Part 34

370 34 5
                                    

Nezy's Pov.

Nandito na kami sa kwarto ni mommy, may Malay na sya pero ni isa saamin ay walang gustong bumasag sa katahimikan.

"ang tahimik nyo yata" Saad ni mommy

"Alam nyo na?" she asked at doon, doon kami napatingin sa kanya

"What do you mean?" Daddy asked

"About me, about my lupus" saad ni mommy

"So alam mo mommy? Alam mo na lumalala na pero hindi mo sinabi saamin? Tapos nag pauwi ka pa?" I asked habang may tumutulong luha sa mga mata ko

"yes, alam ko. Kaya nga ako nag pauwi eh, ayaw ko na sa hospital. Ayaw ko na maging pabigat sa inyo kasi dapat kayo ang inaalagaan ko eh hindi yung ako yung inaalagaan nyo" Saad ni mommy

"Sabi nung doctor kapag lumabas ako ng hospital at hindi na ituloy ang gamutan ko may possibility na abutin nalang ng buwan yung buhay ko" saad ni mommy

"and yet nagpalabas ka?!" sigaw ko saka tumayo

"kasi Alam ko naman na hindi na rin ako gagaling" Saad ni mommy habang nakatingin saakin

"may 10 percent chance lang na gumaling ako palala na ng palala eh" Saad nito Kaya agad akong lumapit at Lumuhod sa gilid ni Mommy

Ako lang yung nag sasalita, si daddy tahimik na Naka upo sa Gilid ang mga kuya naman ay ganon rin. Sila mama meldy ay umuwi muna Para kumuha ng mga gamit.

"Please mommy, magpagamot ka po ulit" Saad ko saka hinawakan yung kamay nya.

"Tumayo ka Dyan, Higa ka dito sa tabi ni mommy anak" Saad ni mommy Kaya agad akong tumayo at dahan dahang humiga sa tabi nya

Agad nya akong niyakap at sinandal yung ulo nya sa balikan ko, sinubukan kong huwag umiyak pero kusang tumutulo ang mga luha ko. I saw daddy and Kuyas na nakatingin saamin.

"Mommy is tired na anak ko, just let me enjoy my remaining months" Saad nito Kaya napapikit nalang ako sa sakit.

Hindi ko kayang marinig ang nga ganito Lalo na kay mommy mismo galing.

"How about us? Kami Imee paano kami?" Daddy asked Kaya agad kong minulat yung mga mata ko at tumingin kay mommy na ngayon ay nakapikit habang Naka ngiti.

"marami pang iba dyan Mahal, yang mga Kapre ko may mga pamilya na" Saad ni mommy

"How about me mom?" I asked at minulat nya yung mata nya saka tumingin saakin.

Ngumiti lang ito saka sinuklay yung hair ko gamit yung mga daliri nya.

"nandyan naman ang daddy mo eh, nandyan sila mama meldy tapos ang mga tito at tita mo" saad nito habang Naka ngiti

"Pero ikaw ang kailangan ko mommy" Saad ko, tumingin naman sya diretso sa mga mata ko bago ako hinalikan sa noo at muling sinandal ang ulo nya sa balikat ko

"nandito pa naman ako eh, nandito pa naman si mommy di pa naman kita iiwan eh. Kaya nga ieenjoy ko yung mga natitirang panahon eh kasama kayo" Saad ni mommy Kaya agad akong tumagilid at niyakap sya ng mahigpit at humagulgol sa pag iyak

"Ang daya mo, ang daya daya mo talaga" Saad ko pero niyakap lang ako ni mommy

Naramdaman ko naman ang pag yakap nila kuya saamin.

"Kailangan ka pa namin mommy" Iyak nilang saad

"We need you pa even though may family na kami, kailangan ka pa namin hanggang tumanda kami" saad ni kuya Borgy

"Mahal na mahal ko kayo ha" Saad ni mommy dahilan Para Lalo kaming umiyak

"Shhhh tahan na, tahan na nandito pa naman ako eh" Saad ni mommy

Lumayo naman sila kuya saamin saka pumunta sa side ko.

"Ading, alika na muna. Hayaan muna nating mag usap sila tito Rod at Mommy" Saad ni kuya Matt

Bumitaw naman ako kay mommy saka tumingin kay daddy na nakatingin saamin.

Agad akong tumayo at sabay sabay kaming lumabas ng kwarto ni mommy. Sabi nila mag order daw kami ng food namin.

Rod's Pov.

Pagkaalis nila ay agad akong umupo sa side ni Imee saka hinawakan yung kamay nya.

"How are you? May masakit ba sayo?" I asked at umiling naman sya

"Marami pang iba dyan" Saad nito pero umiling ako

"Huwag kang mag salita ng ganyan, gagaling ka pa ha. Basta magpagamot ka mahal please, kahit hindi na para saakin kahit Para nalang sa mga anak mo" Saad ko saka hinawakan yung mukha nya

"But I'm Tired na" Saad nya

"I'm tired rin mahal, lahat po tayo pagod pero diba Sabi nga kapag pagod mag rest pero hindi susuko?" I asked

"Kaya nga mag rerest nalang ako mahal, I'll rest forever" Saad nito

"Hindi ganyang rest mahal" Saad ko

"Pero gaanong rest ang gusto ko" Saad nya at doon, doon na tumulo yung luha ko

"Ayaw mo na ba kaming makasama mahal? Ayaw mo na ba saamin Kaya susuko ka nalang?" I asked

"No, no it's not like that" saad nya

"Then Bakit? Bakit ka susuko? Akala ko ba walang iwanan?" I asked pero bigla nalang ring tumulo yung mga luha nya

"ayaw ko kayong makitang nahihirapan at nasasaktan tuwing nakikita ako" Saad nya

"Mahal Mas masasaktan kami kung susuko ka" Saad ko

"Mas masasaktan kami kung ganyan ka" Saad ko saka pinunasan yung luha nya

"Natatakot ako" Saad nya

"Natatakot rin kami mahal, natatakot kaming mawala ka saamin. Gagawin namin lahat ha basta huwag ka lang sumuko please" Saad ko at tumayo saka sya niyakap

Loving You AgainWhere stories live. Discover now