Game 5

54 5 0
                                    

Jared Cruz

2nd Floor, ROTC Head Quarters
August 16, 2002 (20 Years Ago)

Nagsasalansan ako ng mga benda sa HQ nang pumasok sa loob ng silid ang dalawang commanding officer, buhat ang isang babaeng walang malay.

Napatigil ako sa ginagawa ko.

Dumiretso sila sa sofa at inihiga ang babae.

"Cruz, kumuha ka ng tubig!" bulalas ng isang commanding officer. Hindi ko alam ang pangalan ng officer na 'to at wala akong planong kilalanin sila isa-isa. Gusto ko lang na makauwi at makapaglaro ng Playstation. "Cruz! Ano ba?!" Napawasiwas ako ng mukha at agad napabalik sa reyalidad. Isinaludo ko ang patpatin kong braso bago dali-daling lumabas ng silid.

Unang beses kong makasaksi nang aktuwal na walang malay na estudyante sa HQ. Kaya medyo natataranta ako.

Tumakbo ako sa canteen. Naghanap ako ng makukuhaan ng tubig. Wala. Pinaningkitan ko ng tingin ang vendo sa isang sulok. Naglabas ako ng dalawang piso mula sa sarili kong bulsa at inihulog. Pagkakuha ko ng mainit na tubig, dinagdagan ko agad ng kaunting malamig para maging maligamgam, bago nagmamadaling umakyat ulit ng HQ. Parang puzzle lang sa video game, sisiw.

Pagdating ko, naabutan kong pinapaypayan ng isang commanding officer ang babae. Nilingon niya ako at napakamot ng ulo. "Ang tagal mo naman?"

Gusto ko sanang sumagot na, "As if naman maiinom niya kung dumating ako agad, e wala naman siyang malay, tanga." Bagkus, yumuko na lang ako at bumulong. "As if naman maiinom niya kung dumating ako agad, e wala naman siyang malay, tanga."

Inilapag ko sandali ang maligamgam na tubig sa maliit na mesa sa tabi ng sofa at lumuhod sa harap ng walang malay na babae. Sandali ko siyang pinagmasdan.

Maputi, mahaba ang buhok, bahagyang namumutla. Ang ganda niya. Para siyang si Rinoa sa nilalaro kong RPG sa Playstation. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit. Nakikita ko na siya sa school, pero hindi ko alam ang pangalan niya.

Iniabot sa akin ng officer ang pamaypay. "Oh, paypayan mo."

"Yes, Sir." Sinunod ko siya agad at pinaypayan ng mabilis ang dalaga na parang barbecue.

Pumasok si Mr. Ezteves sa silid. Napatayo ako at napasaludo. "Sir!" Hindi ako makahinga sa hingal.

Tinanggal nya ang suot na shades. "O, Cruz, bakit hindi mo tanggalin 'yong sinturon para makahinga ng maayos?" sabi niya.

Dali-dali kong tinanggal ang sinturon ko at nagbaba ng patalon.

"Ungas, hindi ikaw!"

Nagpilantik sya ng dila bago lumapit. Niluwagan niya ang sinturon ng dalaga at binuksan ng kaunti ang zipper. Parang naipit ang paglunok ko.

Hinahawakan ako ni Sir sa isang balikat. "Sa ganitong sitwasyon, walang medic na babae, pero medic ka rin, you should act fast and put life first, before anything else."

Lumawak ang ngiti ko. "Yes, sir." Nakakuha ako ng word of wisdom.

Lumabas din agad si Mr. Ezteves kasama ang officer at naiwan kaming dalawa ng walang malay na dalaga.

Yumuko ako para itaas ang pantalon ko nang biglang idilat ng dalaga ang mga mata niya. Napahinto ako't natulala. Nagkatitigan kami...

Ang huli kong nakita ay ang bumubulusok na basong may tubig papunta sa ilong ko na agad nagpatihaya sa kin.

***

Jared

I went past Aly's desk. Nakita ko syang pinipisil-pisil ang mga daliri nya sa kamay. They just finished testing some revised games and mukhang hindi pa sya sanay sa controller.

Dumiretso ako sa office ko. Dinampot ko mula sa ibabaw ng table ang paper bag na may lamang stuffed toy that we bought the other day.

Pumunta ako sa harap ng desk ni Aly at inilapag ko ang paper bag na may stuffed toy.

Halatang nagulat sya.

"Ngayon ang birthday ni Nina," sabi ko sa kanya. She looks confused. "Ikaw ang namili nito, ikaw ang magbigay sa kanya. In case na hindi nya magustuhan, may masisisi ako."

"Pero, sir, hindi pa po ako tapos sa report."

"It's okay, just leave it to Ivan."

"Pero, sir—"

"You owe me a phone, right? Just help me out and we're even."

***

Marahan na umabante ang sasakyan sa harap ng first window ng drive through.

"Hello, welcome po!" Ngiti ng crew.

"Anong sayo?" tanong ko while scanning the menu.

"Wala po, sir. Okay lang ako." Halatang nahihiya sya.

"Wag kang mahihiya, malayo ang pupuntahan natin."

"Burger na lang po at kahit anong juice."

"Ay, ma'am, Pepsi lang po ang available."

Hindi ko napigilang matawa.

"Bakit, sir?" simangot nya.

"Wala, may naalala lang." I looked at the crew. "Sige, bigyan mo na lang kami ng burger meal with fries. No drinks. That's all."

"Burger and fries po. No drinks. Please proceed po sa last window."

"Thank you." I slowly move the car. "So, anong first impression mo sa kanya?" tanong ko kay Aly.

"Mukha naman po syang masipag na crew."

"No. Kay Tukayo."

"Kay Jared? Wala."

"Wala?"

Napangiti siya. "Ang weird niya kasi."

"Gano'n? Hindi mo ba siya nagustuhan kahit konti?"

Nagbaba siya ng tingin at bahagyang namula. "Actually, Sir. In love ako no'n sa iba..."

***

Alyson Dimaano

Room 302, DECS Building
July 22, 2002 (20 Years Ago)

"Aly! Si Bryan, o!" pasimpleng siko sa akin ni Teresa habang kumukopya ako ng notes sa board. Napasilip ako sa rehas na bintana ng room. Nakita ko siyang dumadaan sa corridor. Narinig ko rin ang ilang kinikilig kong kaklaseng babae na nagbubulungan nang makita sya.

Si Bryan Montereal–ang campus crush. Simula nong nag-transfer ako rito, crush ko na siya. Malakas ang dating, matalino, gwapo at parating napipili bilang academic representative ng school. Hay.

"Grabe, bes, ang gwapo niya, 'no?" kinikilig na ani Teresa. "Bagay kayo... kaya lang hindi ka niya pinapansin."

Napakagat ako ng labi.

Third year na ako at next year, ga-graduate na siya. I can't miss this chance. I have to tell him. Ibinagsak ko ang ballpen sa armchair bago tumayo. Nagulat si Teresa at ang iba kong kaklase–pati si Ma'am Villamor na nakaupo sa harap ng klase, natulala.

Humugot ako ng lakas ng loob bago tumakbo palabas ng classroom at hinabol si Bryan.

Nakita ko siyang huminto at may kinausap na dalawang babae. Napahinto ako sa pagtakbo. Sinapo ko ang dibdib ko. Ramdam ko ang lakas ng kabog. Gusto kong lapitan siya pero nakita ko na nakipag-kamay sa kanya yung mga babae. Parang napako na ang mga paa ko.

Hindi. Kaya ko 'to. Isinara ko ng mahigpit ang mga kamay ko at huminga nang malalim. Hahakbang na sana ako nang humangin ng malakas at angatin ang palda ko. Dali-dali ko iyong ibinaba at napatakip ng hita. Natapunan ko ng tingin ang isang payat na lalaki na nagbubunot sa corridor. Tulala habang nakatitig sa mga hita ko.

Tinignan ko siya ng masama. "Nakita mo ba?"

Umiling siya. "Wala akong nakitang black na cycling na may logo ng Pepsi sa bandang kuyukot."

Inagaw ko ang hawak niyang bunot at itinuktok sa ulo niya bago ako bumalik ng room.

Game Zoned (2023) RomcomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon