Nezy's Pov.
"Oh anak saan ka galing?" tanong ni daddy pagka pasok ko sa kwarto.
Mag katabi sila ni Carmela, hawak ni daddy yung bowl ng Fries habang kumakain naman sila mommy at Carmela.
"S-sa rooftop lang po nagpahangin" saad ko saka umupo sa kabilang dulo.
"Oh ang layo mo naman anak, dito ka oh kain tayo ng Fries diba favorite mo ito?" Daddy asked
"dito na po ako Para di maka istorbo, saka wala po akong gana" Saad ko saya kinuha yung headphone ko at kinonect sa Cellphone
Hindi ako nag play ng music or what gusto kong marinig yung usapan nila.
"I'll talk to Nezy later, mahal labas muna kayo ni Mela mamaya ha" saad ni mommy
"Kaya mo ba mahal? Gusto mo samahan kita?" Daddy asked
"Hindi na, samahan mo nalang si Mela" saad ni mommy
"Sige, labas na muna tayo anak" saad ni daddy kay Carmela.
Anak.......
"Sige po daddy" saad ni Carmela
Daddy...
Naramdaman ko naman na nakalabas na sila.
"Nezy?" pag tawag ni mommy pero di muna ako lumingon
"Nezy!" medyo malakas na sigaw ni mommy Kaya tumingin ako sa kanya at inalis yung headphone ko
"Yes po?" I asked
"lapit ka dito anak, usap lang tayo" saad ni mommy at lumapit naman ako sa tabi nya
"Ano pong pag uusapan natin?" I asked
"anak are you ok?" mommy asked
"No I'm not mommy, sobrang sakit na po"
"yes po mommy I'm fine po Bakit nyo po na tanong?" I asked
"ang cold mo anak eh" saad ni mommy
"don't worry po, I'm fine" saad ko saka pilit na ngumiti
"ok lang ba talaga sayo Yung pag ampon kay Mela?" she asked
"no mommy, hindi ok saakin"
"Yes po, diba ako pa nga po ang nagsabi" saad ko
"Are you happy?" she asked
"yes po super" saad ko habang Naka ngiti
"super, super sakit mommy"
"No you're not, halata sa mga mata mo anak. Kilala kita, alam ko kung nag sisinungaling ka o hindi" saad ni mommy
"Luh si mommy, I'm fine po. Ok na ok lang po ako" saad ko
Hindi naman sya sumagot pero tinitigan nya lang yung mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin.
"See, you're lying anak" saad ni mommy Kaya hindi na ako sumagot
"Please sabihin mo saakin ang totoo, are you ok?" she asked at umiling naman ako
"Why? Dahil ba kay Carmela?" she asked pero hindi ako gumalaw.
"M-mommy you know what po, need mo na pong mag rest. Bawal po sayo ang mastress" saad ko sa kanya habang nakangiti
"Huwag mong iniiba ang usapan anak" saad ko
"Mommy, ok lang po ako kaya ko" saad ko
"Anak, please sabihin mo kay mommy" saad nito sabay hawak ng kamay ko
"wala po ito mommy, don't mind it. Basta po masaya ka masaya na rin po ako" saad ko
"masaya ka ba?" she asked at hindi naman ako naka sagot
"Masaya ka ba anak?" she asked again
"mom, need ko po palang pumunta sa Caffè. I'll call daddy Para bantayan ka" saad ko at agad na inalis yung kamay nya saka kinuha yung bag ko at labas.
