"Binibining Irina satingin ko hindi normal na tao ang driver kanina" seryoso na sabi ni Rhett. Napatigil ako ganun din ang nasa isip ko pero ayaw kong umakusa ng hindi nalalaman ang totoo.
"Baka iba ang tinitignan niya kaya ganun" pampakalma ko sakanila.
"Sana nga, lalo pat wala si Ginoong Timothy dito." ramdam ko ang pag aalala nila. Nginitian ko sila para hindi na sila mag alala. Ano bang meron sa masungit na lalake na yun? Bakit naka rely ang dalawang ito sakaniya?
Winaksi ko na sa isip yun, tsaka pumasok na sa mall. Nahagip ng mata ko sa Talia na kumakaway. Ngumiti ako at lumapit sakaniya.
"Aga mo ng 10 minutes HAHAHA" saad niya.
"Para hindi ako malate ayaw mo pa naman na pinag hihintay." sabi ko kaya napatawa siya lalo. Nakasunod parin Sila Bhrett at Rhett samin at alam kong hindi makikita ni Talia sila Bhrett at Rhett.
"O sya tara na." aya niya sakin at hinila ako papunta sa school supplies section. Tinignan ko sila Bhrett, sinenyasan ko sila na sumunod lang sakin tumango naman sila.
Pumili na kami ng mga kailangan namin para sa next school year.
Umabot ng isang oras ang pag bili namin ng mga school supplies namin.
"Gutom ka ba Irina? Gusto mo bang kumain muna tayo saglit sa malapit na restaurant?" saad niya. Umiling ako bilang sagot kahit alam ko sa sarili ko na nagugutom na ako dahil sa pagod.
"Libre ko." dagdag niya.
"Hindi naman ako tumatanggi sa grasya eh, tara na." saad ko at hinila na siya. Tawang tawa si Talia dahil sa naging sagot ko pati na din Sila Bhrett at Rhett.
Nag order na din kami kaagad ng pagkain sa pinuntahan namin na restaurant. Mga ilang minuto ay sinerve na nila ang mga inorder namin. Kare-Kare, Steak, Gluten Chocolate cake, Mango Shake para sakin at Hot Chocolate kay Talia. Actually mayaman si Talia scholar lang ako sa school na pinag aaralan namin ni Talia.
Nahiya ako kasi ang dami niyang inorder. Sila Bhrett at Rhett naman nasa gilid lang tinitignan kami. Hindi ko man lang Sila mabigyan ng pagkain. Hindi naman kasi nakikita ni Talia sila Bhrett at Rhett baka mag taka kung bakit ako nag pa dine for four persons.
"Ahm Talia salamat nga pala ha" nahihiya Kong saad.
"Ano ka ba wala yun, kumain ka na." sabi niya atsaka ngumiti sakin. Kahit na masungit sakin yan minsan alam Kong mabuti parin siya.
Nakangiti nalang ako dahil ang swerte ko dahil meron siya. Binigyan niya ako ng rason para mabuhay. Napatingin ako kila Bhrett at Rhett dahil alam kong nagugutom na din sila mamaya ililibre ko nalang sila.
Nang matapos na kami ay tinaas ni Talia ang kamay niya. Kaagad namang dumating ang waiter.
"1 order of kare-kare, take out." sabi ni Talia. Huh para saan naman yun?
"That's all ma'am?" magalang na sabi ng waiter. Tumango si Talia, liningon niya ako at nginitian ako tsaka malis na ang waiter.
"It's for you Irina, alam kong tinatamad ka nanaman na mag luto mamayang gabi. Wag kang mag pagutom ha" ani niya na parang nanay. Napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Babawi ako sayo salamat sa pag libre mo. Masyado ka ng maraming ginawa para sakin." sambit ko na ikinangiti nito.
"Wala yun, wag ka nang bumawi pa basta wag mo akong iwan ha best friend forever tayo. Wag mo akong kalimutan pag naka hanap ka ng bagong kaibigan." sabi niya nakita ko ang mga tubig na kumikinang sa mata niya.
"Anong pinag sasabi mo Talia ikaw lang naman ang kaibigan ko eh." sabi ko at binigyan siya ng isang mainit na yakap. Ramdam ko ang tubig na pumatak sa gamit ko. Humiwalay ako sa yakap atsaka pinunasan ang mga luha niya. Ngumiti siya sakin at inayos na ang mukha niya.
YOU ARE READING
The Deity of the Nature
FantasyIrina is a normal girl. She has a beauty that can be compared to a goddess. Little did she know that having the mark of the deity can cause her many danger. All bad spirits are seeking for that deity to stole the mark and own it. But he came, an pow...
