Khalil's POV:
"You are here to learn the fine art and subtle science of concocting potions—many of you won't believe this is magic because there isn't much ridiculous hand/wand waving going on. I don't think you'll really be able to appreciate the delicate power of the liquids that seep through human veins, enchanting minds and ensnaring senses, nor the beauty of the softly boiling cauldron with its shimmering vapors," pag-uumpisa ni Ms. Morgaine. Isang witch.
Potion Sub namin ngayon at halos lahat ng aking mga kaklase ay naka tuon ang pansin at nakikinig sa mga sinasabi ni Ms. Morgaine.
Sabi nila mahilig daw 'to magparecitation kaya lahat sa amin ay balisa. 'Di pa naman ako nakapag advance reading sa subject na 'to.
"A potion was a magical concoction that was typically made in a cauldron and used to confer various magical powers on the drinker. The nature, effects, and difficulty of creating potions varied,"
"Making potions is a vital skill for both witchcraft and creating treatments for illnesses and disorders. In the magical world of Astra Mahika, potions have been used to cure disease, alter someone's appearance, and even make people fall in love," sabi pa n'ya.
Parang gayuma lang.
"Gamitan ko kaya n'yan si Emman," bulong sa akin ni Bea. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay at muling nakinig na sa discussion ni Miss.
Marami pa s'yang sinabi tungkol sa mga effects, benefits blablabla ng potion hanggang sa natapos na ang time n'ya.
"Buti na lang at 'di tayo natawag," sabi ni Sarah sa aking tabi.
May vacant time kami na 30 minutes bago ang next subject kaya naman napuno na naman ng ingay at gulo rito sa loob ng room namin. May mga nagtatakbuhan, nagbabatuhan at gumagamit ng kani-kanilang mahika.
Bilang presidente nila kahit labag sa kalooban ko ang posisyong ito ay nakaakbay na sa akin ang responsibilidad ko para sa kanila.
Naglakad ako papunta sa harapan at huminga nang malalim bago sumigaw.
"Everyone, settle down!!" halos mapaos kong sigaw.
Naagaw naman nito ang atensyon ng aking mga kaklase kaya naupo sila at natahimik.
"As your Class President, responsibilidad ko na ang panatilihin ang kaayusan at katahimikan ng ating silid lalo na kapag wala tayong guro. Hindi na kayo bata para mag-ingay at maglaro na parang wala ng bukas! Be matured enough guys. Huwag nating hayaan na lagi na lang ganito kagulo ang section natin. Mahiya naman tayo sa mga subject teachers natin,"
"Maaari naman kayong magkuwentuhan o magchismisan nang hindi lumilikha ng gulo 'di ba? May nagkaklase pa sa kabilang room, so let's be quiet and respectful. Maliwanag ba?" mahabang lintaya ko sa harapan.
Kabog may pa speech. Baka President 'to mula elementary hanggang college.
Sana 'wag naman masabihan ng bida-bida. Gan'yan pa naman ang ilang mga Pilipino.
Keme!
"Yes, Pres!" sabay-sabay nilang tugon.
"Geoffrey and Caine, pulutin n'yo lahat ng mga nagkalat na papel na pinagbabato n'yo kanina. And Richard..." tumingin naman ako sa paligid na puro usok kaya napatakip ako ng ilong.
"'Yung magic mo," sabi ko.
Agad naman silang sumunod sa mga utos ko kaya bumalik na ako sa aking upuan.
"Baka President Khalil yan!" sabay na sabi ng dalawang impakta.
"Whatever!" sabi ko sa kanila at inikutan ng mata.
BINABASA MO ANG
Astra Mahika (BxB)
FantasyNaniniwala ka ba sa mahika? Phase 1- Completed Phase 2- On going