Day 2

20 0 0
                                    

"Henry!~~~" tawag ng abnormal kong kaibigan. Si Camille.

Di ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan. Childhood friend ko siya actually. Pero may tinatagong kabaliwan sa katawan toh eh. May pagka tomboy din nung bata siya. Hanggang ngayon...

"Sabay tayo mamaya? Please..." aya niya.

"Baka." sagot ko.

"Anong baka? Bakit hayop ba ko?"

Nakatingin lang ako.

"De joke lang. Di nga, anong baka. Di ka sure? Maaga ka namang uuwi diba?" tanong niya.

"Basta. Umupo ka na sa upuan mo andyan na si maam." sagot ko.

Umupo na siya sa upuan niya.

Uwian na...

"Hindi pa umuulan." bulong ko.

"Ha? Anong sabi mo?" tanong ni Camille.

"Di pa umuulan."

"Okay nga yon eh!"

Para sa akin di okay yun...

Bakit di umulan? Gusto ko ulit siyang makita.

Madilim lang ngayon. Nagulat ako sa kidlat at kulog.

Di ko napansing napahawak sa akin si Camille.

"Camille, chansing?" sabi ko.

"G*g*!" nagulat ako ng minura niya ko.

"Nagmumura ka na ah. Sumbong kita..." sabi ko.

"Di sumbong mo ko bakit ba may magulang pa-" di niya narealize na nasabi na pala niya yun.

"Okay past is past. Alam mo na yung sinabi ko..." sabi niya.

May naramdaman akong patak ng tubig mula sa langit.

Biglang bumuhos yung ulan.

May mga nakita akong naglabas agad ng payong.

"Camille. Mauna ka na umuwi. May naiwan ako sa school." sabi ko.

"Pero-"

"Ingat ka!"

Bigla akong tumakbo papunta sa bus stop.

Pagdating ko ay wala siya doon.

"Henry..." may nagsalita sa likod ko.

Lumingon ako. Nakapayong siya. Ngumiti siya.

"Di ko aakalain na pupunta ka." sabi niya habang pumupunta sa bus stop.

Sinara niya at itinabi yung payong niya. Parang nakita ko na yung payong na yun kung saan.

May kinuha siya sa bag niya. Yung libro niya na binabasa niya kagabi.

Umupo kaming dalawa.

"Ang aga mo yata?" tanong niya

"Ang aga mo rin yata?" binalik ko yung tanong.

"Wala akong practice ngayon sa club. Ikaw ba?" tanong niya.

"Same answer. Anong club mo?" tanong ko.

"Badminton club. Ikaw ba? Let me guess. Basketball club?"

"Yeah. Bat halata ba?"

Hindi na siya sumagot.

May kotse na huminto sa harap.

"Ingat ka sa pag-uwi." sabi niya.

"I-ikaw din..."

"Kita kits ulit. Pag umulan ulit..." sabi niya at sumakay na nang kotse.

Sana umulan ulit bukas...

"Henry..." nakita ko si Camille.

"Camille..."

Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon