A/N: Gamit ang punto ng pananaw ni Aella (Kambal-Diwa ng hangin) ay babalikan natin kung ano talaga ang nangyari kay Khalil bago s'ya nawalan ng malay.
———————————————————————
Aella's POV:
"Ako na muna ang bahalang tumapos sa napakadali n'yong aktibidad, Rama," nakangiti kong saad kay Rama Khalil. Ang bago naming Rama.
Lumapit ako sa kan'ya at itunutok ang dalawa kong daliri sa kan'yang noo at pumikit.
"Spirit Fusion," bulong ko sa aking isipan.
Lumiwanag ang dalawang daliri ko hanggang sa higupin ng katawan ni Rama Khalil ang evtre sa katawan ko.
[Evtre/ Kaluluwa]
Iminulat ko ang aking mata. Nasa katawan na ako ni Khalil at ako na ang kumokontrol sa kan'ya ngayon.
Matagal-tagal ding hindi ko nagawa ang bagay na ito. Salamat na lang kay Rama Khalil at mukhang masisiyahan ako sa gagawin ko ngayon.
Naririto kami sa quadrangle kung saan may pinapagawang napakadaling aktibidad ang Propesor ni Rama Khalil.
"Hoy, dalawang mahihinang nilalang!" sigaw ko sa dalawang clone ni Valentino na nasa ere.
Naagaw ko naman ang atensyon ng lahat ng tao rito dahil sa ginawa kong pag sigaw.
"What's with the costume, Khal?" tanong noong Atlas ata ang pangalan.
Alagad ni Agua ang batang ito.
"Sa'n mo naman nahagilap 'yan anteh?" sabi naman noong Bea.
Tinignan ko naman ang suot-suot ko ngayon. Hindi pa rin pala nagbabago ang kasuotang pangdigma ko, katulad pa rin ng dati. Pero hindi mo kaya ang ganda ng katawan ni Rama Khalil dito. Para siyang isang babae sa kinis at kurba ng katawan niya.
"Manood na lamang kayo," sabi ko sa kanila bago ako lumutang sa ere gamit ang mahika ko. Ang hangin.
"Ako ang tatapos sa inyong dalawa, pero bago 'yon makikipaglaro muna ako sa in'yo," nakangisi kong sabi sa dalawang clone na nasa harapan ko na ngayon.
Mabilis akong nag Evictus kaya napunta ako sa likuran ni clone 1. Sinipa ko ito nang malakas sa kan'yang likuran kaya tumalsik ito paibaba.
Naglabas naman ng espada si clone 2. S'yempre 'di magpapatalo ang sibat ko. Hinintay ko lang s'yang sumugod sa akin.
"Siguraduhin mo lang na magaling kang gumamit ng sandata, kung hindi ang tunay mong anyo ang pupuntiryahin ko," matapang kong sabi rito.
Pero biro lamang iyon. Hindi ko nais na magalit ang Rama 'pag nalaman n'yang nanakit ako ng wala n'yang pahintulot.
Sumugod ito sa akin ng walang sabi-sabi.
Tss... Mabagal.
Naglabanan kami gamit ang aming mga sandata. Nakakaburyo namang kalaban ang isang 'to. Hindi siya nakasabay sa taglay kong bilis kaya nasipa ko ang kan'yang pagmumukha.
"Aella. 'Wag mong papagurin ang katawan ng ating Rama. Hindi ito makakabuti sa kan'ya lalo na't bago pa lamang ang mahika natin para sa kan'ya," paalala ni Terra sa aking isipan.
Oonga pala, muntikan ko nang makalimutan ang bagay na iyon. Mukhang kailangan ko na ngang tapusin ang dalawang 'to sa mas lalong madaling panahon.
Muli silang lumipad sa ere at sabay silang nag bato ng spell sa akin. Walang hirap na isinangga ko ang aking kalasag at naglaho na lang na parang bula ang Force Spell na binato nila sa akin.
BINABASA MO ANG
Astra Mahika (BxB)
FantasyNaniniwala ka ba sa mahika? Phase 1- Completed Phase 2- On going