Jared
Hapon na nang dumating kami ni Alyson sa bahay ni Luke sa Carmona. Bitbit ko ang paper bag na may lamang stuffed toy. Nakasunod lang sa likod ko si Aly.
Malaki ang bahay ni Luke na nasa isang mamahaling subdivision. Maraming eleganteng kotse ang nakaparada sa labas, maraming bisita at magaganda ang suot.
"Sir, hindi ba nakakahiya? Ang daming tao." Halatang naiilang sya.
"It's okay. Kaibigan ko naman 'yong tatay ng may birthday."
"Nakakahiya 'yong suot ko."
"No, it's fine. Trust me."
Pasimple niyang iniikot ang tingin sa paligid, ilang na ilang. Nagbuntunghininga ako bago kinuha ang isa niyang kamay. "Halika."
Nginitian ko ang mga bisitang makasalubong. Nasa likod ko lang si Aly habang hawak ko ang kamay nya.
Nakita ko si Luke sa dulo ng hallway, karga si Nina. Napangiti ang bata nang makita ako. Bumaba siya mula sa mga braso ng papa niya at tumakbo palapit sa akin.
"Ninong Jared!"
Binitiwan ko ang kamay ni Aly. Inilapag ko ang paper bag sa sahig at nakaluhod na sinalubong ang bata bago kinarga. "Hey! Ang bigat mo na!"
"E! No. I'm not mabigat!" nakatutuwa niyang sabi.
"How old are you now?" malambing kong tono.
Ibinuka niya ang isa niyang palad at inilahad sa akin. "Wow. You're fifty!"
"Hindi! Five lang!"
Ngumiti ako.
Napapaling siya ng tingin kay Alyson. "Ninong, who is she?"
"That's Tita Alyson."
Ngumiti si Aly at kumaway sa bata. "Hello, Nina. Happy Birthday."
"Ikaw po ba ang new girlfriend ni Ninong Jared?"
"Yes," bigla kong sagot.
"Sir!" Malumanay na kurot sa akin ni Aly. Halatang nailang siya.
"Kaibigan lang ako ng ninong mo," sagot nya kay Nina.
"Ninong, where's Tita Maricar?"
"She's out of the country, e... Ow, wait. I have something for you–" Dinampot ko ang paper bag sa sahig at iniabot kay Nina. "Tadan! Go, open it."
Hinila niya palabas ang laman ng supot. "Wow! Piggy! She's so cute! I love him!"
Napakunot ako ng noo. "Talaga? Gusto mo yan?"
Ngumiti si Aly.
"I will show this to mama!" sabi ng bata kaya ibinaba ko na siya.
Tumakbo siya palayo at nilagpasan ang papalapit na si Luke.
"What the hell was that?" Pabirong turo ni Luke sa dalang stuffed toy ng anak. "Akala ko COD 'yong dadalhin mo?" Pilantik pa niya ng dila.
"Tch. Ikaw lang maglalaro no'n," sabi ko. Nag-akap kami sandali at nagtapikan ng balikat.
Napapaling si Luke ng tingin kay Aly.
"Uhm, dude..." Medyo asiwa kong simula. "Si ano nga pala... si Aly... Alyson, my, uh, new game tester."
Sinimplehan ako ng tingin ni Luke. May mensahe ang tingin na 'yon. "Oow." Sabay tingin ulit kay Aly. "Y-You're Alyson." Inilahad niya ang kamay niya.
Kinamayan naman siya agad ni Aly. "Hello."
"Jared told me about you."
"T-Talaga po?" aniya nang may bahid ng pagtataka.
"Hey, Luke!" Pumagitna ako sa kanila kaya't nabitiwan nila ang kamay ng isa't isa. Inakbayan ko si Luke. "Nasa'n si Abby?"
"Nasa likod... hali kayo."
***
Alyson
Nakaupo ako sa mesa habang tumitikim ng cake, kasama si Nina at ang mama niya.
"Kumain ka pa," sabi ni Abby.
"Busog na ako, salamat."
"Ang konti ng kinain mo."
Ngumiti lang ako.
Napapaling ako ng tingin kay Sir Jared habang kausap niya si Luke sa harap ng swing. Umiinom sila ng beer.
Recently, inis na inis ako sa kaniya, pero I can sense his good side. Nakikinig siya at tumatawa sa mga kuwento ko. May pagka-sweet at gentleman. He's not a bad person.
"Tita Alyson, why are you smiling while staring at Ninong Jared?" biglang tanong ng bata.
Nagulat ako kaya't inalis ko agad ang ngiti ko at napapaling ng tingin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ng cake.
"H-Ha? H-Hindi ko sya tinitignan," kako.
"Yes, you were."
"Nina," malambing na saway ng mama niya bago pinunasan ang nagkalat na cake sa bibig ng anak. "Nako, pasensya ka na, Aly. Makulit talaga ang batang ito."
"I'm not makulit, 'no."
Ngumiti lang ako. "Nako, okay lang."
***
Jared
Tinapik ni Luke ang balikat ko at binulungan ako. "What are you doing, dude. Nababaliw ka na ba? Why are you with her?"
"What's the problem?" ngisi ko.
"Come on, man. You know what I'm saying. Tototohanin mo na ba ang pananakit sa kaniya?"
"I don't know what you're talking about," iling ko sabay tungga sa in-can beer.
Nagbuntunghininga siya. "Kilala kita, Jared. Paglalaruan mo. We've been friends for a long time, lahat ng naging girlfriend mo, iniwan mong umiiyak. I remember this girl–Tina, nag-attempt pa siyang mag-suicide because of you."
"Tina's crazy, you know that."
"Crazy, because you made her crazy. Tsaka, paano pag nalaman ni Maricar–"
"Akong bahala."
"Come on, Jared, I know your story with Aly. You're going to make her fall for you and hurt her like how she and that Bryan hurt you."
"So?"
"Jeez, Jared. Grow up."
***
Jared Cruz
P.E. Area
February 14, 2003"A-Aly–"
Tinabig niya ang stuffed toy mula sa mga kamay ko. Sinundan ko na lang iyon ng tingin habang nahuhulog sa lupa. Nagsigawan ang mga tao sa paligid. Parang mga tulos na tumatarak sa puso ko ang bawat panunukso nila.
Nanghihina ang mga tuhod na para bang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko.
Tumakbo siya palayo at iniwan akong sugatan.
Yumuko ako para damputin ang teddy bear sa lupa nang nakapamulsang lumapit sa akin si Bryan Montereal. Ngumisi siya sabay sinipa ang stuffed toy palayo.
Lumakas pa lalo ang mga hiyawan.
"Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? Mali ka ng kinakalaban," ismid pa nya.
Wala na akong lakas pa para magsalita.
"Akala mo ba magugustuhan ka niya sa itsura mong 'yan." Tumawa pa siya. "Walang babae ang magkakagusto sa 'yo..."
***
Jared
"She and Bryan made me realized na walang magmamahal sa isang panget, patpatin at weirdong gaya ko."
Inagaw ni Luke ang beer bago pa ako muling makatungga. "Tama na yan."
Sumeryoso ako. "So, ito na ako ngayon... And now, I'll be the one playing the game."
Nagbuntunghininga lang si Luke. "Be ready. Baka sa huli, ikaw ang ma-game over."
"I've never lose a game, Luke, alam mo yan," ngisi ko nakatingin kay Aly sa table. "Besides, women and video games are the same, you only play and collect."
BINABASA MO ANG
Game Zoned (2023) Romcom
Short StoryHindi alam ni Alyson na ang now hunky-handsome boss nya pala ang lalaking binasted nya noong high school.