Chapter Eight

573 13 1
                                    

Chapter Eight

NANANALIM at DUDA NA ANG TINGIN ng Nanang ni Abegail nakita pa lang nito na inaalalayan siya ni Daniel sa pagbaba sa kotse.

Natanaw na niya kanina ang pagdungaw nito sa bintana. Sumilip din doon si Fatima nanunukso at malisyosa ang tingin sa kanila ni Daniel.

Hinuli ni Abegail ang kamay ni Daniel saka mahigpit na pinagsalikop ang mga darili nila. Nang yukuin siya ni Daniel, nag explain agad siya.

"Ayaw ko ring gawin ito, Sir... Pero nakatingin ang Nanang. Kailangan nating mapatunayan sa kanya na nagmamahalan tayo para hindi tayo abutin ng 2030 dito."

"Hindi kita pinagbabawalang humawak sa 'kin." Anito.

Ngumiti si Abegail, nanunukso, matamis. "Ibig bang sabihin puwede kitang hawakan sa any part, anytime, anywhere, Sir?"

"You have a sick perverted mind, Abegail." Palatak ni Daniel.

"Sa 'yo lang po, Sir..." Nakangising tugon niya. Itinaas ang kamay nilang magkahawak.

Nakakakuryente at mainit ang palad ng binata. Mas naramdaman niya iyon nang higpitan ni Daniel ang pagkakahawak sa kamay niya.

Kung tutuusin pinipigil niya pa nga ang sarili na mangisay. Kinikilig siya. Puwede na siyang hindi sumama sa Eraserheads sa Alapaap tutal alam na niya ang pakiramdam.

Ang palad ni Daniel, hindi iyon magaspang pero hindi rin sobrang lambot. He sometimes helps in household chores kapag libre ito at bilang bonding na rin sa anak ayon kay Manang Guia.

They said he was a husband material. Naalala niya pang pinandilatan siya ng mga mata ng matandang mayordoma nang biruin niyang nagdadalawang isip siyang magpakasal sa dating alaga.

"Magandang araw ho..." Bati ni Daniel nang pagbuksan sila ng Tatang niya ng pinto. Sa tabi nito ay ang Nanang niya na masama ang tingin sa kamay nilang magkahugpong.

"Ah e, magandang araw din sa 'yo, hijo -" alanganing tugon ni Dario.

"Bago ko kayo papasukin, gusto ko munang malaman kung bakit hawak mo ang kamay ng anak ko?" Ang Nanang niya na inilipat ang nang uusig na tingin sa mukha ng lalaking bisita.

Bahagyang itinaas ni Daniel ang kamay nilang magkasalikop. Nagbuka ito ng bibig pero kagyat na sumingit si Abby.

"Nang, surprise! Magiging Lola ka na!" Excited niyang sabi!

Naitikom ni Daniel ang mga labi, salubong ang mga kilay na niyuko siya habang halos bumagsak naman ang panga ng Nanang niya.

"MAHABAGING Diyos sa langit, saan ba ako nagkamali, Abegail! " halos humagulgol si Remedios nang sa wakas ay magkaharap harap na sila sa loob ng maliit na sala ng bahay nila. Katabi nito sa sofa na gamit na gamit na si Dario na hindi pa rin makahagilap ng salita.

Sa likod ng mga ito nakatayo si Fatima habang nakaupo sa monobloc na nasa tapat ng lamesa si Julian.

"Hindi ako nagkulang sa pangangaral sa 'yo! Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na iwanan mo dito sa bahay lahat ng kiri sa katawan mo para hindi ka napapahamak -!"

"Nang..." Awat niya. Alam niyang mag uumpisa nang masiwalat lahat ng bahong itinatago niya ngayong emosyonal na ang kanyang Nanang.

"Huwag mo akong ma - 'Nang - 'Nang, Abegail! Tama nga ang hinala kong makikipagtanan ka at hindi ka magtatrabaho lang!"

Bumuntong hininga si Abby. Walang dudang kasing talas ng kutsilyo ang dila ni Remedios pero alam niyang kapakanan niya lang ang iniisip nito.

Sigurado siyang gagabihin sila bago ito kumalma nang tuluyan. Kagaya pa rin ito ng dati, bungangera kahit naoperahan na at lahat, pero sanay na naman siya. Hindi naman ito nagda drama ng ganun kung walang dahilan para magdrama.

Married to the Clever QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon