Day 1

31 2 0
                                    

Gabi na at malakas ang ulan. Nakalimutan kong magdala ng payong kaya ginamit ko yung bag ko para di ako mabasa.

Tumatakbo ako papunta doon sa bus stop sa tapat ng school. May silungan doon at hindi ka talaga mababasa. May light post doon na nakatapat.

Nakakatakot nga yon kasi yun lang yung may ilaw...

Pagkadating ko mag babaeng naka-upo.

Umusog siya at umupo ako. Ang layo ng pagitan namin.

Tumingin ako sa kanya. Iba yung school uniform niya pero parang nakita ko na siya kung saan. She's reading a book.

Yung buhok niya maikli, mga hanggang balikat. Dahil nakatagilid siya ay di ko masyadong makita ang mukha niya. Maputi din siya.

Nagulat ako ng tumingin siya sa akin. Mas nakita ko ng malinaw ang mukha niya. She was like an angel.

"Stop looking at me." sabi niya.

"So-sorry." umiwas ako ng tingin at yumuko.

Ang akward...

"Ano hinihintay mo?" tanong niya.

"Huminto yung ulan. Atsaka jeep. Ikaw?" sabi ko.

"Yung sundo ko." sagot niya.

Natahimik ulit kami... Akward ulit...

"Gusto mo bang sumabay?" aya niya.

"Sa tingin mo sasabay ako sa di ko kakilala?" tanong ko.

"I'm Nikki." inabot niya yung kamay niya para makipag shake hands.

"Henry."

Nag shake hand kami.

"Magkakilala na tayo." sabi niya

May kotse na padating. Huminto ito sa harapan namin.

"Sure ma bang hindi ka sasabay? Matagal tumigil toh." tanong niya.

"Hindi na. Tutal may jeep na parating. Salamat na lang." sagot ko.

Binuksan niya yung pinto ng kotse.

Bago pa siya pumasok ay may tinanong ako sa kanya.

"Nikki." tawag niya.

"Yes?"

"Can I see you again here? Tomorrow." tanong ko.

Ngumiti siya.

"Pagka umulan..." sagot niya at pumasok na siya sa loob.

Umalis na yung kotse at may huminto naman jeep sa harapan ko.

Sumakay na ako.

Lord, sana po umulan bukas...

Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon