CHAPTER TWO

156 14 0
                                    

       Dalawang linggo na ang lumipas simula ng pumirma kami ng kontrata sa Dynamic Rhythm. At dalawang linggo na din akong kunukulit ni Charlotte.

       "Arthur! Panget ba ako?"  tanong niya sa akin isang beses. Kami lang dalawa Ang nasa Dance studio.

        Mula sa malaking salamin ay tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.  "Tingin mo ba magugustuhan kita sa ganyang pananamit na kulang na lang ay maghubad ka. Sa totoo lang mukha kang kaladkaring babae sa ayos mo."   nakita ko siyang nagpunas ng luha.

       "Masmasakit ka pala magsalita kumpara kay Peter."  she bit her lower lip.  "Kapag pa nagbago ako ng pananamit ko mamahalin mo na ba ako?"

         Humarap ako sa kanya at humakbang palapit dito.  "Gawin mo kung gusto mo." 

         "Arthur...g-gusto kasi kita sobra alam mo naman yon diba...bakit ayaw mo sakin? p-pero hinahalikan mo naman ako----"

         "Gusto mo naman diba. Kaya wag kang magreklamo. Di ba malinaw kong sinabi sayo na hahalikan ko ang sinuman na trip kong halikan."  hahakbang na sana ako ng hawakan niya ako sa braso ko.

        "Arthur...Ngayon ko lang to naramdaman. Mukha lang akong kaldkarin pero hindi ako ganun. Pagbigyan mo naman ako oh."

        Tinabig ko ang mga kamay niya. "Mahiya ka naman sa sarili mo."

        "Oi. Hello Charlotte. Andito ka pala. Arth halika sa Recording studio kakanta tayo."  biglang silip ni Peter.

         Buti hindi na ito nangulit pa. Agad din itong umalis at sumunod naman ako. Narinig ko ang mahinang iyak ni Charlotte parang may kumurot sa puso ko. Pinagmasdan ko muna siya bago ako tuluyang umalis.

         Meryenda na. Kasama namin ang Bago naming P.A si Luna. Maganda si Luna... mahinhin halos lahat ng hinahanap ko sa isang babae nasa kanya. Kumbaga siya ang tipo kong babae.

      "Oi! Teka Arth Lage ka atang may baon ah baka naman iba na yan ha."   nakakalokong sita sa akin ni Peter. Ang daldal talaga niya.

        "Alam mo pare Meron din akong pasobra para sa inyo ni Zach nga Pala asan na si Zach."   wala kasi ito e oras na nang meryenda.

        "Kausap ni Charlotte."   maiksing sagot ni Peter.

        "Bakit?"  tanong ko habang inilabas ang dala kong Spanish bread.

        Nagkibit lang si Peter. Medyo nakaramdam ako ng konteng selos? Hindi. Baka naninibago lang ako simula kasi nung huling pag uusap namin na ipinagpipilitan niya ang sarili niya sa akin hindi na niya ako gaanong kinikibo.

       Pumasok na si Luna sa mini Kitchen pero wala pa din si Zach. Aaminin kong nililigawan ko nga si Luna... pero bakit parang hinahanap hanap ko ang atensyon ni Charlotte.

        "San ka pupunta pare? Andito na si Luna oh."  pahabol ni Peter ng mapansin niyang aalis ako. Ngumiti lang si Luna.

        "Bibili ako ng soft drinks sa tindahan para may panulak tayo."  tumango lang si Peter.

        Nakita kong lumabas sa conference room si Zach. Nagulat pa siya ng makita ako.

      "Arth? San ka pupunta?"  tanong nito.

      "Ummm...bibili ako ng soft drinks."  totoo naman bibili naman talaga ako. Naglakad ako papunta sa Lobby pero huminto din ako. Sinigurado ko munang wala na si Zach bago ako bumalik sa at pumasok sa loob ng conference room.

        Nakatalikod si Charlotte. Pinagmasdan ko siya. Nakasuot na siya ng pantalon at t-shirt. Ginawa nga niya ang sinabi niyang magbabago siya ng pananamit. Medyo nakaramdam ako ng tuwa.

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon