Jared Cruz
School Clinic
Dec 16, 2002Nakaupo ako sa labas ng clinic. Inaantay ko si Lui. Inutusan lang kami ng adviser namin na maghatid ng mga nakapasong halaman. Wala ako sa mood kaya si Lui na lang ang nagpasok ng mga yon.
Nadulas si Lolo kanina sa banyo. Naka-confine siya sa ospital. Hindi ko naman maintindihan kung ano yung sakit nya at bakit sya nag-collapse, pero sana okay lang sya.
Ang tagal ni Lui sa loob. Bored na ako. Dumampot ako ng bato at ibinato sa mga ibon sa semento. Nagliparan ang mga ibon na sinundan ko pa ng tingin.
Nakita kong bumukas ang pinto ng clinic. Napatayo ako. Akala ko si Lui. Si Aly at Teresa ang lumabas mula sa loob.
Hindi nila ako napansin sa gilid ng hallway.
"Anong sabi ng nurse?" tanong ni Teresa kay Aly.
"Hilo sa pagod."
"Ayan, sobrang active mo kasi sa mga extra-curriculars."
"Gusto ko lang naman matuwa si Mama," simangot ni Aly. "Palagi ko syang nakikitang umiiyak sa gabi..."
Hinawakan lang ni Teresa ang kamay nya.
Nakikinig lang ako sa kanila nang biglang dumating si Bryan.
"Aly!" Hangos nya. "Aly, please, mag-usap tayo." Hawak nya pa sa kamay ni Aly.
Binawi agad ni Aly ang kamay nya. "Bryan, di ka ba nakakaintindi? Ayoko na."
"Pero, Aly—"
Sumabat si Teresa. "Bryan, kakagaling lang ni Aly sa clinic, please, pabayaan mo muna sya."
"B-Bakit, Aly? Napano ka?"
Nagbuntung hininga si Aly. "Ewan, itanong mo dun sa kahalikan mo sa likod ng school!" Bulalas ni Aly sabay mabilis na naglakad palayo.
"Aly naman!" Sigaw ni Bryan na naiwan sa harap ko.
Wala akong lakas ngayong araw pero hindi ko pinalampas ang nakita ko.
"Tanga ka kasi. Nasayo na, pinakawalan mo pa."
Tinignan nya ako ng matalim. "Anong sabi mo, payat?"
"Wala." Paling ko ng tingin sa malayo.
Hinablot nya ang kohelyo ko at hinila palapit sa kanya. "Pipili ka ng pakikialaman mo, ha! Nagkakamali ka ng kinakalaban!"
Winasiwas nya ang kohelyo ko, kasama ako. Agad naman akong nakabalanse.
Naglakad si Bryan Montereal palayo. Bumukas ang pinto ng clinic at lumabas si Lui, guyod-guyod ang halaman sa malaking paso.
"Jared, hindi ito, yung dama de noche raw, bwiset, ang bigat bigat pa naman nito."
Mabilis kong pinahid ang kaunting luha sa mga mata ko gamit ang braso ko.
"O, bakit?" Pag-aalala nya.
"Wala. Tara."
Naglakad na ako palayo.
"Oy, Jared! Tulungan mo ako rito, uy!"
***
Jared
I walk back and forth sa labas ng ospital. Hindi ako mapakali. My hands were shaking kanina. I can't go inside the hospital... I didn't know what to do so I called the only person listed sa resume ni Aly.
Maya-maya pa, nakita ko si Aly na naglalakad palabas ng ospital. She's still wearing my coat. Kasama nya sa paglabas si Lola Linda.
"Aly!" Hangos ko.
BINABASA MO ANG
Game Zoned (2023) Romcom
Short StoryHindi alam ni Alyson na ang now hunky-handsome boss nya pala ang lalaking binasted nya noong high school.