CHAPTER 7

3 1 0
                                        


Chapter 7: Company

Saffhire Ash POV

  
Halos mabato ko ang alarm clock na nasa lamp table ko dahil sa ingay. Bwisit sabado naman ngayon bakit may alarm clock pa din!?

  
Naiinis na binato ko ang alarm clock ko dahilan ng pagkasira non. The heck I care tss agang aga nambwibwisit.

  
Akmang makakabalik na ko sa pagtulog ng may kumatok naman.

  
Oh c'mon! I'll just want to take a nap! Ano bang meron at hindi muna ako pagpahingahin!?

  
"Hey wake up! Anong oras ka nanaman ba natulog kagabi at late ka na nagising!?" I heard my brother's voice. Tangina agang aga nambwibwisit!

  
"Get out! I'm tired please let me sleep more!" I shouted.

Nakakainis agang aga nambwibwisit! Magsama sila ng alarm clock ko!

  
"No! Get out or you'll be late!" I frowned. Hindi ako tanga. Sabado pa lang talaga ngayon kaya saan ako malelate?

   
Balak ko na sanang hindi sya pansinin kaso nakarinig na lamang ako ng tunog ng susi at maya maya lang ay ang pagbukas ng pinto.

Tangina paano to nagkaroon ng duplicate ng kwarto ko?
  
  
Nang makarating sa pwesto ko ay agad nyang hinaklit ang kumot ko. Fvck!

  
"Get up! Your company is waiting for you!" He said. Anak ng. Wala namang problema don bakit kailangan kong pumunta?

   
Bahagya kong minulat ang mata ko at agad bumungad sakin ang nagtitimping galit na si kuya. Pftt ampangit nya lang.

  
"Brother, kung nag aalala ka sa kompanyang yun ikaw na langmag asikaso. I'm tired you see? I just want to rest for a whole day." Inaantok pa na sabi ko at akmang pipikit ulit kaso nga lang di pa man nangyayari pero nakarinig nanaman ako ng yabag papunta sa kwarto ko.

  
"Hoy babaita gumising ka na dyan! Nag iintay na sa conference room ang board." Sabi ng isang boses babae. Pagtingin ko, it's Keene, my cousin.

   
"Ikaw na lang muna ang humarap sa kanila. I'm tired please let me rest." Pagsukong sabi ko. Ano bang problema ng taong to.

 
"No. You should get up or else ipapatawag ko si-" pinutol ko na ang sasabihin nya.

  
"Okay okay! I get up now! Tsk kainis!" Nasabi ko na lang. Agang aga nabwibwisit na nga ako mas mabwibwisit pa lalo ako kapag narinig ko pa ang pangalan nun. Kainis!

   
"Good now take a bath. Ambaho mo na." Nakangiwing sabi nya. Tss bakit ba agang aga nandito to?

  
Well she's Kennayah Keene Neonze, one of my cousin. She's the one I'm referring na kasabay kong nakatapos. Let's just say, we're close and she's like a friend of mine. Hindi sya kagaya ng iba na ayaw sa kin. Lahat ng gusto nya ginagawa nya. Pftt wala syang pake kung ilang beses pa syang pigilan. Nagtataka nga ako eh bakit hindi ko pwedeng maging kaclose ang angkan ko? Weird lang ampt.

  
Meron din syang pinanghahawakang sariling company na ngayon ay nasa Dubai. Nagtataka nga ako bakit hindi nalang yun ang asikasuhin nya kesa mag aral dito eh tss kung ako yon mas pipiliin ko na lang magtrabaho kesa mag aral.

 
I sighed. Lumabas na sila ng kwarto ko kaya nag asikaso na ko. Nagtoothbrush na ko at pagkatapos ay naligo na.


Nang makatapos ay tumungo na ko sa weardrobe ko. At dahil naiinis ay simple na lang ang isusuot ko. Simpleng maong pants at white hoodie jacket then white shoes. Sinuklay ko na ang buhok ko at hinayaan na nakalugay. Hindi na rin ako naglagay ng kung ano kolorete sa mukha tss pampaarte lang eh.

Behind That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon