Kakauwi lang ni Nikki kanina. Nagtext naman si Camille, pupunta daw siya dito.
"Hello Henry!" nagulat ako nang biglang pumasok si Camille.
"Ang dilim dito! Para saan pa yung ilaw at yung sliding door mo!"
Binuksan niya yung kurtina ko at sliding door ko.
"Ahhh the sun! THE SUN!!!!" sabi ko.
"Shut up! Were not in the internet! At kaya ako pumunta dito ay may sasabihin akong importante." sabi niya at umupo sa comuputer chair ko.
Ako naman umupo sa kama ko. Lumapit siya.
"Henry maniniwala ka ba sa sasabihin ko? Either na parang masasabi mong sinungaling ako?"
"Kahit ano yan, tatanggapin ko."
Huminga siya ng malalim.
"Henry, I suggest na sumuko ka na kay Nikki."
"What?!" nagulat ako sa narinig ko.
"Calm down, suggest lang yun. Di ko sinabing sumuko kana. Pagsisisihan mo lang pag sinabi mo pa ang nararamdaman mo para sa kanya." mahinahon na sabi niya.
"Bakit?!"
"Basta. Malalaman mo rin naman eh."
"Bat ayaw mo pang sabihin?! Bat may mangyayari bang masama pag sinabi mo? May sakit ba siya? May-" nagulat ako ng sinampal ako ni Camille.
"FOR F*CK SAKE CALM DOWN! YOU IDIOT! KUNG GUSTO MO SIYA, SABIHIN MO! PERO BAHALA KA KUNG IIYAK KA HA! WALA AKONG PAKE DYAN HA!"
Ngayon ko lang nakitang galit si Camille. Parang hindi siya yun.
"So-sorry..." she's back in her senses.
"Ehem. So, yun nga. Sige na babye." sabi niya at tumakbo na paalis ng kuwarto ko.
Ano ba yun? Bat hindi niya sinasabi kung bakit? Na curious pa ako lalo.
Tinawagan ko si Camille.
"Hello?"
"Bukas, sasabihin ko kay Nikki yung nararamdaman ko para sa kanya."
"Are you nuts! Hay... Sige na bahala ka sa buhay mo! Wag ka na sana tumawag kung sasabihin mo yan!"
Binaba niya yung tawag.
Hinanda ko na yung sarili ko para bukas...
BINABASA MO ANG
Rainy Days
Teen FictionNot all the rainy days are bad. Malay mo dahil doon, makilala mo yung nakatadhana sayo at magpapatunay ng forever...