Khalil's POV:
"Khalil..."
Malamig na tawag ng isang babae, matandang babae sa partikular.
"Khalil..."
Hinanap ko ang kinaroroonan ng boses na iyon ngunit bigo ako.
"Sino ka? Magpakita ka sa'kin!" balik kong tugon.
Hindi ko alam kung nasaan ako. Puro matataas na puno lang ang nakikita ko at napakadilim pa ng paligid. Ramdam ko rin ang kakaibang lamig na dumadampi sa aking balat.
"Khalil..." tawag n'yang muli sa akin.
"Anong kailangan mo? Magpakita ka?" sigaw ko rito, nag-uumpisa nang mainis.
"Nalalapit na ang iyong pagbabalik Khalil..." halos tumindig lahat ng balahibo ko ng may naramdanan akong mainit sa aking tainga.
Isang bulong.
"Si-Sino ka nga?! Anong k-kailangan mo sa'kin?"
Bigla na lang nawala 'yung babaeng nagsasalita at nagkaroon ng isang parang pintuan sa pagitan ng dalawang puno. Umiilaw ito na para bang tinatawag ako papalapit doon.
Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin at unti-unti akong humakbang papunta roon.
Akmang bubuksan ko na iyon nang biglang—
"Aba, KHALIL!! Anong oras na?! Ang dami mo pang gawain, wala pa tayong almusal! Tanghali na, bumangon ka na d'yan, bwesit!" magkakasunod na bulyaw sa akin ng aking Inay with matching hampas ng tsinelas sa aking braso.
Napabalikwas naman ako sa aking higaan at hinarap ang aking Inay. Suot-suot n'ya ang kan'yang busangot na mukha habang nakapamaywang sa akin.
"S-sige po, maghihilamos lang po ako at magsisipilyo... P-pasensya na po," hingi ko ng paumanhin dito habang nag-iinat ng katawan.
"Bilisan mo nagugutom na kami ng mga mga Kuya mo, may pasok pa yung mga 'yon! Kaya 'wag kang kukupad-kupad d'yan, letse!" sabi nito sabay padabog na lumabas ng kuwarto ko.
Napapikit pa ako nang pabagsak niyang isinarado ang pintuan ng kuwarto ko. Halos masira na iyon sa sobrang lakas ng pagkasarado n'ya.
Wala kasi akong pasok ngayon kaya ako tinanghali ng gising. Tinapos ko pa kasing basahin 'yung paborito kong libro kaya ako napuyat.
Dali-dali naman akong lumabas ng kuwarto ko at tatakbong pumunta ng banyo para mag hilamos at mag toothbrush doon. After no'n ay dumiretso na agad ako sa kusina para makapagluto ng agahan.
Nagluto lang ako ng scrambled egg at hotdog. Madalian lang. Sinangag ko na lang din 'yung natirang kanin kagabi dahil marami pang tira. At nang matapos na ang lahat ay tinawag ko na sila bago bumalik ulit sa aking kuwarto.
Mamaya pa kasi ako kakain pagkatapos nila.
Hindi naman sa ayaw kong sumabay sa kanila. Sila ang may ayaw sa akin. Kahit na sinasabihan ako ni Ate na sumabay na lang sa kanila sa pagkain ay ako na ang tumatangi.
Bukod kasi sa mala patalim nilang mga tingin ay ang 'di mabilang na mapang-buskang mga salita ang maririnig ko tuwing nasa iisang hapag kainan kami.
Alam ko naman kung bakit gano'n na lamang ang trato nila sa akin. Katulad ng mga napapanood sa teleserye, isa lamang akong ampon at sampid sa pamilyang ito.
Ang drama!
'Yan kasi 'yung madalas na sinasabi at naririnig ko galing kila Inay at kila Kuya kapag napapagalitan ako. Kahit nga hindi sila galit eh.
Sa tagal ko na nga rito ay nakasanayan ko na lang din. Wala naman akong magagawa.
BINABASA MO ANG
Astra Mahika (BxB)
FantasyNaniniwala ka ba sa mahika? Phase 1- Completed Phase 2- On going