Last Day

8 0 0
                                        

A/N: super ikli lang toh pramis....

Camille's POV

"Tita. Andyan na po ba si Henry?" tanong ko.

"Wala pa nga eh..." sabi niya.

"Ganun po ba? Salamat po." sabi ko at umalis sa tapat ng bahay nila.

Pumasok ako sa bahay ng mabilis para kumuha ng payong.

Lumabas na agad ako.

Sumakay ako sa jeep. Mga 5 minutes lang ang yung byahe.

Tinatawagan ko na yung cp niya pero di niya sinasagot.

"Manong para po!" sigaw ko.

Tinakbo ko na yung bus stop. Di na kasi dadaan yung jeep doon kaya takbo na.

Nakita ko si Henry na nakatayo lang sa gitna ng kalsada.

"Henry!" tawag ko.

Di siya lumingon.

Pinayungan ko siya.

"Henry, gising!"

Tinapik tapik ko yung mukha niya.

Nagulat ako ng niyakap niya ako.

Niyakap ko rin siya.

"Bakit ganun Camille..." sabi niya.

"Okay okay... Ilabas mo na yan... Alam kong umiiyak ka. Kaya ka nasa ulan diba?"

"Paano mo alam?" tanong niya.

"Hm! Childhood friend's instinct." sagot ko.

Uma-tsing siya.

Tinulak ko siya.

"Ikaw talaga. Niyaka mo na nga ako ng basa, inat-tsingan pa ako. Kapal ng face mo noh..." pagpapatawa ko (kung nakakatawa ko).

Tumawa na lang siya.

"Akala ko ba wala kang pake?" tanong niya.

"Duh! Mag KAIBIGAN tayo eh. So damayan!" sabi niya.

Napangiti ko siya kahit papano...

Alam kong nasaktan din si Nikki. Pero ginawa niya ang tama. Pero para sa akin mali yun!

"Umuwi ka na nga! Magkalagnat ka pa!" sabi ko.

"Sana nga."

Aba't gusto talagang magkasakit noh...

Henry's POV

Kinabukasan...

"Kuya Henry! May nag bigay sayo." sabi ni Hannah.

"Baba mo na lang dyan." sabi ko.

Pagkababa niya nung gamit ay bumaba na siya ng kuwarto.

Binuksan ko yung nakabalot na package.

Payong?

May kasama din ito na sulat.

To Henry...

Yun yung nakalagay.

Binuksan ko yung sulat.

Dear Henry,

Si Nikki toh. Baka magtaka ka kung bakit may payong kasama yung sulat na toh.

Salamat nga pala doon sa payong na pinahiram mo.

Wait. Pinahiram ko?

Because of that umbrella, I met you. Naaalala mo ba yung umuulan noon at nasa bus stop tayo noon. Medyo madilim at kailangan ko nang umuwi dahil walang magsusundo sa akin.

Ibinigay mo yan ( i mean ipinahiram) mo yan. Thanks again.

Naalala ko na kung bakit pamilyar yung uniform niya at yung payong na gamit niya.

After that, naging stalker mo ko. Pero medyo natatawa ako kasi di mo ko mapansin. Di mo nga siguro alam na iniistalk kita hanggang facebook eh. Pero nung nalaman kong umuuwi ka nang late madalas at umuulan, nandun ka namatambay sa bus stop. Kaya doon na ako nagpapasundo.

Natuwa ako nang kinausap kita noon. I know that na medyo mataas yung tono nang pananalita ko. Parang ang cold kong tao. Sorry dahil doon.

Sorry din dahil binasted kita.

Sorry din dahil inistalk kita.

Sorry din dahil iniwan kita.

Sorry talaga...

And I want to say I love you...

I love the way you speak to me.

I love the way you look at me.

I love the way you smile.

I love everything you do.

Bata pa tayo. Marami pa tayo dapat ma experience.

Kaya di muna pwede.

Ang babaw ng dahilan noh... Pero ginagawa ko toh para sa future ng business namin.

But if we meet again...

(Medyo magiging tunog malandi toh pero bahala na.)

I'M YOURS...

Di ko alam kung iiyak ako o matutuwa...

Sana magkita kami...

Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon