Game 17

59 6 1
                                    

Jared

Nakadungaw ako sa balkonahe ng condo holding a bottle of rum at sa kabilang kamay, hawak ko ang garnet ring. Malayo ang tingin. It's been three days. Walang paramdam from Aly.

Lumapit sa akin si Luke. "Yo, umalis na yung cleaner. Tignan mo yung unit mo, luminis na."

Hindi ako sumagot at tumungga lang.

"Bro, you still need to take care of yourself." Tinapik nya ako sa balikat. Ramdam ko yung concern ni Luke.

Huminga ako ng malalim at napangiti ng pilit. "I don't know what to do, bro. Mahal na mahal ko si Aly. If only I listened to you, baka hindi nangyari to."

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala pero wala akong lakas.

"I never meant to hurt her, pare." Namumugto ang mga mata ko.

Pinisil lang nya ang balikat ko. "Antayin mo lang, bro, baka naman tumawag, di ba?"

Sarkastik akong umiling. "Ngayon ko lang naramdaman 'to, pare. Sobrang sakit. I think I really lost her this time." Tungga ko.

Kinuha nya ang phone ko sa mesa at iniabot sa akin. Tinignan ko lang yon.

"I can't find her."

"But someone might."

***

Luke left. Nakaupo ako sa harap ng mini bar ng condo ko.

Pinindot ko ang live button. Halos hindi na ako makahinga sa bigat ng nasa dibdib ko. Nakatapat lang ang cellphone sa mukha ko. Nakikita ko ang pagpasok ng mga viewers at comments. Pero hindi ko alintana ang mga nakasulat.

It took me a short while before I could muster the courage to speak.

"I... lost someone... Alyson. Alyson Dimaano. Aly, I don't know kung makakarating sayo ang message na to. Sana. Sana, kasi hindi ko na alam yung gagawin ko, e... I didn't mean to hurt you. I... I tried to tell you the truth. The truth that I was the same weirdo who loved you in high school... yung same loser na patay na patay sayo noon. Inaamin ko, at first, gusto ko lang maglaro... pero that changed, because I realised na mahal na mahal na mahal pa rin kita, Aly." Dito na bumagsak ang luha ko. "I'm so sorry. Please naman, o. Bumalik ka na. Sobrang sakit na..."

Pinilit kong pigilan ang paghikbi pero patuloy lang ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.

***

Another lifeless day at the office. Feeling demotivated for the past few weeks. My video got 2 million views and tons of shares—but no sign of Alyson.

Maricar flew back to Australia a week ago. We never spoke after our last heated argument.

I just keep walking and walking sa game na nilalaro ko. Walang direksyon. I don't know why I am even playing. Hawak ko lang ang controller, just randomly pressing buttons.

"Sir," malumanay na kalabit sa akin ni Nancy. Hindi ko sya nilingon. "M-May naghahanap po sa inyo."

Nagbuntunghininga ako. "If that's the new tester, pa-interview mo na lang kay Ivan."

"Um, ibang babae po yung naghahanap sa inyo–"

Pumasok sa pinto ang isang babae. Walang gana ko syang pinalingan ng tingin. I hardly recognize her.

"Jared?" usap ng babae. "Si Teresa 'to. From high school."

"Hey, Teresa."

"Um, napanood ko yung video mo."

Tumango lang ako. "Okay."

"Uh, Jared, I know where she is."

Napabalikwas ako ng tayo. Nahulog sa sahig ang hawak kong controller.

Game Zoned (2023) RomcomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon