Prologue

71.8K 1.2K 53
                                    

Inihinto ni Daniel ang honda civic sa parking space ng DM University kung saan nagtuturo ang Mama niyang si Andrea De Marco bilang English Professor. Pag aari ng pamilya nila ang semi private University sa QC. Sumaludo sa kanya ang naka assign na unipormadong security guard sa parking nang makilala siya. Sinagot niya iyon ng tango.

"Boss, nasa building 2 si Maam Andrea ngayon, patapos na rin ang meeting."

"Salamat." 

Dinig ni Daniel ang malakas na hiyawan na nagmumula sa activity area. Maingay sa lugar at puno ng estudyanteng kinikilig at nagtutuksuhan. Madadaanan iyon papunta sa building 2. Kumunot ang noo niya nang makita ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. 

Valentines day na ba, naitanong niya sa sarili.

Nagkalat ang mga kulay pulang lob, mga rosas sa sahig at mga pusong gawa sa papel. Tumikwas ang kilay niya nang mapansin ang pares ng babae at lalaking nakatayo sa hugis pusong arko sa gitna ng activity area. Hindi mahirap hulaan nagp- propose ang lalaki sa babaeng ngiting ngiting nakatayo sa harap nito. 

But surprisingly, the crowd was not cheering for the couple who was holding each other's hands but for the girl who was strumming her guitar and singing Christina Aguilerra's old hit, I turn to you. Nakasukbit ang strap ng gitara sa balikat nito.

Pinagkrus niya ang mga braso sa kanyang dibdib. Mataman din niyang pinapakinggan ang pagkanta ng babae habang pinag aararalan niya ang anyo nito. Matangos ang ilong, napansin niya mula sa pagkaka sideview nito. Iginagala ang bilugang mga mata sa mga estudyanteng nanonood. Mahaba ang kulot at kulay mais na buhok na halatang natural at hindi kinulayan lang. Sa height ni Daniel na six foot three tiyak nyang hindi aabot sa balikat niya ang babae.

Tumuwid siya sa pagkakatayo nang matapos ang kanta nito. Nakita niyang inilahad nito ang kanang kamay sa harap ng pares na noo'y nagkakailangan pa nang kaunti. Hindi inaasahan ni Daniel ang pagguhit ng amused na ngiti sa kanyang mga labi. 

"One thousand pesos for a job well done, Sir, Maam..." nakangiting anang singer na inilahad ang palad sa harap ng dalawang sinerbisyuhan. 

Napakamot ng batok ang lalaki. "Wala bang student discount, Abby? Hindi mo naman kabisado ang kanta eh."

Pumalatak ang babae. "Kaya hindi ako yumayaman dahil sa kakahingi n'yo ng discount eh. Inclusive sa One thousand 'yong set up at pagliligpit ng kalat. Muntik na nga akong mamalat kakapractice ng kanta, nilait mo pa. Iiyak na lang ako sa gilid mamaya para di mo alam na nasaktan ako ng slight, basta magbayad ka lang ng tama." Itinaas ulit nito ang kamay sa harap ng lalaki. 

Nahihiya namang ngumiti ang babaeng hinarana, siniko ang bagong boyfriend. "Sige na, Gringgo. Maganda naman ang pagkakakanta niya eh."

Walang nagawa ang lalaki, nagkamot ng batok bago napilitang dumukot na ng pera sa wallet. Nakangiti ang mga mata ng babae nang tanggapin nito iyon.

"Magtagal sana kayo. Sa Anniversary n'yo i-book n'yo ulit ako. Discounted na sa susunod, promise!" Ibinulsa na nito ang pera. The girl was charming at hindi maikala ni Daniel ang amusement habang pinagmamasdan niya ito sa ginagawa nitong diskarte sa kapwa estudyante. Sinundan niya ng tingin ang babaeng nag uumpisa nang magligpit ng kalat. 

Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo doon, pinapanood ito bago niya narinig ang boses ni Andrea sa kanyang likuran.

"Ang aga ng sundo ko ah." 

Puwersahang inalis ni Daniel ang mga mata sa babaeng may gitara para harapin ang Ina. 

"Early bird catches the worm." Nakangiting aniya. Nasa opisina siya nang tawagan siya ni Travis - ang kanyang Papa kanina. Ibinilin nito na sunduin niya sa eskwelahan ang Ina dahil hindi nito maiwan ang kausap nitong kliyente sa Resorts World Manila. 

Married to the Clever QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon