CHAPTER FIVE

142 12 0
                                    

       Nagliligpit na kami ng mga gamit. Habang si Charlotte nakaupo. Natutuwa akong nakikita siyang kain ng kain. Medyo nataba nga siya... ah mamaya bibilhan ko siya ng mga bagong damit.

       "Oi. Baka matunaw. Ikaw din.". biro ni Zach.  "Ano uuwe na kami. Kayo?"

       "Magdi-date muna kami."

       Siniko ako ni Zach.  "Asus! Kinikilig ako sa inyo pare. Buti ka pa! Kami kasi ni Peter sawi."

       "Speaking of Peter. Asan na yong isang yon?"

       "May bibilhin daw muna siya bago kami umuwi...sigurado damit na naman yon ng bata."

        "Seryoso din siyang mangolekta ng damit ng bata ha...ano okay na ba yung bahay nila Odessa?"

       "Oo kahapon binigay na kay Peter ang titulo. Ayaw nga ipaalam ng loko na yon na siya ang nakabili e." 

       "Bakit kaya Zach?"

       "Baka sorpresa. Alam mo naman si Peter di mabilang mga babae niya pero si Odessa lang ang nakapagpa-iyak sa kanya. Lam mo umiyak din ako nun Arth... Kasi umiiyak si Peter."

      Tinapik ko siya.  "Loko. Ikaw lang ba? Ako din e naramdaman ko yung sakit Lalo na nung iabot ni Mommy yung sulat ni Odessa...grabeh bakit ang mga babae ang dali tayong paiyakin?"

     "Di ko din alam pare. Siguro dapat umpisahan mo ng magbasa ng mga pocket book."

     Napatingin ako sa kanya.  "Bakit naman Zach?"

     "Para maging romantic ka."  Saka ito bumungisngis ng todo.  Hay naku. Si Zach talaga di ko malaman kung matino o mala Peter na din.

     Natawa ako sa sinabi ni Zach.

     "Ewan ko sayo Arth. Epektib yon subukan mo lang may mababasa ka pang tips don!" Bulong sa akin ni Zach.

      "Nakakahiya naman kung bibili ako ng librong Ganon nu ka ba pare."  Tutol ko pero natatawa pa din ako.

      "Meron na sa cellphone mga apps na ganyang try mo Wattpad madami dun kwento may nakakaiyak pa nga Yun nga lang may mga erotic din naku wag ka na sa erotic baka masundan mo agad yang anak mo."

      "Oi!"  nasiko ko tuloy...

      "Aray naman Arth!"  napahawak ito sa tagiliran. Medyo napalakas nga ata ang pagkakasiko ko.

      "Sorry na pare."  Sabay yakap ko dito. Nagtatawanan kami ng dumating si Peter.

      "Oi. Selos naman ako niyan ang sweet nyo ah!"  may dala na naman siyang mga gamit pangbaby at mga damit pambata.

       "Ang dami naman niyan Peter."   sita ko sa kanya.

       "Ah...oo para sa anak ni Dessa...kung saka sakaling maisipan niya akong balikan dito sa Pilipinas...diba kahit pano may mga gamit na si Baby...Basta mag-aantay ako hanggang magkita uli kami... tinamaan ako mga pare...sobrang lalim...kaya kapag nagkita uli kami hindi ko na siya pakakawalan."

      "Pakakasalan mo na ba siya pare?"  seryosong tanong ni Zach.

      "Oo. Aakuin kong akin yung bata..."

      Tinapik ko na lamang siya. Ngayong magiging Tatay na ako ramdam ko si Peter. Napatingin na lamang ako kay Charlotte.... naka upo lamang siya sa upuan at tahimik na tahimik kahit na binabati siya ng mga staff...parang nawala ang self confidence niya dahil sa mga nangyari.

      Lumapit ako kay Charlotte. Hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin. 

       "Tara mag-date na tayo."

       Dinala ni Zach ang bag na dala ko kanina kaya isang bag na lamang ang dala namin ni Charlotte. Itim na Backpack bag yon. Nasauot ako ng sumbrero. Kaya hindi gaanong halata ang mukha ko.

       "Sandali lang."  huminto kami sa harap ng Bench Shop.  "May bibilhin lang ako. Pasok muna tayo."

       Hawak ko pa din ang kamay niya habang wala siyang imik na naglalakad.

       "Ito. Sigurado akong bagay to sayo.". isinuot ko sa kanya ang Pink na sumbrero.  "Bagay nga sayo... Halika may titignan tayo dun."

        May mga modern dress kasi na kakasya sa kanya. Ayaw ko naman na magmukha siyang losyang habang nalake ang Baby namin. Kumuha ako ng mga dress XL at XXL ang size para kahit lumaki pa ang tiyan niya kakasya pa din. Kumuha din ako ng t-shirt XL at XXL din. Wala akong makitang makeup. Mamaya na lang siguro.

        Nakasunod lang sa akin. Si Charlotte. Inilapag ko sa Counter lahat ng dala ko. Nakakita ako ng undies kaya kumuha na din ako XL at XXL din ang size para hindi maiipit ang tiyan niya.

      "Ito na po ba lahat. Sir?"

      "Yes. Miss."  nginitian ko ito. Inakbayan ko si Charlotte... Ramdam ko kasing nag-aalangan siya dahil sa suot niyang napakaluwag na t-shirt at malaking sweat pants ko. Isinuot ko uli sa kanya ang Pink na sumbrero.

      Iniabot ko dito ang Credit card ko. Apat na malaking paper bag ang dala namin. Naglakad pa kami ng konte ng makakita ako ng Makeup Shoppe.

       Nakita kong nabigla si Charlotte. Alam kong mahilig siya sa makeup Lalo na sa Red lipstick.

        Tumingin tingin muna ako sa paligid. "Ummm wala akong alam sa  makeup... antayin na lang kita dito... basta kunin mo yung magugustuhan mo okay."  tumitig siya sa akin at bahagyang ngumiti.

       "Okay..."  saka siya nagsimulang tumingin tingin. Napansin ko nang lapitan siya ng Sales Lady. Nawala ang ngiti ni Charlotte ng magsalita ang babae. Hindi ko sila marinig kaya lumapit ako.

      Tumingin sa akin si Charlotte at bigla din siyang yumuko. Bakit?

      "Naku. Miss mahal yung mga products namin dito. Kung gusto mo Meron naman ibang murang Brand ng makeup ikot ikot ka na lang at-----"

       "Bakit magkano ba yang hawak mo Miss?"  napaharap sa akin ang Sales Lady.

        Bigla itong ngumiti.  "Long lasting po kasi ang Lipstick na ito Sir. Bagay po ito sa Girlfriend nyo kasama nyo ho ba siya para masubukan niya itong product namin.". naaasiwa ako sa kanya. Pasalamat siya at babae siya.

      Hindi ako ngumiti. Binalingan ko si Charlotte.  "Mama. Gusto mo ba yan?"

       Halatang nagulat ang bruha. At napatingin bigla kay Charlotte.

       Tumango si Charlotte.  "Okay Miss lahat ng magustuhan ng Misis ko pakidala na lang... Aantayin ko na lang kayo sa Counter."

      Nakita kong ngumiti si Charlotte. Priceless ang ngiti niyang yon. Matagal tagal din bago ko uli yon Nakita.

        "Dun lang ako. Antayin kita. Kunin mong lahat ng gusto mo. Okay."  Saka ako naglakad papuntang Counter.

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon