Day 3 (Night)

7 0 0
                                    

Nikki's POV

Nagulat ako ng may tumawag sa akin.

"Hello?"

"NIIIIIIKKKKKKIIIIII!!!!!" napalayo ko yung cellphone ko sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasabi ni Camille habang umiiyak.

"Anong nangyari?"

"NADAGDAGAN YUNG POPULATION SA FRIENDZONE! WAHHHHHH!!!!"

Weird talaga madalas mga sinasabi nitong babaeng tog

"Do you mean, nabasted ka at sinabing 'hanggang friends lang tayo'? Yun ba?" tanong ko.

Sinabi ko sa kanya na umamin na siya doon sa lalaking gusto niya.

"OO! ANONG GAGAWIN KO?! IYAK LANG AKO NG IYAK DITO!"

"Pupunta ako dyan." sabi ko.

"Dala ka na rin ng pagkain. Marami ha..."

Imbis na sabihan ko siya na makapal ang mukha ay um-oo na lang ako.

"Yey! Alam mo na kung saan ako nakatira diba?" tanong niya.

"Oo. Bye na." sabi ko at binababa ko na yung tawag.

"Manong hatid mo nga ako sa bahay nila Camille." utos ko.

"Maam gabi na po ah. Pupunta pa po kayo doon?" sabi ni Manong.

"Doon na ako matutulog. Manang! Pahanda ako ng gamit ko... Hanggang Pang Sunday. Atsaka pagkain." utos ko.

"Opo maam." sabi ni Manang at umakyat sa kuwarto.

Nang natapos na si manang maghanda at nakakuha ng mga junk food. Sumakay na ako sa kotse.

Nang nakarating na ako sa bahay ni Camille, nasalubong niya ako.

"Salamat manong, sunduin mo na lang ako ng Sunday." pagkasabi ko nun ay umalis na si Manong.

"You're spending your weekend with me... Yey!" sabi ni Camille at niyakap niya ako.

Halatang maga na yung mata niya kakaiyak pero todo ngiti pa rin siya kahit parang may halong lungkot yung ngiti niya.

"Pasok ka." sabi niya.

Pumasok na kami at umakyat sa kuwarto niya.

Nagkaroon kami ng sleep over. Kain siya ng kain tapos natulog na.

Ako naman, di nadampian ng antok. Kaya pumunta muna ako sa terrace ng kuwarto ni Camille.

Nakatitig lang ako sa langit. Nalulungkot ako dahil maganda ang panahon. Gusto ko ulit makita si Henry. Gusto ko ulit siyang makausap, my days are not complete when I didn't see him.

May dumaan na shooting star. Kaya humiling ako.

Sana umulan o kahit hindi na. Basta sana makita ko siya.

May narinig akong boses mula sa kabilang bahay.

"Ang init! Bat kasi di umulan."

Gabi na pero gising pa tong kapitbahay nila. Ang tindi ah.

Binuksan niya yung sliding door niya.

Nagulat ako kung sino ang nakita ko.

"Henry?"

Napatingin siya at medyo nanlaki ang mata niya.

"Nikki?"

Wishes do come true...

Rainy DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon