Chapter 7

74 69 0
                                    

"Let's watch the fireworks together with Bhrett and Rhett. saad nito

Nasa labas kami ngayon hinihintay namin si Timothy na mag palit. Pinasuot niya ako ng formal cherry blossom motif kimono. Nililibang ko nalang ang sarili ko sa pagtingin ng mga bituin.

"Bagay sayo ang kimono Binibining Irina." papuri sakin ni Bhrett namula ako dahil dun.

"Hindi naman masyado." pa humble ko sakaniya na ikinatawa niya. Narinig namin ang pag bukas ng pintuan. Napatingin kami dun bumungad sakin ang mala anghel na mukha ni Timothy nakasuot siya ng kimono at 5-mon haori na talagang bumagay sakaniya may hawak hawak din siyang pamaypay. Lumapit siya sakin at nilahad ang kamay niya tsaka yumuko.

"Shall we?" tanong nito grabe ang gwapo niya pag ginagawa niya yun.

"Yes." sabi ko sino bang hindi tatanggi sakaniya?

Naglakad na kami may narinig akong impit na tili mula sa likod kaya lumingon ako. Nanunuksong tingin ang bumungad sakin napa tingin nalang ako sa harap at yumuko namumula ata ang mga pisngi ko.

Ang lambot ng mga kamay niya ang sarap hawakan. Sa dami kong inisip may van na pala sa harapan namin. Inopen ni Timothy ang pintuan para sakin.

"Thank you." sabi ko sakaniya pero tumalikod lang siya nakita ko ang mga tenga niyang namumula.

Pumasok na din sila Bhrett at Rhett umupo sila sa backseat. Habang kami ni Timothy naman ay nasa middle seat.

May pumasok na tao at umupo sa shotgun seat. Driver yata siya pinaandar na niya ang sasakyan.

"Kaninong van ito?" tanong ko kay Timothy. Tumingin siya ng saglit sakin at umiwas.

"Mine." sabi nito pero hindi na ako nag salita pa. Ang tahimik ng buong byahe wala ni isa ang gustong mag ingay.

Nang makarating na kami ay bumungad samin ang isang shrine madaming mga souvenir shop, booths etc.

"Let me." sabi ni Timothy dahil siguro akmang lalabas na ako. May gentleman side ka naman pala eh plus pogi points ka sakin.

Inopen niya ang door sakin kaya nag pasalamat ako sakaniya. Namangha ako sa taglay na kagandahan ng lugar na ito. Nakaka relax ang vibes ng Shrine madaming nakasabit na ilaw kung saan saan. Ang dami ding tao may nag sasayawan pa sa daanan mukhang ineentertain nila ang mga dumadalo.

Hinila ko silang tatlo sa photo booth mag rereklamo pa sana si Timothy pero sinamaan ko siya ng tingin. Walang naka pila kaya kami na kaagad ang susunod. Pumasok na kami at nag pose pose mga ilang shot pa ang ginawa namin pero iisa lang ang expression ni Timothy.

"Ano ba yan Timothy ngumiti ka din." sabi ko habang chinecheck ang mga shots namin. Nakita ko itong umirap pero hindi ko na pinansin. Buti pa yung dalawa marunong maki sama.

"Last na 1! 2! 3! Smile!" sigaw ko at tsaka nag heart sign. Chineck ko ito at nakita ko sa picture na naka ngiti si Timothy.

"Ayan pwede na, tara na." sabi ko at hinila sila papalabas reklamo ng reklamo si Timothy habang yung dalawa tahimik lang.

Gusto ko din sanang itext si Talia kanina kung pupunta ba siya dito pero hindi ko mahanap ang cellphone ko.

"My hand hurts don't drag me like that again." sabi nito habang hawak hawak ang kamay niya.

"Edi sumunod nalang kayo sa akin, pag bigla kayong nawala sa paningin ko hindi ko nalang alam gagawin ko." sabi ko at pumunta sa may madaming stall

Madaming ibat ibang klase stall dito pero pumunta ako sa may balloon at puputukin ito gamit ang mga darts.

The Deity of the NatureWhere stories live. Discover now