Chapter 22

18 3 0
                                    

Chapter 22

"Do you have plan to introduce Jaeyun to Tito Albert?" Tanong ko kay Bea.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay rito ako dumiretsyo sa bahay ni Nicko. Noong dumating ako ay paalis naman si Beth para mag-grocery. Mabuti at naabutan ko dahil wala rin daw si Nicko dahil may inaasikaso sa Cavite. Mabuti at dumating si Bea at si Jaeyun. Nalilibang ko ang isip ko kaysa isipin ang nangyari.

"What do you think? Dapat ba?"

Tumango ako. "They don't have any idea about you having your own family. And I think it's better if you tell them."

Alam kong magugulat sila sa ibabalita ng kaibigan ko kung sakali. Pero hindi naman habangbuhay ay kailangang magtago ng kaibigan ko. Kailangang malaman ng mga Valencia lalo na ni Wil ang tungkol kay Maven at Jaeyun para hindi na sila manggulo pa.

"Sinabi ni Kuya Seo sa 'yo na maayos na ang lahat 'di ba? Marami na ang nagbago." Nabanggit ko pala 'yon sa kaniya.

"But I guess, Wil is still into you. Iyon ang hindi nagbago." Napatinggin siya sa akin at mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko. "He should move on right?"

She nodded. "It's not my fault if he's still into me at labas na si Wil kung sakali man na ipakilala ko ang anak ko sa mga Valencia."

Gusto ko ring sabihin na hindi ko kasalanan kung hindi pa rin nakaka-move on si Viel hanggang ngayon pero parang nakaka-guilty naman siyang sisisihin. Sa loob ng ilang taon ay minahal niya ako at sinuportahan kahit na hindi ko hiniling, the least I could do is to not blame him for still loving me.

Halos madaling araw na ako nakatulog kakaisip sa naging pagkikita namin ni Papa kaya halos pagabi na rin nang magising ako. Naghahanda na si Beth ng hapunan. Umalis daw si Jaeyun at Bea para kumain sa labas.

"Ate Shan... okay lang po ba kayo?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Beth habang kumakain kaming dalawa.

"Why?"

"Napanood ko po kasi ang video..."

Ibinaba ko muna ang kutsara at tinidor na hawak ko bago tumingin sa kaniya. "Video about?"

"Viral po kasi ngayon ang video ng pag-uusap ninyo ng tatay niyo po..."

Oh God! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaagad kong binuksan ang phone ko. Maraming message sa akin si Guia. Maging si Joshua at Gab ay may missed calls din.

"Alam na ba ni Bea?"

"Hindi pa po. Hindi ko po sinabi dahil sinabi mo po dati na ayaw niyo siyang nag-aalala,"

Mabuti naman.

Nawalan na ako ng gana kumain. Sa mini bar ako nila Nicko pumunta habang sinusubukang tawagan si Guia. Mabuti at sumagot siya kaagad.

"Nasaan ka?"

"I'm here kila, Nicko. I'm safe here." Nagsalin ako ng nadampot kong alak. Hindi ko na tingnan kung ano 'yon.

"Are you okay? Pupuntahan kita."

"No. Huwag na. Okay lang ako. But can I do something? Should I release a statement?" Napangiwi ako sa lasa ng alak nang inumin ko 'yon.

"Huhupa rin ang issue. Besides hati ang opinyon ng mga tao. Mostly fans ni Viel and Zhan ang nagbibigay ng negative comments about you. Hinihintay ko lang ang source ni Ma'am Roce pero gumagawa na kami ng paraan para malaman kung sino ang nag-video at ang nagpakalat."

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. I'm glad they are helping me.

"Thank you so much, Guia."

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now