Chapter 12

198 18 0
                                    

Khalil's POV:

Pagkarating ko ng bahay ay nakita ko agad si Tatay doon sa may sala. Agad akong tumakbo papunta sa kan'ya at niyakap siya nang mahigpit.

"Namiss ko po kayo, Tay!" sabi ko nang humiwalay na kami sa yakapan session namin.

"Sus, nag lambing pa ang dalaga ko," sabi nito kaya natawa na lang ako.

"Magbihis ka na at kakain na tayo. Mukha kang tumakbo mula Batanes hanggang Jolo sa itsura mo anak!" pang-aasar ni Tatay kaya pareho kaming tumawa.

Namiss ko talaga 'to sobra.

"Grabe ka naman Tay. Pero aminin, maganda pa rin," sagot ko na ikinailing niya.

"Tss..." rinig kong singit ni Kuya Brent na kakalabas lang ng kuwarto.

Nandito pala s'ya?

Pumunta na ako sa aking kuwarto para mag palit ng damit. Ang lagkit ko na! Mamaya na lang siguro ako maligo ulit.

"Mischa, dito ka muna or sasama ka sa'kin?" Tanong ko sa kan'ya habang tinatali ang aking buhok.

Ang init!

"Dito na lang ako," sagot n'ya.

Lumabas na ako ng aking kuwarto at dumiretso na sa kusina. Nadatnan ko roon si Tatay, si Inay at si Kuya Brent. Umuwi rin pala si Inay.

Parang gusto ko na lang bumalik sa kuwarto ko.

"Oh, Khalil, umupo ka na! Tikman mo 'tong kalderetang niluto ko. Paborito mo 'to 'di ba?" pag-aanyaya ni tatay sa akin.

Tumingin ako kay Kuya Brent tapos kay Inay. Grabe 'yung mga tingin nila mga bes!

Parang gusto ko na lang bumalik sa kuwarto ko.

"T-tay mamaya na lang po ako kakain. Busog pa po pala ako hehe," pagdadahilan ko kay Tatay.

Tinaasan n'ya ako ng kilay mga bes!

Tumingin s'ya sa akin ng diretso na parang binabasa ang utak ko. Astra ba 'to si Tatay tapos Mind Reading naman ang magic n'ya?

"Maupo ka," okay, alam kong hindi pakiusap iyon. Isa iyong utos.

Wala na akong nagawa kundi umupo sa upuan sa tabi ni Tatay. Sinulyapan ko ulit sila Inay na seryoso nang kumakain.

"Kumusta na ang school n'yo mga anak? Baka mga bulakbol kayo ha? 'Wag ganon," pagbabasag ng katahimikan ni tatay.

"O-okay lang po Tay," tumingin ako sa kan'ya at ngumiti.

Hindi n'ya pala alam 'yung nangyari samin sa Laguna. Sinabi ko kasi kila Tita na huwag na nilang ipaabot kay Tatay 'yung nangyari sa akin dahil ayaw kong mag-alala pa siya. T'saka naka kulong na naman si Caloy kaya 'di na n'ya dapat pang malaman.

"Ikaw Brent?" tanong n'ya naman kay Kuya.

Tumingin muna s'ya kay Tatay bago pilit na ngumiti.

"I'm doing good," uminom s'ya sa bago tumayo.

"Una na po ako Pa, Ma," pagpapaalam n'ya.

Saan naman kaya ang punta no'n?

Maya-maya pa ay natapos na rin kaming kumain. Niligpit ko ang pinagkainan namin at nag-umpisa na mag hugas .

Siguro dapat ko nang sabihin kay Tatay kung ano ba talaga ang totong pagkatao ko. Para hindi na rin ako mahihirapan pa sa pagpapaalam sa kan'ya.

Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa magiging reaksyon ni Tatay at sa sasabihin n'ya. Pero sure naman ako na tatanggapin n'ya ako ng buong-buo.

Astra Mahika (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon