Nezy's Pov.
It's been 1 week, sa loob ng isang linggo walang araw na hindi sinabi saamin ni mommy na pagod na sya.
"Subuan na kita mommy ha, eat ka po ng marami Para lumakas ka" Saad ko
"Anak, wala po akong gana" Saad nito
"Please po, kahit tatlong subo lang" Saad ko pero umiling sya Kaya wala na akong magawa kundi ibaba yung pagkain sa side table
"I'm sorry anak" Saad nya sabay hawak sa kamay ko pero dahan dahan ko tong tinanggal
"Mama sen" biglang saad ng isang bata sabay pasok sa kwarto at niyakap si mommy sa harapan ko
"kumusta kana po mama?" she asked
Mama? Really? Sa harap ko pa?
Nakita ko namang tumingin saakin si mommy pero umiwas ako ng tingin at tumayo saka lumabas ng kwarto nang hindi mag sasalita.
"Bakit ka lumabas?" Daddy asked ng makita akong lumabas
"ayoko makipag usap ngayon dad" Saad ko saka tumalikod at umalis.
Papunta na sana ako sa rooftop ng mapansin kong di ko dala yung cellphone ko kaya Dali Dali akong bumalik sa kwarto.
Pagpasok ko doon ay nakita ko nalang si mommy na masayang nag papasubo doon sa bata.
Napatingin naman saakin si mommy at bigla nalang nawala yung ngiti sa mukha nya.
"Excuse me, I'll get my phone lang" Saad ko saka kinuha yung cellphone ko Palabas na sana ako ng bigla kong marinig yung tanong nung bata
"Sino po sya?" she asked
"anak nya ako, Kaya Sana alamin mo ang limitasyon mo at ang boundary mo sa nanay ko. Hindi ako natutuwa" Saad ko bago lumabas
Rinig ko namang tinawag ako ni mommy pero hindi ko na ito pinansin.
Rod's Pov.
Rinig ko na tinatawag ni Imee si Nezy pero hindi ito lumilingon tinawag ko rin si Nezy pero parang wala syang naririnig.
Pinasundan ko nalang si nezy sa mga kuya nya habang ako ay pumasok sa kwarto ni Imee.
"ma'am Imee please kami na po ang tatawag" Rinig kong saad nung isang madre habang pinipigalan si imee na tumayo
Agad naman akong lumapit at lumayo na yung mga madre saka Yung bata.
"What happened?" I asked
"R-rod I need to talk to Nezy please, I'm sorry" Saad nito
"Shhhh please kumalma ka, pinasundan ko na sya sa mga kuya nya" Saad ko pero umiling sya
"Please hon, sundan natin please I need to talk to her" saad nito sakto namang nag vibrate yung phone ko at nakita ko yung message ni Matthew
Nasa rooftop daw si Nicky umiiyak.
"nasa rooftop sya, hintayin nalang natin dito" saad ko
"no, please gusto kong pumunta doon" pag pupumilit nya
"mama sen, hindi ka pa po tapos kumain" saad nung bata habang hawak yung plato
I think alam ko na kung anong nangyari.
"Sister I'm sorry but please iuwi nyo na po muna si Carmela" Saad ni imee at tumango naman yunh mga madre
Pinipilit ni imee na tumayo kahit hindi nya naman Kaya Kaya binuhat ko na sya.
"I'm sorry" Saad nito Kaya tumango lang ako
Iniwan na namin sila sa kwarto at dumiretso na kami sa rooftop.
