Henry's POV
Gabi na at uwian namin. Ang ganda ng panahon.
Para sa akin di maganda.
Di kumpleto araw ko pag di ko siya nakikita eh.
At maglalakad pa ako ng malayo para makasakay ng jeep ng mabilis...
Nakatyamba lang ako nung isang araw. At nung isa pa.
Madalang lang kasi yung pagdaan ng jeep.
Kahapon kaya bakit tumakbo si Camille.
"Henry!~~~" nagulat ako nang narinig ko yun.
"Ca-Camille?!"
Nakangiti siya. Pero halatang peke.
"Lika na uwi na tayo." sabi niya at naglakad na.
Huminto siya.
"Ano ba?! Tutunganga ka ba dyan? Halika na!" sabi niya.
"Ito na." sabi ko.
Naglalakad kami. Walang nagsasalita kahit sino sa amin. Ang tahimik.
Ang akward...
"Henry."
"A-ano yun?" nagulat ako ng kinausap niya ako.
"Sorry kanina, atsaka kahapon." sabi niya. Pero nakatalikod parin siya.
"Di mo na kailangan mag-sorry." sabi ko.
"Atsaka sorry sa gagawin ko." sabi niya.
Bago pa ako makapagsalita ay niyakap niya ako.
"Camille. Bat ka pa mag sosorry, okay lang na-"
"This may be sound corny but... I love you Henry. Not in a friendly way but in a romantic way. Simula pa bata tayo may gusto na ako sayo. Hindi ko alam kung bakit basta isang araw nagkagusto na ko sayo. You dense motherf*ck*r. Wala kang napansin. Di mo ko napansin. Diba ang corny. May mura pa. So ano sagot mo?"
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ano ba? Ayokong sabihin na hindi ko siya mahal.
"You can say whatever you want. Kahit nakakasakit. Basta malaman ko lang kung anong nararamdaman mo para sa akin. Alam ko naman kung magsisinungaling ka o hindi." sabi niya.
"Paano mo-" naputol yung sasabihin ko.
"Don't change the subject. Sabihin mo na lang." Bumitaw siya ng yakap at tinignan ako sa mukha. Mas lalo akong nahirapan.
Baka may inexpect siya sa sasabihin ko. Pero sinabi niya na pwede kong sabihin ang lahat.
Huminga ako ng malalim.
"Camille, sorry sa mga sasabihin ko. Mahal din kita. Pero hindi yung katulad ng pagmamahal mo sa akin. I appreciate it but sorry, hindi ko maiibabalik ang pagmamahal na natatangap ko. But we can still be friends." sabi ko.
Ngumiti siya pero pilit.
"Sabi na madadagdagan na ang population ng friendzone. Hay naku broken hearted ang KAIBIGAN mo Henry. Confort mo naman yung KAIBIGAN mo." sabi niya.
"Naman mas lalo akong naguilty eh!" sabi ko.
"Sorry na! Pwedeng request?" sabi niya.
"Anything." sabi ko.
"Pwede bang isang hug lang dyan?" sabi niya.
"Malandi ka talaga noh." sabi ko.
"Edi ISANG FRIENDLY HUG NGA PO..." sabi niya.
"Yeah yeah para matahimik ka na." sabi niya.
Niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako.
Buti na lang walang tao.
Bibitaw na sana ako.
"Pwedeng tagalang mo pa?" sabi niya.
"Chansing ka na ha..." sabi ko.
"Che!" sabi niya. Pero halatang umiiyak na siya.
"Siguro kung mas matangkad ako sayo, di mo ko mapapansing umiiyak?" sabi niya
Pagkabitaw niya ay tumalikod siya agad.
"Lika na! Gabi na eh..." sabi niya.
"Opo..." sabi ko at umalis na kami.
"By the way, ang tindi mo mag english ah!" dagdag ko.
"Uh! Shut up!" sinapak lang niya ako sa likod pero mahina lang.
BINABASA MO ANG
Rainy Days
Dla nastolatkówNot all the rainy days are bad. Malay mo dahil doon, makilala mo yung nakatadhana sayo at magpapatunay ng forever...