Day 6

4 0 0
                                    

Gabi na ulit ako umuwi. Yung training ko M.W.F.

Umuulan kaya sa bus stop nanaman ako tatambay. Atsaka andoon si Nikki.

Nung nakarating na ako. Ang tahimik namin. Tanging ingay lang na naririnig namin ay yung buhos ng ulan. Nagbabasa siya habang ako iniisip kung paano ko sasabihin.

"Nikki, I have something important to say to you."

"Sige. I'm listening..."

Huminga ako ng malalim.

"I-"

"Stop. Wag mo nang ituloy." naputol yung sasabihin ko nang sumingit siya.

Sinara niya yung libro.

"Henry..."

Huminto siya.

"Thanks for everything."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pero parang hindi ito yung masayang ngiti. May halong lungkot ito.

"Listen, I like... No. I mean, I love you too. But... Sorry." sabi niya.

"Ba-bakit?! Ano bang meron?! Bat ba ayaw mo?! Mahal mo rin naman ako diba?! Tell me! Naguguluhan na ako!"

"Henry... Sorry... Pero... Kailangan kong pumunta sa ibang bansa. Mamaya... Doon na ako mag-aaral." pinipilit niyang di umiyak at maging kalmado.

"Yun lang ang dahilan? Ang babaw naman nun Nikki! Pwede naman na-"

"Atsaka hindi rin pwedeng maging tayo..." this time umiyak na siya.

"Bakit?! Magagalit ang mga magulang mo? Kaya ko maghintay? Hindi-"

"Please! Stop!" tumayo siya.

"Sorry talaga Henry, pero hindi talaga pwede. Wag mo na ipag pilitan yung gusto mo."

May kotse na huminto sa harapan namin at bigla na siyang sumakay.

Hindi ako makagalaw. Dapat habulin ko siya. Pero bat di ko magawa...

Umalis na ako. Wala akong pake kung mabasa ako sa ulan.

Tama nga si Camille. Masasaktan nga ako...

Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon