Chapter 1

137 83 1
                                    

IRINA'S POV

"Irina ano ba yan, ang bagal mo" sambit ni Talia, kaibigan ko.

Mas binilisan ko pa ang pag lakad ko dahil halata sa boses nya na kanina pa sya naiirita.

"Nasaan na ba kasi tayo? Parang nawawala na tayo eh" Reklamo ko tinignan nya ako ng masama.

"Basta, malapit na tayo" sambit nya at tumingin muli sa dinadaan nya.

Actually we love to adventure, at naisipan naming dayuhin ang isang mansyon. Sabi ng iba ay haunted mansion yun, pero nandito kami ngayon hinahanap yun.

Tumahimik na lamang ako para hindi na sya mainis. Nag focus nalang ako sa pag lakad. Medyo nakalayo na ata kami sa baranggay namin.

Napatingin ako sa langit, napagtanto ko na malapit na palang gumabi. Yinugyog ako ni Talia kaya napatingin ako sakaniya.

"Bakit?" tanong ko rito tinuro nya ang harapan namin kaya lumingon ako.

Bumungad ang isang mansyon, wari ko ay ito na ang hinahanap namin. Parang nasunog yung dingding ng mansyon at ang mga halaman na nakapalibot dito ay lanta na. May sira din ang malaking door na parang marupok na ito baka Isang hawak ko lang dun baka bibigay na yun.

"Ano pang tinitingin mo dyan? Hindi ka ba papasok?" Sambit ni Talia na malapit sa malaking pinto.

Kahit labag sa kalooban kong pumasok nilapitan ko nalang sya. Ayaw Kong maging KJ kahit na alam ko sa sarili ko na nakakatakot talaga yung mansyon.

Hahawakan ko na sana ang pintuan ng bigla itong bumukas. Napahawak nalang ako sa kamay ni Talia. Kinuha nya ang flashlight mula sa dala nyang bag dahil nag sisimula ng mag dilim.

Plano naming matulog sa loob ng haunted mansyon hanggang bukas ng hapon. Nakaramdam ako ng kaba dahil ramdam Kong may tinitingin samin hindi lang isa kundi dalawa o marami pa.

Pinagsawalang bahala ko nalang yun at tinulungan nalang si Talia na ilatag ang hinanda nyang pag tutulugan namin.

Nung bumukas kanina yung pinto, bumungad yung sala may sofa at tv. Nag tataka ako kung bakit malinis medyo malinis parin sa loob nito. May nakita din akong apat na picture frame naka takip sila. Siguro bukas ko nalang titignan. May second floor nga pala ito satingin ko puro kwarto na yun pero dito nalang kami sa sala kasi napagod na kami kakalakad. Bibigay na ata yung tuhod ko dahil sa sakit ng paa ko.

Napunta ang tingin ko sa gawi ni Talia na nag luluto sa portable na paglutuan na dinala niya. Tamang tama dahil gutom na din ako.

"Anong niluluto mo Talia?" tanong ko kaya napatingin sya sakin at ngumiti. Kanina ang sungit sungit nya eh.

"Corn beef with egg, tingin ko kasi hindi kasya satin ang isang corn beef kaya nag lagay nalang ako ng egg. Tsaka kanin" paliwanag nya.

"Pwede ka ng mag girl scout tehh" sambit ko na ikinatawa nya.

Napagisipan ko na umupo muna sa sofa. At hanggang ngayon talaga nararamdaman ko parin ang mga titig na yun. Nakakakilabot satingin ko hindi galing yun sa normal na tao lang. Hindi ko alam kung totoo ang hinala ko pero mas maganda ata pag lagi akong handa. Naka bisita na kami sa ibang haunted mansion pero mag kaiba ang feeling ko sa haunted mansion na ito. Bukod sa malinis parin ang loob ng mansion, may mga sandali din akong nakikita na lumulutang na apoy sa paligid pero bigla ding nawawala.

May humawak sa braso ko kaya napahiyaw ako.

"Ahhhh!!" Hiyaw ko

"Ano ba ako lang toh, lumilipad kasi utak ko eh kanina pa kita tinatawag" sambit nya kaya tinignan ko sya ng masama.

The Deity of the NatureWhere stories live. Discover now