Game 10

47 5 0
                                    

Alyson

Pumasok ako sa gate ng apartment. Nagbuntung hininga ako. Wala na akong energy. Sandali akong napahinto sa paglalakad at napahawak sa mga labi ko. Hinalikan nya ako kagabi.

"Oh, Aly," tawag sakin ni Lola Linda–ang land lady ko. Agad namang bumalik ang lumilipad kong diwa.

"Hello, 'La."

"Sabi ko, kung hindi ka uuwi, magte-text ka."

"Pasensya na po." Lumapit ako sa kanya. "'La, baka bukas na po yung unang sahod ko, iabot ko po ng gabi yung kulang ko sa renta.

"Hay, nako! Itong batang ito. Sinabi ko naman sa'yo, wag mong intindihin ang renta."

Ang bait talaga ni Lola Linda. Ako na lang talaga ang nahihiya.

Simula nang maibenta ni Mama ang halos lahat ng ari-arian namin at mag-transfer ako sa public school, nangupahan na kami kay Lola Linda. Nawala si mama nung 2010 at hanggang ngayon nandito pa rin ako.

Wala nang ibang pamilya si Lola Linda, pareho kami.

"Salamat po, La. Yakap ko sa kanya."

"Itong batang ito talaga," malambig nyang tugon. "Halika, may nakita akong recipe sa Facebook, healthy, niluto ko, tikman mo." Tatayo sya nang biglang ubuhin.

"La, iniinom mo pa ba yung maintenance mo?" himas ko sa likod nya.

"Ay, nako. Wag mo akong intindihin. Ikaw nga itong mukhang nagpapagod. Hindi yan maganda. Hindi ba't sinabi ko naman sayo, hindi mo na kailangan mahirapan sa trabaho. May pension naman ako, dito na lang tayong dalawa."

Ngumiti ako. "E, La. Gusto ko pong gawin ito para sa sarili ko na rin. Para naman po masabi ko rin sa sarili ko na lumaban ako at may na-achieve kahit papaano... Tsaka, wag po kayong mag-alala, di ko naman kayo iiwan."

Pinisil nya ang braso ko, halatang namugto ang mga mata nya pero pilit pa rin ngumiti.

***

Jared

I opened my eyes, I'm lying on the carpet, looking at the ceiling. Sakit ng ulo ko. Hang over. My memory's hazy. Then binuga ko ang barahang naka-shoot sa bibig ko—nang tignan ko, it was the Queen of Hearts. Then I remember, I think I kissed Alyson last night. Fuck. Wait, sinungalngal nya ba ako ng baraha?

***

Pumasok ako sa loob ng isang coffee shop to order my usual.

Aly's already gone when I woke up. Sabi ni Abby nagmamadali syang umalis.

I'm waiting in a long line looking at my phone, browsing my Facebook. Then for no particular reason, I search for Aly's profile to check. I'm seeing a post—kanina lang to. I started reading it.

"I miss you, Ma. I wish nandito ka."

I felt sad all of a sudden.

***

Jared Cruz

3rd Floor, Auditorium
October 16, 2002

Lunes ng hapon. Katatapos lang ng Queen of Hearts play.

Wala sana akong planong manood. Wala ako sa mood. Pero, sa minalas-malas, kinulang pa sila ng gaganap na puno–at dahil community service pa rin ako ngayong araw, oo–ako ang ginawang puno. Isang tuod, walang emosyon at kulang sa nutrisyon na puno. Nakakagigil kasi ilang beses pa akong sinandalan ng Bryan Montereal na yon.

Tigas rin ng mukha ng taong na yon. Feeling pogi. Kung makahalik kay Aly, akala mo naman. Sila na ba? Kakabwiset, sarap tampalin ng sanga.

Nandito ako sa likod ng stage, bumale-balentong na ako kakapilit alisin ang lintek na costume na to, gusto ko na lumayas at makalimutan ang walang kwentang araw na to. Maglalaro na lang ako ng Dreamcast maghapon, magdamag.

Game Zoned (2023) RomcomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon