"Happy Birthday, Abby!" Sabay sabay na bati ng mga naabutan nila sa dining area ng gabing iyon. Hawak ni Abby sa kamay si Lian na nangingislap ang mga mata, tuwang tuwa para sa kanya.
Kinikilig na natutop ni Abby ang bibig. Hindi niya alam na may pa surpresa ang mga De Marco sa kanya. May double layered chocolate cake sa mahabang lamesa. May ilang putahe din na nakahanda sa hapag.
Nilapitan siya ni Mrs De Marco, tinapik ang likod at kinabig siya payakap, "Happy Birthday, hija."
"Thank you, Prof."
Sunod sunod na bumati at lumapit ang mga naroon. Kagaya ni Mrs De Marco ay mabait din ang Papa ni Daniel. Humalik din sa pisngi niya ang dalawang bagets nina Nowan at Trace.
Tuwing birthday niya, hinahandaan siya ng pancit ng Nanang at Tatang niya. Akala niya, iyon na ang unang beses na dadaan ang kaarawan niya nang walang handa.
"Maraming salamat po, nakakahiya naman sainyo..." overwhelmed pa rin na sambit niya.
"You're already a part of the family, Abby." Si Travis. "Taon taon din naming sine celebrate ang birthday nina Manang Guia at Tere."
"Ganun ho ba? Hindi na po kayo dapat nag abala pa. Pinera nyo na lang po sana," biro niya na ikinatawa ng mga naroon.
"Happy Birthday, Abegail." Tikhim ni Daniel na pormal ang mukha. Nakaupo ito sa dulo ng mahabang mesa. Hindi niya napansin ang lalaki dahil halos matakpan ito ng mga nagsisibati sa kanya.
At talagang nagpahuli ang mahal niya.
"Thank you, Sir." Malawak ang ngiting tugon niya.
"Happy Birthday, Yaya. I was the one who asked Papa to buy the cake for you. It was my favorite. I hope you like it, too." Si Lian na halata ang adoration sa mga mata.
"Ang sweet ng baby ko, thank you." Matunog ang halik niya sa pisngi ni Lian na yumakap bilang ganti sa kanya.
Kinarga niya si Lian at iniuupo ito sa bakanteng silya sa tabi niya. Nginitian niya si Daniel kahit pakiramdam niya nanunuot sa mga buto at kasu-kasuan ang titig nito sa kanya.
PINAYAGAN si Abby nina Andrea at Travis na magcelebrate ng birthday niya kasama sina Tere at Manang Guia. Sa likod bahay nila naisip mag inuman, libre at up to sawa ang whisky at iba't ibang uri ng alak mula sa mini-bar ng malaking bahay.
Naunang magpaalam si Manang Guia na matutulog na matapos sabihin sa kanya na sa silid na muna siya ni Lian matulog. Nauna na kasing inukopa ng isa sa mga yaya ng kambal ang higaan niya sa servant's quarter.
Naghihilik na daw ang yaya at nakakahiyang palipatin pa nila.
Ang mga bata naman ay nag eenjoy pa sa panood ng movie sa silid ni Daniel habang ang huli ay nagtatrabaho pa rin sa library na nasa dulo ng pangalawang palapag ng bahay.
Wala pa si Lian sa kuwarto nang pumasok siya. Inuutusan siya ng isip na puntahan ang alaga pero hindi niya naman mautusan ang sariling katawan. Nahihilo na siya at nanghihina ang mga tuhod niya.
Sumalampak siya ng higa sa kama. Hindi niya kailangang mag alala kay Lian, tiyak na ihahatid ng Yaya ng kambal ang alaga niya sa silid na 'yon bago ito matulog sa servant's quarter.
Ilang minuto nang nakahiga at nakapikit si Abby nang makaramdam siya ng pagbaligtad ng sikmura. Umiikot ang paningin at sumusuray na tinungo niya ang banyo at nagdududuwal sa toilet bowl.
Nang maisuka ang lahat ng pwedeng isuka ay halos pagapang siyang bumalik sa kama. Hinubad niya ang t-shirt na nasukahan kasunod ang walking shorts niyang nabasa nang sumalampak siya ng upo sa sahig sa loob ng banyo.
BINABASA MO ANG
Married to the Clever Queen
RomanceHindi akalain ni Abby na mabilis na masusulusyonan ang problema nya sa pera nang matanggap sya bilang yaya ng anak ni Daniel De Marco. Isang umaga kasi ay nagising syang tanging kumot lang ang suot habang katabi sa kama ang gwapo, macho pero nuknuka...