CHAPTER 8

3 1 0
                                    


Chapter 8: Arrangement

Saffhire Ash POV

Today is a new hell- este day. It's Monday, back to school nanaman.

But today I'm in a good mood. Why? Dahil walang nambwisit sakin kahapon. Maghapon lang ako sa kwarto at hindi man lang lumalabas ng kwarto. May sariling pagkain din naman ako sa kwarto ko kaya di na talaga ako nag abalang lumabas pa.

And now, nag aasikaso na ko para sa pagpasok ko. Nauna na sa school si oniichan dahil madami pa daw syang gagawin. Like what the fvck!? Masyado naman syang seryoso don eh kung tutuusin it's just a piece of cake lang yun sa kanya.

But anyways, he can do whatever he want kaya di na ko mangingialam pa.

Nang matapos ay lumabas na ko ng kwarto ko at bumaba na. Our parents was not here. Nasa Italy dahil inaayos nila yung kompanya dun. Pero ang nakakapagtaka bakit kailangang silang dalawa talaga? Tss.

Hindi ko naman alam kung kailan sila makakauwi but I guess matatagalan pa yung mga yon.

Nagpaalam na lang ako sa mga maids sa bahay bago makaalis. Nagpahatid na lang ako sa driver namin papunta sa sakayan ng jeep. Hindi rin naman nagtagal at nakarating na ko agad dun.

Halos pawisan na ko sa kakaantay sa jeep. Tangina malelate na ko! Maaga naman akong nagising kaso natagalan nga lang ako dahil nag poop pa ko. Ayun bago pa ko natapos. Hindi na nga ako kumain eh.

Puro tricycle ang mga nadaan. Tangina I can't wait any longer! Malelate na talaga ako. No choice kundi pumara na lang ng tricycle. Nang makasakay ay napabuntong hininga na lang ako.

Kung kanina ko pa sana ginawa baka nasa school na ko neto.

Ganun pa rin naman ang gawain ko. Wala sa ayos ang uniform at nakaheadset pa rin. I told yah, I really love music. Hanggang sa pagkain, pagtulog, pagligo, pag-cr, at kung saan saan pa lagi akong may kasamang music. Nasa life ko na yon! Di na maaalis!

Nang makarating sa school ay nagbayad na lamang ako kay manong driver bago bumaba. Nagderetso na ko sa classroom namin. Nakita ko naman dun ang mga kaklase ko na naglilinis na. Ang iba nagkukulitan pa.

Nagderetso na lang ako papasok sa room at pumunta sa pwesto ko at umupo. Kaya na nila yan saka isa pa, ako naman ang naglinis nung friday ng hapon. Tamo puro naglalampaso lang ng room ang nakikita ko.

Hindi rin naman nagtagal anv tumunog na ang bell. Tumayo na lamang ako at nagpunta na sa labas. Monday nga pala ngayon kaya expected na may flag ceremony.

Gaya ng unang pagpasok ko dito, sa huli pa rin ako pumepwesto. Wala lang mas bet ko dito eh HAHAHAHA. Hindi man ako ang pinakamatangkad sa aming lahat pero mas bet ko pa rin talaga sa likod. Wala lang gusto ko lang.

At dahil nakalugay lang naman ang buhok ko ay hinayaan kong nakasalpak sa tenga ko ang headset pero mahina lang naman ang tugtog I ko. Baka mamaya di ko namamalayan tinatawag na pala ako tapos ako wala pang kamuang muang.

Nagsimula naman na ang ceremony kaya nakijamming nalang ako. Until now hindi ko pa rin alam kung ano yung kinakanta nila. Hindi naman kasi ako lumaki dito sa Pilipinas eh tss. Kung nagtataka din kayo kung more on Tagalog ako kahit hindi naman ako dito lumaki well it's because nung nasa ibang bansa ako sinanay  ko na rin ang sarili ko na magtagalog. And here I am, mostly tagalog language na ang gamitin ko kaso minsan nahihirapan pa din ako.

Hays kung ano ano nanaman ang naiisip ko wengya.

Nang matapos ay nagpa-morning exercise lang sila. Karamihan mga boys ang hindi nagpaparticipate kaya di na ko nag abalang makijoin. Saka isa pa, hindi ko rin alam yung steps non.

Behind That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon