Day 4

7 0 0
                                    

Henry's POV

Di ko napansing nakatulog na ako sa sofa sa sala namin.

Kagabi ay nagkuwentuhan kami ni Nikki. Nagulat nga ako kasi andoon siya sa bahay nila Camille. Nasabi niya sa akin na kaibigan niya si Camille noong bata pa sila bago siya lumipat. Pumunta siya dahil daw umiiyak si Camille nang tumawag siya kaya i coconfort niya.

Kinabahan ako dahil baka may sabihin siya tungkol sa akin pero di pala niya kilala kung sino yung nambasted kay Camille.

Salamat naman... Thank you talaga Camille!!!

Pumunta na ako sa kuwarto ko. Hindi muna ako lalabas ng terrace ng kuwarto ko.

Magkatapat lang ang kuwarto ko at kuwarto ni Camille kaya madalas nag-uusap kami.

Nagcomputer na lang ako buong magdamag.

Di ko namalayan na gabi na. Kaya lumabas ako.

"Buti lumabas ka." sabi ni Nikki.

"May bibilhin lang ako." pagdadahilan ko.

"So, ikaw pala yung nang friendzoned kay Camille." sabi niya.

Nagulat ako.

"H-ha?! Hi-hindi ah." sabi ko.

"Don't deny it. Okay lang yun. Nagpakatotoo ka. I know you're guilty, but you don't regret it right?" sabi niya.

Tama siya. Wala akong pinagsisihan. Pero guilty ako sa kasi broken hearted siya dahil sa akin.

"So kilala niyo na ang isa't-isa..." nagulat kami ni Nikki nang narinig namin yung boses ni Camille sa likuran namin.

"Kailan pa kayo magkakilala?" tanong niya.

"Noong Wednesday." sagot ni Nikki.

"At anong nangyari?" sabi niya.

"Nag-usap lang kami." sagot ulit ni Nikki.

"Ahh... I see... Henry, pwede ba tayong mag-usap. In private." sabi ni Camille.

"Wait lang ah." sabi ko kay Nikki at sinundan si Camille.

"Ano yon?" tanong ko.

Nakakaloko yung ngiti niya.

"What?!"

"Ikaw ah... Lumalablyp ka na..." sabi niya.

"So?" sabi ko.

"Grabe ka naman. Gusto mo ba ng tulong?" alok niya.

"Anong ginawa mo kay Camille?"

"G*g*! Pero di nga, anong maitutulong ko?"

"Ah.. Camille, okay lang sayo?" tanong ko.

"Oo naman. Gusto naman kita makitang sumaya. Kahit na nasa piling ka na ng iba." sabi niya.

"So ano nga? Alam ko na. Itetext na lang kita mamaya." sabi niya at umalis.

"Nikki! Pasok na tayo! Gutom pa ako eh..." tawag ni Camille.

"Ha?!" nagtataka na si Nikki.

"Basta lika na sa loob." hinihila ni Camille

"B-bye Henry." kumaway pa siya bago siya sumama kay Camille.

Ang tibay talaga ni Camille...

Pero, ano yung gagawin niya?

Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon