Rod's Pov.
"Pinag loloko nyo ba kami?!" sigaw ko sa mga doctor
"Heart transplant?! Ang ayos ayos ng puso nung asawa ko tapos sasabihin nyo saaming kailangan nyang sumailalim sa heart transplant?! Ginagago nyo ba kami?!" sigaw ko
Naramdaman ko naman ang pag hawak ni Imee at Nezy sa kamay ko Para pigilan ako.
"Mr President, ayon ho sa mga test na ginagawa namin. Isa ho sa dahilan ng mabagal na pag galing ng asawa nyo ay ang butas nito sa puso" Saad nung doctor
"Butas?! Kelan pa nagka-"
"Last last year" singit ni Imee Kaya lahat kami ay napatingin sa kanya
"W-what?" I asked
"I-I'm sorry" saad ko
"Natatakot akong sabihin sa inyo" Saad nito
"iwan ho muna namin kayo para makapag usap usap kayo, excuse us po" saad nung doctor saka umalis
"Alam mo?" I asked at tumango sya
"Bakit hindi mo sinabi saamin?!" sigaw ko
"ayaw ko kayong mag alala" Saad nito Kaya napaupo nalang ako
"Mahal" saad nito
"hahanap tayo, hahanap tayo gagawa ako ng paraan" Saad ko
"Mag papatulong po ako kanila sister mama" Saad ni Mela habang si Nezy at tahimik lang na naka upo sa gilid.
"I'm sorry talaga dagdag problema nanaman" saad ni Imee
"mama it's ok po diba family tayo, magagawan po natin ito ng paraan" Saad ni Mela saka niyakap si Imee
"Tama, magagawan natin ito ng paraan" Saad ko at tumayo Para yakapin rin si Imee.
"Nezy, anak come here" saad ko pero parang wala syang narinig, nakatulala lang na nakatingin sa baba
"Nezy anak" pag tawag ni Imee
"P-po?" Nezy asked saka tumingin saamin
"come here" Saad ni imee
Lumayo naman kami ni Mela nung lumapit si Nezy Para yakapin si Imee.
"lalaban si mommy Para sayo anak" Saad ni Imee.
"Gagawan po namin ng paraan yan" Saad ni Nezy bago bumitaw sa pag kakayakap.
"Mom, dad labas lang po ako saglit ha" saad ni Nezy Kaya tumango naman kami.
The next day....
Imee's Pov.
"Hi mommy how are you po?" masiglang tanong ni Nezy.
"I'm fine anak, ang saya natin ngayon ah" Saad ko habang nakangiti
"Ah mommy, ipapaalam ko muna si Mela" Saad nito na kinataka namin.
"Why po ate?" Mela asked
"Gala tayo" Saad ni Nezy
"bili na rin tayo ng foods" Dagdag nito na ikinatuwa ko ng sobra
"Hayts bahala ka Dyan mommy sa ayaw at sa gusto mo isasama ko sya. Come here Carmela let's buy the Mall chariz" Saad ni Nezy sabay hila kay Carmela
"Huwag mag papagabi" Saad ko
"noted mommy, bye dad!" saad ni Nezy
Humalik naman sila saamin bago lumabas ng kwarto.
"Mahal kita mo yun? mukhang mag kakasundo na sila" Masayang saad ko
"Masaya akong makita na ganyan sila" Dagdag ko
Lumapit naman SI rod at hinalikan yung noo ko saka ako niyakap.
Mela's Pov.
"Saan mo gustong kumain?" Ate Asked
"Kahit saan nalang po ate" Sagot ko naman
"Hmmm Tara sa Jollibee" Saad nito saka hinila ako papunta sa Jollibee.
"pili kana, choose as many as you want as long as maubos mo ha" Saad nya
"Kuya kayo rin order na kayo" Saad ni ate sa mga PSG na kasama namin.
After naming mag order at humanap na kami ng upuan na mauupuan namin. Ilang minuto pa ay dumating naman na yung order namin Kaya kumain na kami.
"after this let's go shopping, bili tayo ng mga clothes mo den itapon mo na po Yung old clothes mo na sira na ha" Saad nito
"Pero ate yung iba po doon is Galing sa parents ko" Saad ko naman
"Piliin mo lang yung itatapon mo" Saad nito habang nakangiti
"at nga Pala, mag grocery tayo tapos Ibigay natin doon sa bahay ampunan" saad nito
"Hallah really ate?" I asked at Tumango naman ito.
"Just tell me kung anong gusto mong gawin ha, gusto mo bang manood ng sine? Mag Tom's world?" she asked
"Eh ate Punta nalang tayo sa ampunan for sure matutuwa ka po doon" Saad ko naman
"Sige sige, oh sya ubusin mo yan Para makapag shopping at grocery na tayo" saad ni ate at tumango naman ako