Chapter Ten
Sa reception, habang halata na ang pagod sa pagngiti at pag estima sa mga bisita si Daniel, hindi naman maramdaman ni Abby ang gutom o ang pangangalay ng kanyang mga panga. Halos kalahating araw na siyang nakangiti at nakikipagkamay sa mga bisitang bumabati sa kanila.
"You can stop smiling or laughing now and focus on your food. Gabi na, halos wala ka pang kinakain maliban sa kapiraso ng cake kanina."
Tumingin siya kay Daniel. Hindi niya mapigil ang paglapad ng mga ngiti habang pinagmasdan ang asawang nakayuko at kalmadong naghihiwa ng steak sa plato.
"Huwag kang mag alala, hindi nakaka lock jaw ang pagtawa. Pero sa totoo lang, Daniel, nakakabusog palang titigan ka."
Nahinto sa paghiwa si Daniel. Nag angat ito ng tingin at nakipagtitigan sa kanya. Sa kanilang dalawa, mas nauna pa itong kumurap at nag iwas ng mata.
Kinuha nito ang pinggan sa harap niya, ipinalit ang platong in-slice-an nito ng karne kanina.
"That's quite cheesy, Abegail," komento nito. "Eat up, and satisfy your hunger. Baka dahil sa gutom kung ano pa ang susunod mong sabihin."
"I love you."
Napailing lang si Daniel. "Suit yourself."
Ngumiti lang siya. Mukhang tunog biro ang dating ng sinsero at deklarasyon niya rito ng pag-ibig.
PAGKATAPOS maubos ang steak at tag isang goblet ng wine at pumayag sa ilang beses na ungot ng mga attendees ng kiss, nagyaya si Daniel na mag ikot para batiin at personal na pasalamatan ang mga guests.
Hindi humihiwalay sa kanya ang lalaki. Lagi itong nakaalalay, sapo ang siko niya o kaya naman nakahawak sa kanyang baywang para igiya siya sa mga bisita.
Sa pangatlong lamesa, ipinakila sa kanya ni Daniel ang mag asawa na sina Nowan at Trace. Pinigil niyang haplusin ang malasutlang balat ng una, nahiya ang kutis kalabaw niya pero syempre hindi naman siya papakabog sa ganda.
Confident si Nowan sa suot na puting gown na mas mahaba ang likuran kaysa sa laylayan sa harapan. Litaw at pansinin na naka sneakers itong puti sa suot na gown. Malaki ang earloop earing, puwedeng paikutan ng poinsettias at Christmas lights. Kung iba ang magsusuot magmumukhang babaeng mababa ang lipad, pero bakit sa babaeng ito, nagmukha itong modelong in demand?
Papunta na sila sa lamesa ng mga Ninong at Ninang nang tawagin si Daniel ng isang lalaking mapusyaw. Lumapit ito sa kanila, hawak sa isang kamay ang wine.
Halos sabay silang pumihit paharap sa lalaki. Habang todo siya ng ngiti, pumormal naman ang anyo ni Daniel. Sa kanya ilang minutong nagtagal ang tingin ng lalaki bago inilipat kay Daniel.
"Pare, hindi ako makapaniwala, you are a married man now," anito na nag abot ng kamay para i-congratulate ang asawa. Napilitan, tinanggap iyon ni Daniel.
"I hope this marriage meant you've finally moved on."
A soft scoff escaped from Daniel's lips. "Move on from what?"
Napatingin si Abegail sa bisita bago inilipat ang tingin sa asawa. May pakiramdam siyang masusugatan ang lalaki kung ngingiti ito sa kaharap.
"Don't mind me. It's just the alcohol that's talking," bumaling ito sa kanya. Ngumiti bago dumukwang para makipag beso na tingin ni Abegail ay mas matagal kaysa sa normal na pakikipagbeso.
"Remember my name, Jared. And you're stunning, definitely the most beautiful bride I've ever seen."
Naghugis rosas ang mga mata ni Abby sa papuri. "Thank you," may halong kilig na aniya. Umaasang ganundin ang tingin ni Daniel sa kanya. Most beautiful. Ang haba ng hair niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/41416360-288-k314731.jpg)
BINABASA MO ANG
Married to the Clever Queen
Roman d'amourHindi akalain ni Abby na mabilis na masusulusyonan ang problema nya sa pera nang matanggap sya bilang yaya ng anak ni Daniel De Marco. Isang umaga kasi ay nagising syang tanging kumot lang ang suot habang katabi sa kama ang gwapo, macho pero nuknuka...