Khalil's POV:"Good luck, Teams!" boses ni Mr. Urma mula sa surveillance room.
Pinapanood n'ya kami.
"Be careful and observant of our surroundings, Team," paalala ni Eleanor.
"Tatawag na ba ako ng spirit, guys?" tanong ni Bea habang nagmamasid sa paligid.
Para s'yang detective sa ginagawa n'ya.
"Mamaya na. Hintayin na lang muna nating makita ang spirit ng ibang team. Para malaman din natin ang puwede nating icounter sa kanila," si Eleanor.
"Tama s'ya. Baka mamaya kahinaan ng spirit mo ang kalaban nating spirit kaya mas mabuting alamin muna natin ang kahinaan nila," sabi ko naman.
"Sabi n'yo eh!"
Naglalakad-lakad lang kami nang biglang may narinig kaming malakas na pagsabog.
"Nag-uumpisa na sila," sabi ni Harry na naka akbay na pala sa akin kaya medyo lumayo ako sa kan'ya.
"Humanda kayong lahat. Hintayin muna nating ma eliminate ang isang Team bago tayo sumugod. Mas ayos na kung isang Team lang ang makalaban natin kaysa sa dalawa," sabi ko sa kanila.
Naglakad kaming lima papunta sa pinanggalingan ng pagsabog upang mag masid sa nagaganap na labanan doon.
Pagdating namin sa kinaroroonan ng dalawang team ay tumambad sa amin ang magulo at maingay na paligid. May mga nagtatakbuhan at naglalabanan gamit ang kanilang mga kamao.
Nagtago kami sa isang sulok kung saan hindi kami makikita.
Nakita na rin namin ang kanilang spirit. Isang sirena at may hawak-hawak s'yang trident. At Napapalibutan din s'ya ng tubig na nagsisilbing taga balanse n'ya sa lupa.
At isang higanteng gorilla na may hawak na batong hammer sa kanang kamay at batong kalasag naman sa kaliwa.
Bawat pagtama ng kanilang mga sandata ay s'yang pagyanig ng kalupaan at pagtalsik ng mga tubig kaya naman napapatakip na lang kami ng aming mga mata.
"'Yan si Elena ang Prinsesa ng Arayat o ang Kahiraan ng mga Sirena't Sireno. Ang spirit ng Team 1," turo ni Cipher doon sa sirena.
"At 'yan naman si Urako isang gorilla mula sa Animal Realm. Ang spirit nila Cortez," turo n'ya naman doon sa gorilla.
Buti na lang at maraming alam tungkol sa mga spirit itong si Cipher. Nasabi n'ya kanina na gumagawa s'ya ng research about sa mga Summoner na nakikilala n'ya at pinag-aaralan ito.
"Alam mo ba ang kahinaan nila?" tanong ko sa kan'ya.
"Hindi ako sigurado, pero may idea ako. Urako is a Stone Master. Kahinaan ng mga Stone User ang malalakas na shockwaves dahil madali lang nitong nababasag ang ano mang batong kanilang likhain. Sa madaling salita at kung titignan ang mga spirit ni ate Beatrice... Air Nymph is the best fit to counter him," sabi nito at tumingin kay Bea.
"Taray vebs ha! Pati mga Nymphs ko ay pinag-aralan mo na rin," kumento naman ni Bea na nginitian lang ni Cipher
"And Elena is a Water User. Kung napapansin n'yo ay hindi ganoong karami ang tubig na ginagamit n'ya sa pakikipaglaban. 'Yan ay dahil nasa lumang city tayo at kakaunti lang source of water dito. Sa ilalim ng lupa at sa mga mumunting halaman at puno lang s'ya kumukuha ng tubig na ginagamit n'ya ngayon. Earth Nymph naman ang pang tapat natin sa kan'ya," sabi pa n'ya bago tinulak ang kan'yang salamin pataas upang hindi ito mahulog.
"Eh, bakit 'yan pa ang spirit na tinawag nila kung alam naman nilang city 'to?" kunot noong tanong ni Harry.
"Edith is a Die Summoner. Nakadepende ang isusummon n'ya sa kung anong number of dot ang lalabas sa taas ng die n'ya," Sabi naman ni Eleanor.
BINABASA MO ANG
Astra Mahika (BxB)
FantasyNaniniwala ka ba sa mahika? Phase 1- Completed Phase 2- On going