A/N: Hi mga upcoming readers!! Namiss ko kayo!!
Anyways here's the new update. Sorry dahil inabot na ng pagkatagal tagal to huhu sobrang busy na talaga ni author this past few days ihh HEHE yun lang thankyouuu!!
At dahil loves ko kayo, here's an update! Hope you like it!!
_____
Chapter 10: The Talk
TULALA. Ganyan lang ako ngayon. Hindi ako makaget over sa pagiging Secretary ko.
Nakakainis! Hindi ko mabago ang isip ni Sir! Pinicturan na din nya yung mga nahalal na class officers. Bwisit!
At ngayon mag isa lang ako dito sa isang bench. Natatabunan sya ng malaking puno kaya silong dito. Wala din gaanong tumatambay siguro dito. Recess pa lang ngayon pero hindi na ko nag abalang bumili na muna. Wala akong gana.
I sighed at nangalumbaba. Bakit naman kasi nainominate pa ko ng lalaking yon! Feeling close lang ampeg?
Tss kainis!
Napabuntong hininga na lamang ako ulit at tumingin sa kawalan. Ayaw kong umattend sa next class dahil wala naman daw ang subject teacher namin dun. Rinig ko lang sa kanila sabi e umalis daw at baka mamayang hapon na makabalik. Ayun ng malaman parang nakawala nanaman sila sa mga lungga nila. Nasita pa kami ng guro ampt.
Wala akong pake kahit pa Secretary ako tapos hindi aattend ng klase kahit walang guro. Saka wala rin naman gagawin don. Isa pa ayaw ko talaga maging officer.
Inihiga ko na lamang ang ulo ko sa magkacross kong braso na nakapatong sa lamesa. Hindi naman sa ayaw kong maging officer, kaya lang kasi wala pa kong kilala eh. Isa pa transferee lang ako dito. Wala nga akong alam sa mga ganong bagay eh.
Napabuntong hininga na lamang ako ulit. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nagbuntong hininga. Pero kahit ganun hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko.
'Fvck you Lendreous!'
Napapikit na lamang ako. Gusto kong matulog na lang. Mas okay dito dahil mahangin naman. Ayaw ko sa tambayan ko dahil, wala lang. Ayaw ko lang.
Ilang minuto akong nag stay dito hanggang sa makarinig ako ng mga yabag. Hindi ko na lamang pinansin yon dahil baka napapadaan lang sa may pwesto ko pero halos magulat ako ng may biglang magsalita.
"Hi." Napabalikwas pa ko ng bangon at tiningnan ang taong nagsalita non. Yung V. President. May kasama syang dalawang babae din and I think yun yung Auditor at isa sa P.O.
Anong ginagawa ng mga to dito? Saka pano nila ko natunton dito?
"H-hello." Nagugulat pa rin na sabi ko. Umupo naman sila at yung Mary Jane ay sakin pa tumabi habang nasa harap ko yung dalawang kasama nya.
"Lah nahihiya ka pa ba samin? Nokaba kami lang to." Magiliw na sabi nung Arianne ba? Oo tama Arianne nga name nya sa pagkakatanda ko. Nagpilit ngiti na lamang ako.
"Bakit mag isa ka lang lagi?" Tanong nung, uhh sino nga ulit ito? Cherry? Michelle?
"W-wala naman. Wala pa kasi a-akong masyadong kaclose dito." Sagot ko nalang habang nakatungo.
"Edi simulan mo samin!" Masayang sabi nitong katabi ko.
Hindi ko naman mapigilan ang magulat. Totoo ba to? Tangina may trust issue pa mandin ako pero, wala naman sigurong mawawala kung di ko susubukan hano?
"S-sige po." Nakangiting sabi ko.
"Wag ka ng mag-po masyado kang magalang." Sabi naman nung Arianne. Ngumiti na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Behind That Girl
Teen FictionIs it okay to find a real friend na tatanggapin kung sino at kung anong pagkatao ang meron ka? Because of her task ay napilitan syang pumasok sa isang publikong paaralan kahit tapos na sya sa pag aaral. Until she met those people she never thought...