Khalil's POV:
Dalawang araw na simula noong nakauwi kami rito sa Batangas. Dalawang araw na rin noong sinabi ko kay Zha-Zha ang naging desisyon ko.
Expectedly, nagtampo s'ya sa akin kasi iiwan ko na raw siya. OA of the year lang. Pero hindi naman n'ya ako natiis dahil sumama pa s'ya rito sa Batangas.
"Khalil ano pang hinihintay mo d'yan, pasko?!" sigaw sa akin ni Zha-Zha.
Nandito kami ngayon sa isang ilog 'di kalayuan sa bahay namin. Kasama rin namin si JJ na lumalangoy na rin katulad ni Zha-Zha.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumalon na malapit sa kanila. Ang lamig ng tubig!
Malinaw ang tubig dito kaya makikita mo ang tinatapakan mo. May mga iilang isda rin na lumalangoy dito.
"KJ ko doon tayo sa malalim dali!" pag-aanyaya n'ya sa akin. Tumango lang ako sa kan'ya at sumunod.
Sanay naman akong lumangoy kaya hindi na ako natatakot pang sumuom sa malalalim na katubigan.
Hinawakan ako ni JJ at sabay kaming sumisid sa ilalim ng tubig. Lumangoy kami hanggang sa marating namin ang pinakailalim.
Ngumiti si JJ sa akin kaya ngumiti rin ako sa kan'ya. Simula noong bumalik ako rito sa probinsya ay hindi na s'ya humiwalay sa akin. Kung saan-saan kami nagpupupuntang tatlo para gumala.
Hindi ko pa nasasabi sa kan'ya ang balak kong pag-alis. Alam kong masasaktan s'ya kaya hirap talaga ako. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin.
Umahon kami nang malapit na kaming ubusan ng hininga.
"KJ ko...." tumingin ako sa kan'ya na ngayon ay nakatingin din sa akin.
Sa hindi ko malamang dahilan ay kumabog ang puso ko nang pagkalakas-lakas. Para na itong lalabas ilang sandali lang. Aatakehin yata ako rito!
"Thank you," ngumiti s'ya sa akin at niyakap ako.
"Bakit ka naman napapasalamat?" tanong ko sa kan'ya nang humiwalay na s'ya sa pagkakayakap.
"Wala lang hehe,"
Parang may gusto s'yang sabihin pero nahihiya lang. Hindi ko na lang s'ya pinilit at niyaya nang umahon sa tubig para mag patuyo.
Nakaupo si Zha-Zha sa isang malaking bato habang may ngat-ngat na mangga at nakabalot ng tuwalya.
"Nanetong mga 'to! Iniwan ba naman ako? 'Pag ako talaga natutong lumangoy, lalanguyin ko Batanes hanggang Jolo," pagmamaktol n'ya.
"Ay 'yon kung matututo ka pa! Gurang ka na para matuto pang lumangoy," pang-aasar naman ni JJ na kinahalakhak ko.
"Hoy, for your information, 18 pa lang ako. Baka ikaw! Ikaw kaya pinaka gurang sa'ting tatlo!" hindi talaga nagpapatalo 'tong babaeng 'to.
"Tss... Parang isang taon lang agwat ko sa in'yo ah!" sabi naman ni JJ.
Nagpaalam s'ya para umihi saglit.
Nagbalat na rin ako ng mangga para may mangata naman ako habang nakatambay at dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
"Hoy, bakla! Kailan mo sasabihin kay JJ?"
biglang tanong ni Zha-Zha sa akin.Magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Bakit 'pag magsasalita ako, palagi na lang may sumusulpot o 'di kaya may sasabat?
At teka, ang bilis naman ata n'yang umihi?
"Anong sasabihin?" si JJ.
Tumingin ako kay Zha-Zha at pinanglakihan ito ng mga mata. Nginitian n'ya lang ako at nag peace sign. Dulas talaga ng bibig nito!
BINABASA MO ANG
Astra Mahika (BxB)
FantasyNaniniwala ka ba sa mahika? Phase 1- Completed Phase 2- On going