Chapter 11

46 42 0
                                    

Nagising ako dahil may bumuhos ng tubig sakin.

"Ano ba natutulog yung tao!" sigaw ko dito habang nakapikit padin ang mga mata.

"It's our first day of school woman." sa tinig na yun ay alam ko na galing ito kay Timothy.

"Our?" napatingin ako sakaniya dahil anong ibig sabihin niya sa our?

"Yes, you heard it right? I'll go to the school with you to take care of you and watch you. You're such a hopeless person so I thought you need me to watch you." sabi nito na seryoso ang mukha. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman siya kailangan para bantayan ako eh ano ako bata?

"Wag na." sabi ko at tumayo pero bago pa ako makapasok sa comfort room at may katatagang siyang iniwan.

"No you need me to watch you." sabi nito.

Sinarado ko na ang pintuan ng comfort room at napasandal sa pintuan. Ang kulit talaga ng utak nito.

Lumapit ako sa bathtub na may tubig na atsaka may roses na lumulutang sa tubig. May mga bubbles din at mukhang pinag handaan ito para sakin.

Naligo na ako at pag katapos kong maligo ay lumabas ako na naka bathrobe lang.

Umupo muna ako sa upuan na malapit sa kama ko at tinignan ang repleksyon ko sa salamin.

Kinuha ko ang blower at blinower ang aking buhok. Mga ilang minuto pa lamang ay natuyo na ang buhok ko.

Pumasok na ako sa walk in closet at pumili ng damit.

"Ayy nasa maleta ko pala ang uniform namin." sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na inayos ang maleta ko noong unang tira ko dito. Dahil halos lahat na yata ng mga nasa maleta ko ay nandito na.

Lumabas ako para tignan kung saan ang maleta ko pero nagulat ako dahil biglang bumungad ang mukha ni Timothy na nasa harapan lang ng pintuan. Hawak hawak nito ang uniform ko at mukhang kakaplantsa lang.

"Here." inabot nito ang uniform ko. White long sleeve, black blazer, neck tie and above the knee black skirt. Yung blazer ay may tatak ng school na pinasulan ko at may line na red sa dulo ng blazer. Ganun din ang skirt may line na red sa dulo at may bulsa sa gilid. Checker checker ang design ng skirt.

"Salamat." saad ko kay Timothy at tumango lang ito tsaka tumalikod. Ngayon ko lang din napansin na naka uniform din siya. White long sleeve and black necktie ganun din nag design ng blazer niya kagaya ng akin. At naka black slacks siya nakasuot na din ito ng patient leather na black oxford shoes. Ang masasabi ko lang ay bagay na bagay sakaniya ang uniform.

There's a lot of black shoes in your walk in closet, check it." sabi nito bago isarado ang pintuan.

Nakahinga ako ng maluwag pag katapos nitong umalis. Sinuot ko na ang uniform ko tsaka pumunta sa walk in closet tanaw ko mula sa pintuan ang mga naka hilera na black shoes. Wala ito noon at ibat ibang style ng mga black shoes na nakita ko.

Pero pinili ko ang formal low heeled black shoes dahil parang bagay ito sa uniform ko. Tumingin ako sa malaking salamin na nasa harapan ko. Hindi ko maipag kakaila na bagay talaga sakin ang uniform.

Nag lagay ako ng konting liptint at pulbo sa mukha ko. Kinulot ko naman ang dulo ng buhok ko parang ang boring kasi ng buhok ko.

"Perfect." ani ko at ngumiti muna bago lumabas sa walk in closet. Bumaba na ako at nakita ko mula dito si Timothy na prenteng nakaupo sa sofa habang nakahawak ng kape.

"Good morning." sabi ko at ngumiti.

"Morning." malamig ang tinig na nag mula sakaniya. Mood swing nanaman.

The Deity of the NatureWhere stories live. Discover now