Day 3 (part 1)

7 0 0
                                    

Ang sakit sa balat yung sinag ng araw...

"Camille!" tawag ko sa kanya.

Lumingon lang siya pero ng nagtama ang mata namin ay umiwas siya.

Bakit kaya?

Papasok na kami ng school.

Nilapitan ko siya.

"Camille, ano ba? Tinatawag kita di ka lumilingon..." sabi ko.

Naglakad siya ng mabilis. Hinabol ko siya.

"Ano ba Camille. Kung may nagawa akong mali, sorry na."

Nilingon niya ako.

"Sorry? Iniwan mo ko tapos..." di na niya tinuloy yung sinabi niya.

May binulong siya pero di ko narinig.

"Una na ko..." sabi niya at umalis na siya.

Huh?

Camille's POV

Naiinis ako na nalulungkot.

Kahapon iniwan niya ako para makipag kita lang sa babae. Sayang nga at hindi ko nakita yung mukha niya.

Nung nakita ko siya nabitawan ko yung payong nahawak ko.

Hindi pansin yung luha ko dahil sa ulan.

Nung umalis na yung babae ay tinawag ko siya.

"Henry..."

Nakita niya agad ako.

"Camille..."

Sa di ko alam na kadahilanan ay tumakbo ako.

Hindi ko alam kung saan ako pinunta ng mga paa ko. Nakita ko na lng ay nasa harap na ako ng bahay nila Nikki.

Pinindot ko yung doorbell niya. May camera ito, speaker, atsaka maririnig niya yung sasabihin mo.

Mayaman sila, naging kapit bahay ko siya bago namatay ang mga magulang ko. Atsaka bago ako malipat sa bahay ng tita ko at nakilala si Henry...

"Nikki, pwede bang makituloy dyan?" sabi ko.

"Anong nangyari? Manong, buksan mo yung gate. Papasukin mo siya. Manang magdala ka ng towel atsaka damit." Nawala siya. Siguro pinag aasikaso na niya.

"Nikki wag mo na-"

"Anong wag na? Tatawagan ko tita mo, sasabihin ko dito ka muna ha."

"Pero-"

"No buts. Ayan na si Manong." Bigla siyang nawala.

Dumating yung inutusan niya na may dalang payong.

Sinamahan niya ako papunta sa loob.

"Camille, okay ka lang, a-anong nangyari? Bakit basa ka? Ito towel." abot niya sa akin.

"Hinay-hinay lang Nik. Baka atakihin ka." sabi ko.

"Nag-aalala lang. Matagal na tayong di nagkikita eh. Lika na, ligo ka muna." sabi niya.

"Matagal na nga noh. Ang tagal ko na nga ring di nakita tong malaking bahay na toh."

"Doon ka muna sa kuwarto ko, maligo muna tayo tas ikuwento mo yung nangyari." sabi niya.

"Oo."

Naligo na ako. Pagkatapos ay nagkuwentuhan na nga kami. Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari. Pero di ko na pinangalanan si Henry. Hindi ako sanay na ikinukwento ko sa kanya yung di niya kilala.

Tapos noon ay natulog na kami.

Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon