CHAPTER SEVEN

144 12 0
                                    

        Sarado ang gate. Napaka Tahimik sa loob. Sinubukan kong kumatok. Sumilip si Manong Guard.

       "Uy! Sir! Buti at andito kayo. Si Miss Charlotte kasi kinulong ata nila sa Kwarto. Baka mapano yung ipinagbubuntis niya."

      I clenched my fist on what I've heard. "Manong pwede ho ba akong pumasok?"

      Para namang nabigla si Manong Guard. "Sige...Basta kapag nahuli ka ang sasabihin ko lang tinalon mo yung bakod ha. May pamilya din kasi ako Sir." 

       Tumango ako. Nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko. "Saan ho Banda ang kuwarto ni Charlotte?"

      "Doon Sir. Medyo may kataasan lang kung aakyatin mo pero matangkad ka naman e kaya..... kaya mo yon."  tinapik ko si Manong Guard saka ako tumakbo sa direksyon ng bintana ni Charlotte.

     Tinalon ko muna ang bakal na pwede kong hawakan. Grabeh ang hirap palang maging action star sakit sa katawan. Pero nawala ang sakit ng katawan ko ng marinig ko ang iyak ni Charlotte.  Dali dali akong gumapang pataas hanggang maabot ko ang bintana ng kwarto nito.

      Kinatok ko ito para pagbuksan niya ako. Tingin ko naman ay kasya ako sa grills. Ah. Bahala na kailangan ako ng mag-ina ko. Hindi ako narinig ni Charlotte kaya nilakasan ko ang katok.

      "Arthur!"  dali dali niyang binuksan ang bintana. Pinaatras ko siya. Saka ko unang ipinasok sa loob ang mga paa ko hanggang sa bewang ko medyo nahirapan lang ako sa balikat ko pero nakalusot pa din ako.

      Agad akong niyakap ni Charlotte. "Sssshhhh....andito na ako. Sinaktan ka ba nila."  umiling siya. 

      "Arthur wag mo akong iiwan dito natatakot ako kay Mommy galit na galit siya."  sige ang iyak ni Charlotte.

     "Tahan na. Hindi kita iiwan dito. Iuuwe kita sa Bahay natin. Si Baby okay lang ba siya?"   hinaplos ko ang Baby bumps niya.

     "Oo pero nagugutom na ako Arthur. Kumakalam na sikmura ko e."  reklamo nito.

      "Ha? Teka."  sinalat ko ang bawat bulsa ng pantalon ko.  "O eto muna candy Basta pag-uwe natin ipagluluto kita ng Tinolang Manok!"

       Tumango siya at kinuha ang candy saka iyon binuksan at kinain. Lumapit ako sa pinto. Nakalock ito mula sa labas. Walang pag-asa! Nagugutom na si Charlotte. Sh*t!

      Kinuha ko ang Cellphone ko at tinext sina Zach. Malapit na daw sila. Pinadaan ko muna sila sa Convienent store para bumili ng pagkain para kay Charlotte.

     "Arthur. Gutom na gutom na ako. Hindi ko na kaya. Kumakalam na talaga sikmura ko. Sumasakit na din."

      Nilapitan ko si Charlotte. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dinudugo si Charlotte. Agad ko siyang binuhat saka ko pinagsisipa ang pinto.

      "Madame! Buksan nyo ang pinto! Dinudugo si Charlotte!!! M-maawa kayo sa anak ko!"  mangiyak ngiyak kong sigaw.

      Nagpatuloy lang ako sa pagsipa sa pinto habang kalung ko si Charlotte. Ayaw kong maramdaman niya na nag-iisa lang siya. Ramdam ko ang likidong umaagos mula sa kanya.

      "Arthur… Ang sakit sakit."

      Sige ang iling ko.  "Andito lang ako. Wag kang bibitaw bubukas din tong pinto!"

      Nawalan ng malay si Charlotte. Saka nagbukas ang pinto. Si Madame agad niya akong inalalayan para madala namin sa Ospital si Charlotte...

      Dumating sina Zach at Peter nakita nila ang dugo sa damit ko.

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon