Khalil's POV:
Nakarating kami ni JJ sa Laguna kung saan naroroon ang address na minessage ni Zha-Zha sa akin.
12C, Pook San Diego, Biñan Laguna.
"Mabuti pa ay maghiwalay muna tayo KJ ko. Mag tanong-tanong muna tayo sa mga tao rito kung saan makikita ang address na 'yan," tumango naman ako sa kan'ya bilang pagsang-ayon.
"Mag text o call ka sa'kin kapag may nakapagsabi na sa'yo ha? Gano'n din ako," sabi n'ya pa. Ginulo n'ya muna ang buhok ko bago s'ya naglakad papalayo.
Gabi na, alas nuebe to be exact. Tanging liwanag lang ng buwan at ng mga street lights ang nagsisilbing ilaw namin ngayon.
Kanina pa ako nagtatanong sa mga nakakasalubong kong tao. Pero sad to say wala silang alam. Napabuntong hininga na lamang ako dahil doon.
Ganon din siguro si JJ. Wala pa kasi akong narerecieve na text mula sa kan'ya.
"Nakita ko na... Nakita ko na kung saan naroroon si Zhaniah, Rama Khalil!" napatingin naman ako sa paparating na si Mishca.
Naghiwalay din kasi kami kanina para mapabilis ang paghahanap. Pero hindi s'ya nag tatanong-tanong ha! Takot lang nila kay Mishca eh. Nagbabakasakali kasi s'ya na may mahahanap na bakas mula kay Zha-Zha. At mukhang nag tagumpay naman siya.
"Saan banda? teka-teka tatawagan ko muna si JJ," hindi ko mapakaling sabi sa kan'ya.
"Tago ang lokasyang kinaroroonan n'ya, Rama. Inutusan ko ang mga kaibigan kong ibon para tulungan tayo sa paghahanap at nakita nila ang kaibigan mo sa isang bahay sa gitna ng gubat. Laguna de Foresto ang pangalan ng gubat na iyon," paglalahad nito.
Kaya naman pala hirap kaming makita ang address na 'yon, nasa gitna pala ito ng gubat.
Tinext ko na si JJ at bumalik na kung saan nakaparada ang dala naming sasakyan. Halos sabay lang kami ng pagdating.
"Sa isang bahay sa gitna raw ng kagubatan ng Laguna de Foresto ang lokasyong binigay ni Zha-Zha," sabi ko sa kan'ya bago sumakay sa kotse.
"Alam ko kung saan 'yan," si JJ at nag-umpisa nang paandarin ang sasakyan.
Kalahating oras din ang ginugol namin bago kami nakarating sa entrance ng Laguna de Foresto. May parang daanan doon ng mga sasakyan kaya naman hindi na kami mahihirapan pang maglakad.
Makalipas ang ilan pang minuto ay huminto si JJ kaya napatingin ako kung saan s'ya nakatingin.
Isang bahay.
Masasabi kong maganda ito kahit na hindi ito kalakihan. Moderno ang pagkakadesenyo nito at kulay puti at abo ang tema.
"JJ, tawagan mo na si Tita sabihin mo nakita na natin kung nasaan si Zha-Zha. Magpadala kamo s'ya ng mga pulis para masigurado ang safety natin," sabi ko sa aking kasama na s'ya namang sinunod.
Bumaba kami at nag-umpisang humakbang papunta sa loob ng bahay. Pero hindi pa kami nakakalahati ay may lumabas ng isang grupo ng kalalakihan. Malalaki ang katawan nila at bilang ko ay pito sila.
Namukhaan ko naman 'yung lalaking nasa pinakagilid. S'ya yung nagtangka kahapon sa buhay ko! 'Yung isang pinatulog ni Mishca. Pero wala 'yung kasama n'ya rito.
"Nasaan ang kaibigan namin? Ilabas n'yo s'ya!" matapang na sigaw ni JJ sa pitong lalaki na nasa harap namin ngayon.
Hala s'ya! Hindi ba s'ya natatakot? Mukhang mga kapre na kaya 'tong binabangga namin.
Bigla na lang may lumabas at nag salita na isa pang lalaki. Pamilyar ang boses na 'yun pero hindi ko matandaan kung kanino. At nang maaninag ko na ang mukha n'ya ay agad na nagsalubong ang aking mga kilay.
BINABASA MO ANG
Astra Mahika (BxB)
FantasyNaniniwala ka ba sa mahika? Phase 1- Completed Phase 2- On going