Jared
Napalakas ang tawa ko habang nakahawak sa manibela. Nakakatawa, kasi walang kaide-ideya si Aly na ako ang Jared na tinuktukan niya ng bunot. Wait, that's not even funny. Naalog utak ko no'n.
Natatawa ako dahil hindi nya alam na ako 'yong Jared na ikinukwento niya. Kwela talagang balikan ang mga nangyari no'ng high school, lalo na't wala na lang sa 'kin ang mga 'yon. Aly is just someone who reminds me of my comic past... nothing more.
"Pinagtatawanan mo ba ako, Sir?"
"Siyempre," pang-iinis ko.
Sumimangot siya, nag-cross arm at nagpaling ng tingin sa labas ng kotse. "Hindi ko na nga nasabi no'ng time na 'yon kay Bryan na gusto ko siya dahil do'n sa Jared na 'yon."
"So, what happened next?" sabik kong tanong. "Nagkita pa ba ulit kayo ni Jared sa school pagkatapos?"
"Yeah. Paminsan-minsan nagkakasalubong sa corridor."
"Nagkausap ba kayo ulit?"
"Hindi, e. I've been avoiding him."
"O, bakit?"
"Ayoko kasi sa manyak."
Napakunot ako ng noo. "Manyak ka d'yan."
"Oo. Feeling ko talaga manyak siya. Tska, basagulero."
"Basagulero?"
"Oo. Nakita ko kasi siya minsan na nanuntok ng estudyante sa canteen."
"T-Talaga?"
"Yup."
***
Alyson Dimaano
Canteen
August 26, 2002 (20 Years Ago)Pumila kami ni Tere sa counter. Medyo maraming tao ngayon kasi break time.
"Anong kakainin mo, Bes?" tanong ni Tere.
Tumingkayad ako para silipin kung ano ang meron sa loob ng salamin. "Uhm. Pansit na lang," sabi ko. "Ikaw?"
Tumingkayad din siya. "Uhm. Ham sandwich na lang ako sa labas."
"Okay."
"Balik ako," sabi niya bago naglakad palayo at iniwan akong nakapila. Nag-cross arm lang ako at nagkagat ng labi habang hinihintay ang pagkakataon ko sa unahan–nang kalabitin ako ng isang lalaki sa likuran ko.
"Miss, nahulog 'yong panyo mo, o," sabi niya habang itinuturo ang panyo ko sa sahig.
"Ay." Yumuko ako at dinampot ang panyo bago ipinagpag. "Thank you, kuya," nakangiti kong sabi.
Ngumiti rin siya. "No, problem."
Ngumiti ako ulit bago humarap ulit sa unahan ng pila. Mabuti na lang at ang bait ni kuya. Nag-cross arm ulit ako at naghintay.
Ilang sandali pa, nakarinig na lang ako bigla ng mga sigawan sa isang sulok ng canteen. Nakita ko 'yong payat na lalaking medic na sinuntok 'yong mabait na kuya sa likod ko kanina. Napatihaya si kuya at nakita kong nagdugo ang ilong. Napasapo ako ng bibig sa gulat. Susuntukin pa sana niya ulit ang kawawang si kuya nang awatin na siya ng napadaang teacher.
Lumapit sa akin si Tere. "Shocks, Aly, anong nangyari do'n?"
"Hindi ko rin alam," kako.
Nakangising lumapit ang kaklase kong si Kenneth kay Eugine na nasa tabi lang din namin. "Pota, nakita mo? Sinapak ni Jared si Jomar," ganado niya pang sabi na iminu-muwestra pa na parang boksingero.
BINABASA MO ANG
Game Zoned (2023) Romcom
Short StoryHindi alam ni Alyson na ang now hunky-handsome boss nya pala ang lalaking binasted nya noong high school.