? Anak sya ng Big Boss natin! isa pa bakit ginawa mo yon?"

        "Nag-init ako pare."  maiksi kong sagot habang iiling iling.

         "Nag-init ka? Kala ko ba andyan si Grace para sa mga emergency situation mo. Pare. G*go ka! Hindi ka nag-iisip! Anong gagawin mo kapag nalaman yan ng Boss natin?"

        "Hindi ko alam....my girlfriend ako Zach."  Ramdam kong hindi nito nagustuhan ang isinagot ko.

         Napasuntok na lamang sa pader si Zach.  "Sh*t pare Ang daming babae Dyan na pwede mong alukin ng one night bakit si Charlotte pa! Mayayari tayo niyan."

        "Sorry pare."

        "G*go ka nga. Bakit ka magsosorry sa akin ako bang ni-rape mo?" 

         Nagulat kami ng may nagsalita. Sabay kaming napatingin kay Peter.

         "Sinong ni-rape mo Arth?"  kumpara kay Zach masnakakatakot magalit si Peter.

         Humakbang ito palapit sa akin. Galit siya sa salitang rape dahil sa nangyari kay Odessa. Humarap ako sa kanya sinalubong ko ang nangangalit niyang tingin. Abogado si Peter alam kong alam niya ang batas at kahit anong paliwanag ko matatalo lang ako sa katuwiran niya.

       "Bakit hindi ka na sumagot?"

       Pumagitna si Zach.  "Pare... wag kayong mag away dito."   inabot lang sa kanya ni Peter ang isang malaking balot nang chitchirya.    "okay pag-usapan nyo na muna kakain lang ako. Salamat Peter."

        What pababayaan Niya akong mag-isa? Ano to mauulit yung away namin ni Peter dati. Ano ba tong si Zach.

        Sumandal si Zach sa bintana at pinabayaan nga ako. Sige lang ang kain niya. Ganyang ganyan yung ginawa niya dati nung 16 pa lang kami.

       "Kelangan ko pa bang ulitin Arth? Sinong ginalaw mo?"   tumitig ako sa mata ni Peter.

       "Wala kang pakialam kung sino par---." bigla akong kwenelyuhan ni Peter.

       "Wala nga akong pakialam. Pero alam mong ayaw kong makarinig ng salitang rape diba o kahit anong katulad nun dahil iniwan ako ni Odessa dahil sa lintik na lalaking yon! Alam mo yan Arth tapos Ikaw pa mismo gagawin mo yon!"  humigpit pang lalo ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko.

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon