CHAPTER 6

2 1 0
                                        


Chapter 6: Quiet person

Saffhire Ash POV

    
Sa mga nagdaang araw ay pare pareho lang naman ang ginagawa ko. Except na nga lang na nagbabaon na ko ng perang barya at pang lunch. Ayoko nang magutom ulit hanep.

    
Friday na ngayon. Ambilis lang ng araw. At sa loob ng mga nagdaang araw wala akong ginawa kundi ang manahimik lang sa loob ng classroom. Walang nangahas na kumausap o lumapit sakin. Ang sakit lang HAHAHA kidding.

    
Well sino nga ba naman ang lalapit sayo kung ang tingin nila sayo e nerdy na mahina. Tss minsan naririnig ko rin ang bulungan ng iba tungkol sakin. Kesyo angtahimik ko daw at hindi palasalita.

    
E sa anong magagawa ko? I'm not kind of socialism person. I don't know how to communicate properly. Baka mamaya di ko namamalayan threat communication na pala yung ginagawa ko. Edi napasama agad ako?

    
Sa mga nagdaang araw din ay lagi lang din akong mag isa. Bibili sa canteen ng mag isa, kakain ng lunch nang mag isa, maglalakbay ng mag isa, at uuwi ng mag isa. Ganun lang ang role ko. Sobrang boring!

     
Napatingin na lamang ako sa may bintana. i sighed. At sa loob din ng mga araw na nagdaan, walang nagbago. Ang iingay pa rin nila. Well may napapansin naman ako na iilang tahimik pero mas marami pa rin talaga anv maiingay.

     
Lalo na pag walang guro, mygad para silang mga nakawala sa kanya kanyang lungga at sobrang ingay. Kung pwede nga lang e pwede ng tawaging worst section to e.

     
Hanggang sa dumating na ang next subject namin. 2nd subject na namin to ngayong umaga. Nagdidiscuss lang naman sya at pa-activity. At syempre dahil dakilang advance learner and graduated na ko, madali na lang sakin to.

      
Matapos ang klase ay, ano pa nga ba? Edi recess. Tss nagsimula nanaman magsigawan ang mga kaklase ko.

"Yes! Recess na!"

"Tara tara na!"

"Hoy hintayin nyo ko!"

"Manlibre naman kayo dyan hirap na hirap na ko!"

"Penge piso!"

     
Yan lang naman ang mga naririnig kong sigawan nila. Pftt di na talaga sila nagbago and I think makakasanayan ko na to.

     
I admit, hindi ko pa rin talaga sila kilala. Ni hindi ko nga matandaan mga names nila e. Naririnig ko, oo, pero agad ko ring nakakalimutan. Okay lang naman yun as long as walang lumalapit sakin.

     
Gaya ng nakasanayan ko, ng makalabas na ang lahat ay saka lang ako lumabas. Bumili lang ako saglit ng recess ko at bumalik na rin agad sa room.

     
Pagdating dun ay uunti pa lamang ang tao. Mukang gagala pa yung iba tss.

     
Tahimik na kinain ko na lamang ang pagkain ko. Nakasanayan ko na rin na kumain habang nakatingin sa labas. Maaraw ngayon at grabe nga naman ang pagkainit kahit umagang umaga pa lamang.

      
Okay na sana kasi nakatapat naman ako masyado sa electric fan, kaso hindi naman ako nahahanginan dahil laging yung isang kaklase ko ang gumagamit. Actually sa kanya na nga lang nakatutok e tss.

      
Gaya ng sabi ko kanina, hindi ko na tanda ang mga pangalan nila. But five person got my attention everyday. Yeah limang kaklase ko din. I don't know what their name here but I know their true identity.

      
It's just like mine. Alam kong ibang name din ang ginamit nila. I'm sure of that. And I know they know me too. Parang first day of class pa nga lang e.

Behind That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon