Chapter 51

180 9 6
                                    

Khalil's POV:

"Bakla, gising na. Nandito na tayo," sabi ni Bea sa aking tabi habang niyuyugyog ang kanang balikat ko.

Nagmulat ako ng mata at marahang nag-unat ng katawan. Napasarap na naman ang tulog ko. Napansin kong kami na lang dalawa rito sa loob ng kalesa. Marahil ay nasa labas na ang iba.

"Nasa labas na sila, gumagawa ng plano. Bilisan mo," sabi pa nito at nauna nang bumaba sa akin.

Bumuntong hininga muna ako bago ako sumunod sa kanila sa labas. Nang makalabas ako ay parang may biglang bumalot sa akin na kakaibang enerhiya na hindi ko maipaliwanag. Bahagya ring umihip ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero mukhang nasa pusod kami ng isang kagubatan dahil puro puno at nagtataasang mga damo ang nakikita ko sa paligid. Tanging buwan lang ang nagsisilbi naming ilaw ng mga oras na ito.

Nakita ko ang mga kasama ko na nakapabilog sa may clearing dito habang nag-uusap-usap. Hindi na ako nagpabebe pa at nakisingit na rin sa kanila para makasakay sa ginagawa nilang plano.

May hawak na mahabang sanga si Araki habang itinuturo ang apat na bilog na naka drawing sa lupa. Ito marahil ang apat na lungsod at kuta ng Les Tènèbres.

Ipinaliwanag n'ya sa amin kung paano at kung mga ano ang dapat naming gawin sa loob ng Kaharian na iyon. Sabi niya na kahit ano raw mangyari ay huwag kaming lilikha ng gulo sa loob dahil baka mas lalo lamang kaming mapahamak. Sinabi n'ya rin sa amin na huwag na huwag naming tatangkain na makipagsabayan sa mga Sage o sa mga pinuno ng bawat lungsod. Malalakas daw ang mga ito at mga nasa S-Class level.

"Sarah and Draken," sabi ni Araki sabay baling sa dalawa. "You two will infiltrate Umbraheim. Their mind control abilities are best countered by Draken's similar magic. Their weakness is distraction, so your voice, Sarah, will disorient them further."

Seryosong pagtango naman ang isinagot ng dalawa sa kaniya.

"Atlas and Josef," sabi nito at itinuro ang isang circle sa kaliwang bahagi. "You two will tackle Malakar. Your elemental magic gives you an edge there."

Ngiting aso naman si Josef nang marinig niya na si Atlas ang makakasama nito.

"Bea and Baina – You will handle Noirveil. Remember, they are skilled in casting complex spells, but the current phase of the moon gives us a slight advantage," sabi naman nito sa dalawang babae.

"As for the remaining four of us, we'll infiltrate Tenebris. Once inside, we'll split into pairs: Ysmay and I, and Khalil and Jhandel. Both Jhandel and I have the ability to turn invisible, which will be crucial for our stealth operations," sabi naman nito sa aming tatlo nila Jhandel.

"Don't forget to use your magic watch to communicate with each of us, lalo na kapag nagkaroon ng problema sa loob. Okay?"

Magkakasunod na tango naman ang sinagot namin sa kan'ya.

"Okay, let's move out."

•••

Magkahalong takot at pagkamangha ang naramdaman ko ng tuluyan na naming masilayan ang Kaharian na papasukin namin. Hindi ko masabi kung gaano ito kalawak dahil hindi kayang pagmasdan ng aking mga mata ang kabuuan nito.

Pero ang mas kapansin-pansin ay ang isang malaking palasyo sa may bandang gitna. Nakalutang ito sa ere, habang may parang dalawang dragon na umiikot sa paligid nito. Kumikislap pa ang mga kaliskis ng mga ito dahil sa liwanang ng buwan. Kitang-kita rin ang ilang mga kawal na nakasuot ng kulay itim at pulang baluti na naglalakad sa mga sulok ng bawat lungsod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Astra Mahika (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon