Madilim na nang pumasok ang kotse ni Daniel sa isang ekslusibong subdibisyon sa Quezon City. Sinuyod niya ng tingin ang malawak na bakuran ng dalawang palapag na Mansiyon.
Naisip niya, ilan kaya ang kasambahay na makakasama niya roon? Mabuti na lang Yaya lang ang in-aplayan niya dahil kung all around katulong, baka kahit buhok niya sa katawan, mapagod sa paghaba sa laki ng lilinisin niya araw-araw.
"Don't worry, hindi kasama sa trabaho mo ang paglilinis," ani Daniel na tila nabasa ang nasa kanyang isip. Nagi guilty na tumingin siya dito.
"Wala naman akong sinasabi... Pero kung dadagdagan n'yo ng kahit 1000 lang per month ang sweldo ko, baka tumulong na rin ako."
Numipis ang mga labi ni Daniel.
"You just focus on my son. May mga kasambahay na nakatoka sa pagmamantini ng kalinisan ng bahay."Sayang. Humirit pa siya, "Eh, kung sakaling may magresign, Sir willing akong mag part time."
Inihinto ni Daniel ang kotse sa harap ng bahay. Nilingon siya. "I doubt that. Lampas dekada nang nagtatrabaho sa amin ang karamihan sa mga kasambahay. Hindi sila basta basta aalis. And for the second time, si Lian ang focus mo. Now, kung hati ang loob mo -"
Mabilis na kinalas ni Abby ang seatbelt sa katawan niya. "Hindi ka naman mabiro, Sir. Sa laki ng sweldo ko ba't ko naman papangaraping magdagdag pa ng trabaho? Sobra sobra na ang sahod ko sa mga gastusin namin buwan buwan sa araw araw. Hindi naman ako nagmamadaling yumaman."
Pero nanatiling pormal ang ekspresyon sa mukha ng binata. Nakatingin ito sa kanya. Mukhang biglang nagduda sa kakayanan niyang alagaan ang nag iisa nitong anak.
"B-baba na tayo, Sir?" Kinakabahan niyang sabi. Sa sobrang pagiging gahaman niya parang gusto na lang siya nitong ibalik sa Pasay.
"Leave your luggages. Si Domingo ang magdadala niyan sa magiging kuwarto mo." Ani Daniel. Binuksan na nito ang pinto ng kotse at bumaba.
Kinabog ni Abby ang kanyang dibdib. Nakahinga siya nang maluwang. 85% siyang sure na nag aalangan ito kanina.
Bumaba siya sa kotse. Pinanood ang pagbuka ni Daniel sa mga braso nito para tanggapin ang sumusugod na yakap ng anak.
"Daddy! Daddy!"
"Hi, brave," nakangiting bati ni Daniel. Nawala ang pormalidad at 100% lumambot ang ekspresyon sa mukha. Gustong mapapalatak ni Abby.
Iba talaga ang powers na nagagawa ng mga anak sa mga Tatay, naisip niya.
Nagpakarga agad si Lian at humalik sa pisngi ng Ama. "Mommy Lola won't allow me to watch my favorite anime." Sumbong nito sa ama.
Natawa si Daniel. Ginulo ang buhok ng anak. "Hindi magandang nakababad ang eyes mo sa screen ng tv," sagot nito. "Have you had dinner?"
Umiling ang bata pagkatapos ay natuon ang mga mata nito sa kanya.
"You're the lady from the restroom!"
"Hi Lian. Ako nga," tawa ni Abby.
Kumawala si Lian sa pagkakakarga ni Daniel at lumapit sa kanya.
"You came! Hindi na masakit ang ulo mo?" Humawak ito sa kamay niya na ikinasalubong ng makakapal ni Daniel.
"Hindi na." Nakangiti pa rin na sagot niya. 'Sasakit pa lang kung hindi titigil ang Papa mo sa pagtitig na parang wala akong gagawing mabuti!' Gusto niyang idagdag pero nagdesisyong huwag na lang.
Masyadong seryoso sa buhay si Daniel, hindi niya ito puwedeng biru-biruin kung ayaw niyang mawalan ng trabaho. Isa pa'y natutuwa siya na naalala siya ni Lian kahit mukhang hindi makapaniwala ang bago niyang amo.
BINABASA MO ANG
Married to the Clever Queen
DragosteHindi akalain ni Abby na mabilis na masusulusyonan ang problema nya sa pera nang matanggap sya bilang yaya ng anak ni Daniel De Marco. Isang umaga kasi ay nagising syang tanging kumot lang ang suot habang katabi sa kama ang gwapo, macho pero nuknuka...