CHAPTER 11

3 1 0
                                        

A/N: Hii!! Sorry kung ngayon na lang ulit nakapag update huhuhu inabot na ng isang taon but I can't still promise na makakapag update ako ng mabilis but I'll try my very best mwehehe

Enjoy reading! Mwaa!

***

Chapter 11: Gang?

Saffhire Ash POV

"Okay class dismissed." Our teacher said at halos mapaunat ako dahil sa sobrang pagod.

"Hay salamat!"

"Natapos den!"

"Uwian na den sa wakas!"

"Hoy ang cleaners maglinis!"

"Bukas na lang sobrang nakakapagod talaga ngayon!"

"Bukas na lang ulit. Bye kath una na kami." Napatingin naman ako sa nagsalitang yun. It's Mary Jane. Ngumiti na lamang ako at kumaway sa kanila.

"Sige ingat kayo!" I said. Napangiti naman sila at tuluyang lumabas na. I sighed. Sobrang nakakapagod talaga tong araw na toh.

Feeling ko matatambakan ako ng gawain lalo na't Secretary ako wengya.

Iniligpit ko na rin ang gamit ko at sinukbit na. Palabas na sana ako ng ipalibot ko ang paningin sa buong room.

One word. Madumi.

Napabuntong hininga na lang ako. Ayoko talaga sa lahat ay ang makalat. Wala akong nagawa kundi ang ilapag ulit ang bag at kumuha ng walis. Tanging ako na lang ang natira dito sa room.

Nagsimula na lamang akong maglinis. Akmang hihilahin ko na ang upuan palikod ng may humila na nun. Pagtingin ko, it's him.

"Oh di ka pa pala nakakauwi?" I ask. Malay ko ba ang alam ko kasi nagsialisan na silang lahat.

"I'm the president so what do you expect? Tss." Moody na sabi nya. Napailing na lamang ako.

Pinagtuloy namin ang paglilinis at parehong tahimik lang. Walang umiimik. Tanging mga upuan lamang ang maririnig sa buong room. Hindi rin naman nagtagal at natapos na kami.

"Okay na yan. Tara na." I said at sinukbit na ulit ang bag. Wengya pinagpawisan pa rin ako ahh.

Hindi naman sya umimik at sumunod na lamang sakin. Pagkalabas ay nilock na din nya ang room. Yeah he's the president kaya nasa kanya talaga dapat ang susi. Saka isa pa, maaga din talaga syang pumasok.

Nang matapos sa ginagawa ay lumakad na ko. Bahagya naman syang humabol at sumunod sakin. Ngayon sabay na kaming naglalakad at parehong tahimik lang. Tss kanina pa to.

Tuluyang nakalabas at wala pa ring nagtangkang umimik samin. Kaya naman nang malapit na kami sa gate ay nagpaalam na ko.

"Sige na I'll go ahead. Thank you for helping me." I said and smiled a bit. Tumango na lamang sya at pumunta na sa parking lot ng school na to. Mukang may dala syang sasakyan.

Nag intay na lamang ako ng sasakyan. Halos 5:30pm na rin ng hapon dahil naglinis pa nga kami. Hirap nanaman ako nitong maghanap ng masasaktan pauwi.

I sighed. Hindi ako makakauwi kung hindi pa ko mag uutay. Kaya naman sinimulan ko ng maglakad. Kaso hindi pa man ako nakakalayo ng school ng may bumusina sa may likod ko.

It's Lendreous.

Tumigil sya sa tabi ko. "Hop in." He said. I looked at him, confused.

Anyari dito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon